Ron's POV
Okay.
Kung hindi niyo na aalala.
Papunta kami sa next na kaibigan namin na si via.
Kung na miss niyo yung itsura niya, bumalik kayo sa last chapter.
Nung na sa harap na kami ng bahay nila ay chineck ko kung may zombies ba sa area.
Wala akong makita.
Syempre wala akong makita.
Puno kasi yung view ko ng zombies.
Gagi!
Parang parada ng zombies sa kalsada nila.
Syempre tipikal lang yung ginawa ko, binunggo ko lahat hanggang napuno ulit ng zombiea yung gulong ko.
Pagbaba namin ay na ka armas na kami ng malalaking baril.
Pagpasok namin sa bahay ay binuksan namin ang mga flashlights namin dahil ang dilim don.
"Sino yan?!" May sumigaw sa gilid.
Tinutok namin ang mga flashlight don at nakita si via na may baril na hawak.
"Ron! Andrea!" Sinabi niya. "Kayo bayan?"
Tumakbo siya at niyakap si andrea, kung hindi ko alam ay umiiyak siya.
"Via!" Sabi ni Andrea. "Tahan na nandito na kami"
Pumunta kami sa kusina at umupo para sabihin kay via ang plano ulit.
"Hindi ako masyado sure" Sabi ni via. "I mean, hindi ko naman sinasabi na wala akong tiwala kay Ron, pero Ron, pano yung ano mo, Yung ano . . ."
Hindi na niya kaylangan sabihin, alam naman ng lahat eh.
Oo, may ADHD ako (Attention Deficit Hyperactivity Disorder)
Napapansin na ng ibang tao dati pa na minsan ay mainipin ako masyado, hindi ako mapakali at palagi akong hindi nagiisip kung may gagawin ako.
Kaya nga isipin niyo nalang kumg gano ako nabaliw nung magisa lang ako na naka isolate sa bahay ko.
Pero during nung time na yun ay nilibang ko ang sarili ko habang tinuturuan ko ang sarili ko namag ride ng bangka at ng eroplano.
Pero hindi ko maaalis ang pagka-ADHD ko.
Parang nung nakita ko si libay na hinahabol nung mga zombies.
Hindi ako nag isip, umatake nalang ako agad.
At nung nasa McDo, hindi ako nagisip at umatake nalang ako sa mga zombies at muntikan na akong mamatay.
Ang ADHD ay nakakapatay, mas lalo na kapag may zombie apocalypse.
"Sorry ha?" Sabi ko. "Sorry na iniisip niyo na mapapahamak kayo dahil ulila ako, pero sino ba yung taong ni-risk yung buhay niya para hanapin niya ang mga kaibigan niya?"
Lumabas ako ng bahay.
Andrea's POV
"Nice one via" Sinabi ko.
"Ala! Bakit mo kinakampihan yun?" Tinanong ni via. "Diba ayaw mo siya?"
"Alam ko" sinagot ko. "Pero ginawa niya lahat para matulungan kami ni gelai at ni libay"
"Alam ko rin na hindi kayo masyado close ni kuya ron" sinabi ni gelai. "Pero alam ko na siya yung tao na gagawin lahat para sa kaibigan"
Nag-isip si via ng malalim at biglang tinignan si libay.
"Ikaw, may sasabihin kaba?" Sinabi ni via.
"Tiwalaan mo naman si Ron" Sabi ni Via. "Hindi parang kayo, nakita ko na ang kabaitan ni ron kahit bago pa nung apocalypse"
Biglang pumasok si Ron sa bahay ng sobrang pagod.
"Magtago na kayo" sabi niya.
Ron's POV
Siguro hindi ito makakatulong sa fact na hindi ako tinitiwalaan ni via, pero nung pagpasok namin ay siguro maraming zombies ang nakarinig.
So ang nangyare ay may siguro isang daan na zombies na nakaabang sa harap ng bahay nila.
"Kuya ron, anong gagawin natin?" Tinanong ni gelai.
"Hayaan mo gelai" sinagot ko. "ako bahala"
Actually, hindi ko alam kung akong gagawin ko.
Pero kaylangan kung patunayan sarili ko.
"Alam ko na!" Sinabi ko. "Andrea, libay at gelai, pumunta kayo sa kabila at barilin niyo lahat ng mga zombies na lumapit sa inyo, habang ako at si via ay pupunta sa kabilang side at sisigaw para kami yung habulin"
"Ano sabi mo!" Sinigaw ni via.
"Basta, may plano" sabi ko.
Via's POV
Baliw na Ron, More than usual.
Nandun tuloy kami, tumatakbo dahil hinahabol kami ng halos isang daan na mga zombies.
"Ano ba plano mo?" Tinanong ko.
"Dito, hika, bilis" sabi niya.
Pumunta kami sa isang abandoned na kotse, binuksan ito ni Ron at pumasok kami sa loob.
Somehow, na pa andar ni ron yung kotse, at binangga niya kalahati nung zombies, yung natira ay na bangga ng jeep nila.
"Halika ka na, bilis!" Sigaw ni libay.
Tinignan ako ni ron.
"Alam kung hini mo parin ako tinitiwalaan" Sinabi niya.
"Hindi naman sa ayaw ko sayo Ron" Sinabi ko. "Pero masyado ka ma pabala"
"Alam ko, kaya kunin mo ito" Sinabi niya.
At binigay niya sa aking ang baril niya at lumabas ng kotse.
"Alam mo naman siguro mag-drive ng kotse?" Tinanong niya.
"Syempre, pero. . ."
"Hayaan mo via" Sinabi niya. "Magkikita tayo ulit, at sana next time, may tiwala ka na sakin"
Ron's POV
Tumayo ako doon sa gitna ng kalsada, habang tinitignan si via umalis.
Tapos pumasok na ako sa jeep.
"Oh, san pupunta si via?" Tinanong ni libay.
"Mag su-survive siya ng zombie apocalyose mag-isa" In-explain ko.
"Bakit mo siya hinayaan mag-isa?" Tanong ulit ni libay.
"Bakit?" Sabi ko. "Diba nung nakita natin siya mag-isa lang siya, Besides, ito si via, siguro kaya na niya sarili niya"
Lumabas si gelai galing sa likod.
"So" sabi niya. "Sino next?"
BINABASA MO ANG
ZOMBIES SA PILIPINAS
HumorSa isang post-apocalypse na storya ni Ron, na kung saan nagka zombie break out sa buong mundo at tsaaka sa minamahal niya na Pilipinas! Ano kayang gagawin ng ating bida?!?! Let's Join Ron as pumunta siya sa mga iba't-ibang mga taong kilala niya no...
