Chapter 21: Pirates Of The Pilipinas

567 14 7
                                        

Ron's POV

Pangalawang Araw:

Nandito parin kami sa aming astig na yate, nung una ay tumigil muna kami para ihulog ang mga zombies na pinatay namin sa mga abandonadong mga bangka na makikita namin, ngayon ay 100% sure na kami na wala ng zombies dito sa barko.

Ang mga babae ay kinuha ang malaking room sa baba habang kami namang mga lalake ay solo naming ang buong lounge sa main deck, so patas narin naman yun diba?

Tinuturuan ko rin si Kuya Zach magmaneho ng bangka para kapag na tatamad na ako ay siya ang papalit sa akin.

Isang gabi ay nag palit kami ni kuya zach, siya nag maneho at bumaba ako para maligo, gabi na hindi pa ako nakakaligo!

So nandoon ako, bumaba ako ng hagdanan at nakita ko nakaupo sa baba ay sila Libay at Ate Rachel.

Ron: Oh! Anong ginagawa niyo? Hindi pa ba kayo matutulog?

Ate Rachel: Masyado pa kami napapaisip Ron.

Ron: Tungkol saan?

Libay: Tungkol dito sa misyon natin.

Ron: Bakit? Gumagana naman yung misyon ah? Meron na tayong bangka, at papunta na tayong spratly palawan para makita yung mga magulang natin! Bakit pa kayo malumbay?

Libay: Alam namin na papunta na tayo doon, pero anong mangyayare pagkatapos noon?

Ron: Anong ibig sabihin mo?

ate Rachel: Ibig namin sabihin ay kapag nakapunta na tayo doon ay wala namang magbabago!

Libay: Oo nga! May Zombies parin, at nagtatago parin tayo habang buhay!

Tama sila doon, pero meron silang hindi alam na alam ko, pero hindi ko rin yun sasabihin sayo, masyado spoiler yun sa kwento, pero maghanda kayo :)

Ron: Wag niyong isipin yun, isipin niyo nalang na kahit magtatago parin tayo, at least magtatago tayo ng sama sama, Hindi na kayo mag-isa.

At least dun sa sinabi ko ay medyo napa ngiti sila Ate Rachel, at Libay.

Libay: At Ron?

Ron: Bakit?

Libay: Pwede bang maligo kana? Ang baho mo na eh?!?

Gelai's POV

Oh my god ang corny nun!

Ay sorry, nakikinig ako sa pinagusapan nila ate Rachel eh, pero nagtago ako kaya hindi nila ako nakita.

Andrea: Anong ginagawa mo?

Gelai: What the!? Ate! Wag kang manggulat ng ganon? Nakikinig ako sa kanila?

Libay: Nakikinig kanino?

Gelai: Wala lang!!

Andrea: Ang weird mo ngayong gelai!

Libay: Ano ba yun?

Gelai: Wala nga ate!

Andrea: Sinabi ni Gelai na nakikinig siya sa pinaguusapan niyo nila Ate Rachel.

Gelai: ATE!?!?! Ahhhh! Matutulog na nga lang ako!

Umalis na ako sa scene habang sa tinggin ko nag fo-foreshadow ng isang conversation ang author para kila Ate Andrea At Ate Libay.

Andrea's POV

Andrea: Libay, pwedeng samahan mo ako sa taas?

Libay: Sige.

Naglakad kami pataas sa main deck.

Naglakad kami papunta sa railing.

Tinignan ko yung dagat, ang daming warship na nakatambak lang sa dagat.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon