Les' POV
Nakita ko ang buong buhay ko sa mga mata ko ng mahulog ako.
Nakita ko lahat ng mga masasamang bagay na nagawa ko.
Lahat ng mga taong pinatay ko...Lahat ng mga bagay na sinira ko...Lahat ng mga buhay na winasak ko.
Naalala ko yung lahat...at hindi ako nagsisisi hahahaha Lucifer! Kunin mo na ang kalulu-
Splash!
Umahon ako sa tubig at nakita silang lahat na tumatawa.
Ron: Akala mo talaga na mamamatay ka na no?
Dek: Dapat nakita mo yung mukha niya nung pababa siya hahaha nakangiti lahat lahat
Nicole: Hahaha teka lang ang sakit ng tiyan ko
Kim: May tiyan ka pala?
Dave: Siya meron yung sayo kim masayado nagpapakita
Nandoon lang ako sa tubig lumulutang, hindi niyo alam kung gano ko gusto tagain si Ron ngayon.
Ron: Okay Les, Tumaas ka na at sumuko.
Mas mainit pa sa empyerno ang nagtitimping galit ko ngayon pero nakita ko na nakabukas ang front hatch ng "La Bonifacio" ni Ron at nakita ko ang escape ko.
Les: Hindi ako sumusuko ng ganon kadali Ron
At mabilis akong lumangoy papasok ng La Bonifacio
Libay's POV
Libay: Woah teka saan siya pumupunta?
Kuya Zach: Papunta siya ng barko natin!
Carl: Kuya Zach! Ron! Kyle! Sundan natin siya ah!
Sumunod na sila Kuya Zach, Kyle, pati si Dave kay Carl pero hinila ko muna si Ron.
Libay: (Hinalikan sa pisngi) Magingat ka
Ron: Ilang beses na ako namatay at nagaalala ka parin sakin :)
Tumakbo narin siya pababa ng barko.
Nagsitawanan ang mga tauhan ni Les na ginapos namin sa barko nila.
Via: Anong nakakatawa?
Migz: Sa tinggin mo ba ganun kadali lang matatalo si Les?
Ches: Yeah marami pa siyang mga plano sa kanya!
Luna: Kung marami siyang plano bak-
Bang! Bang!
Dalawang putok ng baril at mas lumakas pa ang tawanan ng mga tauhan.
Libay: Oh m- Ron!
Biglang may narinig kaming arangkada ng makina at tumingin kami sa tubig.
May dalawang taong gumamit ng speedboat namin.
Si Les at Si Ron.
Alyssa: Darude! They've got your speedboats!
Darude: No not my speedboats
Les: Ches! Migz! Brian! Mark! Pumasok kayo sa speedboat!
Tinanggal nung apat na tinawag ni Les ang mga taling naggagapos sa kanila at tumalon sa speedboat
Ron: Bakit yung mga tinawag mo lang yung nakatangal sa tali nila? ano yun magic?
At umarangkada na sila papalayo.
Via: (Pumunta sa railing) Ron ano yung putukan kanina?
Ron: Hindi naligo si Kuya Zach
Luna: Hindi We mean yung baril
BINABASA MO ANG
ZOMBIES SA PILIPINAS
HumorSa isang post-apocalypse na storya ni Ron, na kung saan nagka zombie break out sa buong mundo at tsaaka sa minamahal niya na Pilipinas! Ano kayang gagawin ng ating bida?!?! Let's Join Ron as pumunta siya sa mga iba't-ibang mga taong kilala niya no...