Chapter 23: Nagsimula na ang Laban

430 18 1
                                        

Dek's POV

Ooooooooh! Unang beses ko na magka POV! Hayaan niyo gagalingan ko ;)

So nakikita na namin Narvacan stone beach grotto.

Kung saan merong isang malaking bato na pwede kang tumaas at sa tuktok ng bato ay may altar ni Mama Mary, ang sabi nila ay kapag naka punta ka sa altar at maghiling sa Birheng Maria ay tutuparin niya ang hiling mo.

At sabi rin nila na merong mga sirena na nakatira sa bato-batong dagat.

Dek: Ron! Tignan mo yun oh! (May tinuro ako)

Si Ron na may binoculars na nasa mata niya.

Ron: Ano yun?

Dek: Nandoong yung barko nila Les, naka park sa baybayin.

Ron: (Tinignan gamit binoculars) Malayolayo panaman sila eh, Siguro mga 20 minutes pa ang layo nila.

Dek: Baliktad yung Binoculars mo.

Ron: (Binaliktad ang binoculars) AY! Gawing mong 20 seconds yun, Kuya Zach, Itago mo tayo doon sa likod grotto.

Nagtago kami sa likod ng grotto at pumunta sa taas ng bato, doon nakita ko yung altar ng Birheng Maria.

Bumaba sa bato sila Andrea, Karl, Libay, Ate Aica at Kuya Zach.

Libay: May ginagawa sila doon sa barko, Hindi ko makita.

Kuya Zach: Ako na, titignan ko, Kinuha ko yung binoculars ni Ron kasi hindi niya alam gamitin.

Ate Aica: Anong ginagawa nila?

Kuya Zach: (Tinignan yung barko) May mga tao silang linalabas sa barko.

Dek: Yung mga tao yun na kinuha ni Les sa mga bangka nila.

Ate Aica: Ang sama pala talaga nung Les.

Libay: Hindi ate, nangki-kidnap lang naman sila ng kahit sinong tao na makita nila sa dagat "nila"

Ate Aica: Sorry naman! So anong anong gagawin natin?

Carl: (Kinasa yung baril niya) Madali lang, pupunta tayo sa baba at pagtatadtarin ng bala si Les at kunin sila Ate Rachell at Gelai.

Andrea; Tama si Carl, Halika na!

Ate Aica: Huwag! (Tinigilan sila Andrea)

Andrea: Bakit?

Kuya Zach: Kasi kahit lahat tayo ang sumugod sa kanila ay masyado marami parin sila at matatalo parin tayo.

Ron: Hindi yan mangyayare kapag may maganda tayong plano?

Kuya Zach: Eto nanaman tayo sa mga magaganda mong plano!

Ate Angela: Anong gagawin natin?

Ron: Step 1, kapag na clear na yung buong barko nila at wala ng maiiwan ay papasukin natin.

Kuya Zach: Pano ka sigurado na walang maiiwan sa kanila diyan?

Dek: Kasi kapag pupunta na sila sa Sacntuarium ay dadalhin lahat ni Les ang mga tauhan niya at ang mga alipin niyang kinidnap.

Ate Aica: O sige, pagkatapos nating pumasok sa loob, anong gagawin natin?

Dek: Ilalagay natin siya sa isang beach na nasa likod lang ng sanctuarium para mag ready.

Ate Angela: Mag ready para saan?

Ron: Para sa Step 2

Kyle: Ano yung step 2?

Dek: Si Kuya zach, Ate Angela, Ikaw Kyle, Alyssa at si Ate Aica ang magmamaneho ng bangka at pupunta sa likod ng sanctuarium, habang kami nila Carl, Andrea, Libay, Alyssa at Ron makikisama sa mga alipin.

ZOMBIES SA PILIPINASMga kuwentong kahuhumalingan mo. Tumuklas ngayon