Chapter 26: Trouble sa Bayambang

399 15 3
                                        

Ron's POV

STATUS: Clear skies, calm waters at isang bansang pinapaligiran ng mga nilalang ng mga naglalakad na patay.

Bumukas ang pintuan ng steering room at pumasok si Via at Ate Angela.

Pero nagbeberde ang mukha ni Via.

Ron: Bakit parang may mali sa mukha mo? Ay teka lang palagi namang ganun.

Via: (Sinuntok ako sa braso) Tatlong araw na tayo dito sa bangkang ito at hindi parin natin nakikita ang Spratly palawan mo!

Ron: Well, kung hindi mo napapansin ay hindi kami mga professional seaman!

Carl: Kaya nga! Buong gabi namin pinagpaplanuhan kung nasaan yang palawan na yan!

Ate Angela: Diba nasa boracay?

Carl: Minsan iniisip kung ganyan ba talaga kayo o niloloko niyo lang ako ate.

Ate Angela: Ikaw Zach?

Kuya Zach: Maayos na sana yung course natin pero nung napapunta tayong ilocos ay masyado namin nakalimutan yung daan.

Ate Angela: May isa pa tayong problema.

Ron: Si via ba? Kasi kung si Via yung problema dati ko pa alam yun.

Via: (Nasusuka) Hindi! Ngayong na nag triple yung dami natin sa barko nato ay mas umunti yung supplies natin. . .kaylangan natin tumigil sa isang lugar para maghanap ng pagkain.

Ron: O sige, Kuya Zach ano ba pinaka malapit na pwedeng babaan.

Kuya Zach: (Tinignan yung mapa) Ang pinaka malapit na lugar ay Bayambang, Pangasinan.

Andrea's POV

Ayaw niyong malaman kung gano karami yung sinuka ni Via, sino nagaakala na Seasick pala siya?

Yels: Land HO!!

Andrea: Yels baliktad

Yels: Oh! Land!

Nandito kami sa Bayambang, Panggasinan

Kami ni Yels, Dave, Kim, Dek at Libay ay bumaba ng bangka para maghanap ng pagkain, habang sila Ron, Kuya Zach, Carl, Kyle at Ate Angela ay naghanap naman ng ibang mga gamit na importante.

Syempre Una naming pinuntahan ay ang palengke at mga grocery.

Nakakita kami ng isang puregold at nagabang muna kami sa gilid ng pasukan.

Naginggay sila Dave at Yels.

Ng tumagal ay wala namang mga zombie na lumabas, kaya pumasok nalang kami sa loob.

Andrea: Sige, Libay at Kim, Tayong tatlo sa pagkain at kayo Dave, Yels at Dek sa mga inumin.

Kim: Kumuha kayo ng mga good for 200 na mga tao.

Libay: Haha. . .Halika na nga!

Kumuha kaming tatlo ng tigiisang mga Cart at halos ninakwan ang buong puregold stock.

Nagkita kami nila Dek habang nang raid pa sila Libay at Kim.

Andrea: Dek?

Dek: Bakit?

Andrea: Ano ka dati nung hindi ka naging tauhan ni Les?

Dek: Malaya. . .

Andrea:. . .Okay alam kung gusto mong maging dramatic at malalim ang sagot mo para magka tension sa scene pero pwedeng straight answer naman mare?

Dek: Well, naging magkasama kami ni Nicole dati at mga iba pang mga tao, noong sinalakay ni Les yung bangka namin ay nakit niya na lumaban kami ni Nicole, inakala niya na matapang kami kaya hindi niya kami inalipin, kawawa para sa kanya na hindi niya alam na pinagplanohan namin siya ni Nicole.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon