Chapter 8: Mas-rumami pa

1K 29 0
                                        

Ron's POV

"Wag mo kong tignan ng ganyan" kanina ko pa sinasabi sa kanilang mga babae.

"Kasalanan mo na namatay yung dalawang bata!" Sigaw ni andrea.

"Sure ako na naging zombie lang sila" sabi ko. "So technically, hindi sila patay"

"San na ba tayo pupunta next?" Tanong ni gelai.

"Kila kuya zach" Sagot ko.

Buti nalang na wala masyadong zombie kila kuya zach.

Ang malungkot nga lang ay naalala ko pa nung wala pa ang apocalypse at dinadaan namin itong kalye na'to kapag pauwi na kami galing eskwelahan.

Naalala ko pa lahat ng mga tao na naglalakad, nagsasaya, nagtratrabaho, ni-isa walang may alam na magiging zombie lahat sila.

"Ron!"

Nang bumalik ako sa totoong mundo ay bigla kung nabangga ang naka park na kotse sa harap namin.

"Ron!" Sigaw ni Andrea. "San ba pumupunta utak mo!"

"Sorry. . .Um. . .Ano?" Sabi ko. "Sorry nahihilo lang ata ako"

"Raaaaaahhhhhhh!!!!!!!!!!"

"Kuya, may mga zombies na sa likod ng truck" Sigaw ni Gelai.

"Ay masama yan" Sabi ko.

NIlabas ko yung baril ko at sinabi ko sa kanila na tumahimik, tinignan ko yung mga zombies sa labas, siguro may mga sampo sa labas at ina-amoy nila yung tabi ng truck, ang galling nilang umamoy.

Pero siguro amoy patay sila, at amoy buhay kami, so hindi naman ganong kahirap diba.

Sinabi ko sa kanila lahat na tumahimik.

Tapos biglang may mga sumisigaw sa labas.

Tumingin kaming lahat sa labas, nagsilikuran ang mga zombies para makita rin kung sino yung sumisigaw.

Ng Nakita ko ko kung sino yung mga sumisigaw ay napangiti kaming lahat.

Sina Kuya Zach, Carl at Kyle pala yun.

Okay, siguro hindi niyo sila kilala.

Mga ka-service ko sila bago zombies sa pilipinas.

Nakita kung pinagbabaril nila yung mga zombies, tapos biglang mas maraming mga zombies na papunta.

(Side Note: Iibahin ko na yung way na interpret ko ng sinasabi sa storya, ganito oh)

Gelai. "Sila kuya zach!"

Ron. "Dito lang kayo lahat, masyado marami ang mga zombies na pumapalibot sa kanila, tutulungan ko lang sila"

Kumuha ako ng .45 (magnum, seryoso na ako).

Bigla kong lumabas sa likod ng jeep at binaril ko yung zombie na palapit sa likod ni Kyle.

Bigla siyang napatalikod.

Kyle. "Ron! Buhay Ka Pa!"

Ron. "Hindi, Multo ko 'to"

Bumaril rin ako ng tatlong zombies hanggang sa naubos na lahat.

Zach's POV

So nandun lang kami diba, at may mga zombies na pinapalibutan yung isang jeep na may mga tao sa loob nun.

So nagsitakbuhan kami nila carl at kyle papunta doon.

At ng pinapatay na namin yung mga zombies ng biglang may narinig kaming lumabas dun sa jeep.

Ay sa laking supresa namin ay si Ron yun.

Zach. "Ron, anong ginagawa niyo dito"

Ron. "Oh Alam mo na, mag-sha-shopping"

Carl. "Sila Gelai ba yung nasa loob?"

Ron. "Oo, nakita ko sila nung lumabas na ako ng bahay ko"

Kyle. "San niyo nakuwa yung military jeep"

Ron. "Nakuha naming sa tindahan kasi 50% off"

Zach. "Mamaya na tayo mag-usapan, pumunta muna tayo sa bahay, wala kasi masyadong zombie sa kalye naming"

Umalis si ron at tinawag sila gelai, prineno niya muna yung jeep nila sa labas.

Nag-aalala lang ako dahil baka marami na tayong magiging problema mamayang gabi.

KYLE'S POV

"Sorry Anak pero bawal kang sumama"

Yun ang huling sinabi sa akin ng tatay ko bago nila ako iwanan.

Kyle. "Pero Daddy, Hindi ako infected"

Habang umiiyak, Lumuhod ang tatay niya sa harap niya. "Eto kyle, kunin mo itong baril na ito, kapag hindi ka nga infected, pumunta ka sa lokasyon kung saan walang mga zombies sa buong pilipinas at magsama ka ng mga kaibigan mo na hindi rin infected sa. . ."

Pero bago matapos ang sinasabi ni Dad, ay may sumabog sa labas, at sa usok ay tumakbo na ang panilya niya.

Ng nawawala na ang usok ay tumakobo ako sa labas ng hindi alam kung aong gagawin. kaya pumunta nalang siya sa iisang lugar na alam niya na magiging ligtas siya sa kahit anumang pahamak.

Kila kuya Zach.

At ng tumagal siya doon ay naisipan na rin palang pumunta doon, nila Ate Angela, Ate Rachel, at si Carl.

Ngayon nandito na Ron, Libay, Gelai at Andrea.

Hindi ba sobrang malaki ang pagkakataon na puro kami mag-kaservice dito.

Libay's POV

Libay. "Ron! sabihin mo na yung problema mo"

Nung nandun na kami sa bahay nila kuya Zach ay talagang parang handa na handa sila kung meron mang mga zombie na dumapo sa bahay nila.

Naka puno ang stock nila ng tubig at pagkain, parang si Ron lang.

Ate Angela. "Anong plano?"

Gelai. "Kasi po ate, si kuya Ron ay may plano na. . .well hindi ko ma explain so ikaw nalang kuya"

Ron. "Plano kung pumunta ng Palawan, at isama kung sino may gusto"

Napatahimik ang lahat ng sinabi ito ni Ron.

Zach. "Baliw yan Ron"

Ate Rachel. "Pano ka pupunta doon?"

Ron. "Mag-Eeroplano o kaya mag-babangka"

Zach. "Sino mag-mamaneho?"

Ron. "Ako"

Carl. "Parang masyado masamang daan yun para mamatay"

Kyle. "At tsaka wala kang lisyensa"

Ron. "Sorry kyle ha? Close na kasi yung gawaan ng lisyensa kasi kinain yung mga nagtratrabaho don, at bawal ako kumuha today kasi close sila kapag Friday"

Kyle. "O sorry, sinasabi lang"

Ate Angela. "San ka naman makakakuwa ng eroplano o Bangka?"

Ron. "Una muna Bangka, kaya pupunta ako ng pangasinan"

Andrea. "Pangasinan?"

Ron. "Hindi baguio, bingibingihan ba tayo?"

Libay. "Bakit pangasinan, may mga banka ba doon?"

Ron. "OO, may mga bangkang pang-digmaan doon na naiwan ng mga Chinese nung na-transfer sa pilipinas yung mga zombies, yun ang gagamitin natin"

Zach. "Natin? wait hindi pa kami umo-OO sa plano mo, sino ba ang mga oo, itaas ang kamay"

Tinaas nila Gelai, Libay, at Carl ang mga kamay nila.

Ron. "Andrea?"

Andrea. "Sorry Ron, Pero tignan mo sila kuya Zach, na kaya nilang tumagal dito ng buhay, sa tinggin ko mas-ligtas tayo dito"

Ron. "Alam niyo ba kung saan ako pupunta? O nakalimutan niyo na?"

Ate Rachel. "Saan ka nga ba pupunta?"

Ron."Pupunta akong Palawan, ang natatanging lugar sa buong pilipinas na walang zombie, at ang lugar kung nasaan ang mga magulang natin"

Zach. "Yung mga magulang na iniwan tayo"

Libay. "Iniwanan nila tayo para sa ikabubuti ng marami"

Ate Rachel. "Alam niyo matulog nalang tayo at pag-usapan nalang natin ito sa umaga"

Tama si ate, wala kaming madadatnan kung mag-aaway lang kami.

So natulog kami.

Except saming apat na lalake, dahil kaylangan namin magbantay.

Tumingin ako sa labas, ang tahimik.

Ron. "Huh"

Carl. "Bakit Ron?"

 Ron. "Ang tagal na kasi akong hindi nakakita ng kalye na walang zombies, na aalala niyo paba ang pilipinas nung wala pa yung mga zombie?"

Kyle. "Syempre, limang palang naman sila tumagal dito"

Ron. "Kasi isipin niyo lang, lahat nung mga zombies sa labas, mga tao rin sila dati, meron silang mga buhay, mga kapamilya, kaibigan, kapuso"

Karl. "Hmm? ABS-CBN? TV 5? GMA?"

Nakalungkot lang isipin na pumapatay talaga kami ng mga tao.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon