Chapter 50: Hanggang sa Muli

432 15 4
                                        

Ron's POV

Nagising ako sa sigawan ng maraming tao.

Lahat ng mga taong katabi ko sa beach ay nagsitayuan at binuhat ako pataas, nagsisigawan sila at nanghihingi ng tulong.

Hindi nagtagal ay narinig ko na ang boses ng mga kasamahan ko.

Pumunta sila sa akin at sinabihan ang mga tao pero hindi ko mamukaan kung sino ang nagsasalita sa kanila.

???: Ibigay niyo samin si Ron!

???: Pero siya yung tumulong samin!?

???: Mga tao kaylangan niyo pumunta sa mga stations!

???: Ron! Ron!

???: Oh my God! Buhay pa ba siya!

???: Lumayo kayo! pahingahin niyo siya!!!

???: Okay ba siya?! Ron!

???: Tumawag pa kayo ng tulong!

???: Huwag niyo siyang palibutan pahingahin niyo nga yung tao!

???: Gumagalaw ba siya?!?

???: Oo! basta bigyan niyo siya ng ere!

???: Pano niya nakaya yung ganon kalakas na pagsabog?

???: May mga kagat siya sa leeg at braso niya!!!

???: Niligtas niya tayong lahat...

???: Ehem tumulong rin po kami.

???: Bumalik na tayo sa stations! baka naman may ospital dun!

???: May doktor ba sa inyo?!

Rumami pa ang mga pinagsasabi ng mga tao pero may isang boses na nahihilo man o hindi ay mamumukaan ko agad.

Libay: Ron

Naririnig kong umiiyak siya.

Libay: Ron...okay ka lang ba Ron

Hindi ko magalaw ang katawan ko ng parang na paralyze ako.

Libay: Ron! Sumagot ka naman Ron...

Hindi ko kayang hindi magsalita kay Libay kaya inipon ko lahat ng kinakaya ko at tinaas ang kamay ko lamang at hinawakan ang kamay ni Libay.

Ang huli kong naaalala ay ang pagsaya ng lahat at pagiyak ni Libay sa sigla ng nalaman nila...na buhay pa ako.

---------

Nagising ako.

Medyo maayos na ang ulo ko pero masyado pa mahina ang katawan ko para tumayo at maglakad.

Kaya diniretsyo ko nalang ang pagupo ko at napansin kung nasaan ako.

Nasa isang hospital room ako, walang ilaw na nakabukas kaya hindi ko masyado makita ang paligid.

Binuksan ko ang isang lamp sa gilid ko at luminaw ang room ng kaunti.

Sangkatutak na mga pagkain ang nakahanda sa isang table sa gilid ng room habang naka sarado ang mga bintana.

Tumagal ng kaunti bago ko napansin na nakahiga pala si Libay sa paahan ko. Natutulog.

Alam kong siya ito dahil sa mahaba niya at magandang kulot na buhok at ang mabango niyang amoy na nakakagaan sa pakiramdam.

Tinapik ko siya ng kauti sa braso para magising pero umimik lang siya ng kaunti at bumalik ulit sa malalim niyang tulog.

Kahit masakit ang katawan ko ay pinilit kong tumaas ng dahan-dahan at bumaba sa kama ko.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon