Chapter 22: Ang Sanctuarium

531 13 5
                                        

Ron's POV

Zach: Sabihin mo lang kung saan sila pupunta!

Nandito kami sa brig (malaking storage room sa baba ng yate) at ine-enterogado yung Dek.

Dek: Hindi ko alam. . .(pero hindi siya tumitinggin sa amin)

Halata namang nagsisinungaling si Dek, hindi ko alam kung bakit siya ganun. . .Except noong tinutukan ko siya ng baril kanina.

Ron: Pwede bang iwanan mo muna kami kuya?

Nagisip si kuya kung tinitiwalaan niya si Dek at ako mag isa, mukhang hindi lero umalis rin siya at sinarado ang pintuan.

Ron: Look, Dek ayaw kong mag mukhang yung masama dito kasi hindi naman eh.

Dek: Tinutukan mo ako ng baril at sinubukan mo ako patayin. . .

Ron: Hindi ko naman talaga babarilin.

Dek: Suuuurrreee!

Ron: Sige wag mo akong paniwalaan. . .

Dek: Mag mumukha ka pang kaawawa diyan! Eh Kung hindi mo ako babarilin bakit mo ako tinutukan kanina?

Ron: Pwede ka bang magtago ng sikreto?

Dek: (Naging interestado) Anong sikreto. . .

Ron: Natatakot ako palagi kapag pumapatay ako ng zombies

Dek: ( Napatawa ng kaunti) Ano? eh palagi ka daw pumapatay ng zombies? tapos takot ka? Haha!

Ron: Kasi tandaan mo Dek, hindi lang sila mga zombies. . .

Dek: Anong hindi zombies?! halata naman sila g mga zombies na walang gustong gawin kundi kumain at pumatay ng tao!

Ron: Oo, pero ano sila dati? Mga tao. . .Mga tao na may mga pamilya at pangarap sa buhay, Mga tao na dati ay puno ng ligaya, tuwa at kahit ano man na gusto nila! Kahit nga naging zombies na lang sila, Nakakapatay parin ako ng tao.

Dek: At ang punto nitong kwento mo ay. . .?

Ron: Ang punto ko ay, hanggat sa ma kakaya ko. . .papatay lang akong ng zombies at hindi ang mga natititrang tao na may chance pa na magbago at makisama sa iba dito sa nasisirang mundo. . .

Napatahimik si Dek.

Masyado tense na moment ito, at isipin niyo ito sa susunod na manonood kayo ng movie o tv show na may zombie.

Ron: Hindi ako masamang tao Dek, yang mga tao sa taas? Sila ang pinaka matapang at mabait na grupo ng mga tao na nakilala ko, kaya wala kang rason para hindi kami tiwalaan. . .Ngayon, Saan ipupunta ni Les sila Ate Rachel?

Dek: (Napaisip si Dek ng kaunti) Sanctuarium.

Ron: Ano?

Dek: Si Les, kumuha siya ng grupo ng mga malalakas na pirata para pumunta sa isang lugar na tawag ay Sanctuarium, isang lugar kung saan walang mga zombies, hindi apektado ng 'Disease Zero', at puno ng supplies.

Ron: Anong gagawin ni Les doon?

Dek: Una ay kukuha pa siya ng marami pang mga tao parang yung mga kaibigan mo, tapos sasabihin niya na paghahatian nila ang Sanctuarium.

Ron: Pero?

Dek: Pero. . .Gagawin lang niyang mga tulungan at utusan ang mga kaibigan niyo at iba pang mga tao na makita niya, at sila Joshua, Yssa at Ches ang kanyang mga tauhan.

Ron: Tatlo lang naman sila ah? okay lang yun!

Dek: Onti palang kami noong nakita mo, mas marami pa ang mga tauhan ni Les.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon