Ron's POV
Para sakin masaya ang mga roadtrip's, pero dati yun, ngayon pag magdra-drive ka, more likely na makakabangga ka ng zombie.
Eh since military jeep ang gamit namin, kanina pa covered yung gulong namin ng zombie parts.
Nagising si Libay sa likod ko at pumunta sa passengers seat.
"Sino next na pupuntan natin?" Tinanong niya.
"Si Via" Sinagot ko.
DESCRIPTION NI VIA:
Short hair, masyado dark, at meron siyang square glasses, babae malamang, at masyado bossy.
"Sa tinggin mo buhay pa siya?" Tinanong ni Libay.
"Baka nga inuutusan lang niya uung zombies na wag siyang kainin eh" Jinoke ko.
Tumawa naman kami sa corny kong joke, hanggang sa tumawag si Gelai.
"Kuya Ron" Sabi niya. "Kain muna tayo"
"Kayanga Ronald" Sabi ni Andrea. "Di pa tayo kumakain"
"Wait sa tinggin ko may McDo dito" Sinabi ko.
Nag park ako sa mcdo, nakita ko namay onting zombies sa likod pero hindi naman siguro kami mahahalata.
Kumuha kami ng tigiisang baril sa armory namin.
Syempre ako kumuha ng Ak-47, naalala ko tuloy yung times na naglalaro ako ng counter.
Kumuha narin kami ng pangalawang bala, just in case.
Naka sarado yung door ng McDo, so alam namin na walang nakapasok na zombies.
Nang sinira ko yung lock at nakapasok na kami ay agad naming sinarado yung door.
Syempre walang mga employee dahil you know, patay na sila.
So kami ang naghain ng sarili naming pagkain.
Nung kumakain kami, may bigla akong narinig sa second floor.
"Wait lang guys ha" Sinabi ko. "Titignan ko lang sa taas"
Nung halfway na ako sa stairs sure enough merong dalawang zombies doon.
Ni-ready ko yung baril ko nung bumaba na yung zombie.
Pero as you don't know may pagka walang isip ang mga zombies, kaya yung dalawa ay nahulog sa stairs at naputol ang ulo nung pagbaba.
Biglang napansin ko na naiihi ako.
Nang pag punta ko sa C.R ay biglang may zombing lumabas.
Binaril ko easy lang, pero biglang sumigaw yung mga babae.
"RON!!" Sigaw nila ng sabay.
Pumunta ako sa kanila at nakita ko yung glass doors ay may siguro sampong zombies na gustong makapasok.
"Okay" Sabi ko. "Bubuksan ko ang pintuan at babarilin natin sila, tapos tumakbo na tayo sa jeep"
Tinaas nila ang mga baril nila at nag-ready.
Nang bukas ko ng pintuan ay nag-ratratan ang mga baril namin.
Palapit na sa na kami sa jeep pero meron mga zombies na humahabol samin.
Alam kong wala kaming time para buksan ang jeep at pumasok.
"Andrea" Tinawag ko. "Kunin mo yung susi at pumasok na kayo"
Nang pagbigay ko ng susi ay tumakbo ako straight sa mga zombies at pinatumba ko sila.
Binaril ko sila habang nakahiga pa sila, at tumakbo ako sa likod ng McDo.
Naka punta ako sa drive thru.
Biglang nag on yung speaker sa drive thru.
"Nyaaaar!!! Aaaaarrgghh!!!" May zombie na nagsalita.
Biglang na corner ako ng mga zombies.
"Sabi ko na nga ba mamamatay ako sa McDo" Sinabi ko. "Pero kala ko dahil sa pagkain nila"
"Beep!Beep!"
Biglang yung Jeep ay sumagasa ng halos sampung zombies.
Si Libay ang nagdra-drive.
"Come with me if you want to live" Sinabi niya.
"Masyado tayo terminator ha?" Pumasok ako at umalis na kami.
"Pwedeng next time sa jollibee nalang tayo kumain?" Sinabi ni Gelai.
BINABASA MO ANG
ZOMBIES SA PILIPINAS
HumorSa isang post-apocalypse na storya ni Ron, na kung saan nagka zombie break out sa buong mundo at tsaaka sa minamahal niya na Pilipinas! Ano kayang gagawin ng ating bida?!?! Let's Join Ron as pumunta siya sa mga iba't-ibang mga taong kilala niya no...
