"Only Ms. Navarro got a perfect score?" Tanong ng professor sa klase. Narinig ko ang inis na bulong ni Karylle saamin.
"Eh, kailangan ba talagang perfect? Bat ayawng e consider yung score natin na isa lang ang wrong?"
"Sabi kase, kokopya nalang tayo kay Sam eh!" Maktol pa ni Claine.
"Gosh, I really hate her." Tukoy naman ni Karen sa professor namin. Napangiti nalang ako sakanila. Matalino naman sila kaso nagkamali lang sila ng isa. But it doesn't define your smartness. Hindi naman perfect ang lahat ng tao, lahat nagkakamali. Ewan ba naman kase nitong si prof eh ang perfectionist! Kaya hindi ko masisisi ang mga kaibigan ko kung bakit nila hindi gusto ang professor.
Nang mag time na at makalabas na ang professor ay hindi parin sila maka get over. Napatawa nalang ako at inayos nalang ang gamit ko.
"Lunch nalang tayo, treat ko." Sabi ni Karylle matapos isukbit ang bag niya. "Sa Jollibee na tayo kase bet kong kumain ng chicken skin ngayon."
Nang makalabas kaming room ay kaagad kaming nagtungong parking lot para sumakay sa sasakyan ni Claine. Masasabi ko talagang mayaman ang mga kaibigan ko, kahit na alam nilang may kaya lang kami sa buhay ay kinaibigan parin nila ako. Naniniwala na talaga ako sa kasabihan na Wealth doesn't define friendship.
Nang makarating sa jollibee ay kaagad na umorder si Karylle at Claine. Kaya naiwan kami ni Karen dito sa table.
"Kamusta kayo ni Caleb? Hindi ka na niya sinasamahan ah! May LQ kayo?"
"Shunga! Hindi kami mag on para mag away noh. Saka busy yun, alam mo na. Matalino eh. "
" Pero di nga, pansin lang kase namin na iwas na iwas na kayo eh. May nangyare ba?"
" Wala naman, nagka usap pa nga kami noong nakaraang gabi eh. "
Tumango nalang siya sa sinabi ko. Pero totoo naman ang sinabi ni Karen. Simula kase nung gabing yun ay hindi na kami nagka usap ni Caleb, siguro na hihiya na sya dahil sa ginawa niya saakin? Pero mukhang hindi naman kase makapal mukha non eh. Pero kung ano mang rason ni Caleb, I will surely understand him.
Nang makabalik na sina Karylle ay nagsimula na kaming kumain. Gaya ng dati maingay kami sa mesa na para bang walang ibang tao sa paligid. Marami kasing chikas in life si Claine eh. Kala mo naman di mauubusan.
"Balita ko may transfere raw sa engineering" sabi pa ni Claine na ikina agaw ng atensyon ko.
"Sino?" Tanong ko.
"Babae yun, sinabi lang din sakin ng kapatid ni Zhyxon. Si Mima raw pangalan."
Mima?
"Yeah, nakita ko yan nung Monday kasama si ano... Caleb natin" sabi ni Karen.
Kasama si Caleb? Bakit wala akong alam? Bakit hindi sinabi saakin ni Caleb? Akala ko ba magkaibigan kami?
Tuloy, hanggang sa makarating kaming school ay tahimik lang ako. Alam kong naiintindihan nila ako kase alam naman nilang magkaibigan kami ni Caleb tapos hindi ako sinabihan. Hanggang sa mag uwian ay lumilipad parin ang utak ko.
"Ano girl, sama ka samin?" Tanong sakin ni Karylle nang isinukbit niya ang bag sa balikat niya.
"Argentine tayo, libre na" saad naman ni Claine.
"Lika na" sabi naman ni Karen.
I appreciate them because they're trying to comfort me. But my mind is too occupied to the point na umiling ako sakanila.
I saw shocked flash in there eyes. "Hey, don't overthink. Baka busy lang ngayon si Caleb."
"H-hindi naman siya ang iniisip ko. Ano... kailangan kong umuwi na kase may gagawin pa ako" I silently thanked myself because I didn't shutter.
"Sigurado ka?" Karylle worriedly ask me.
"Oum. So ano? Bukas nalang ah! Ingat kayo" pinilit kong pasiglahin ang boses ko para hindi na sila madala.
Nang maka alis na silang tatlo ay saka pa ako tumayo. Isinukbit ko ang bag ko at napagpasyahang pumunta sa engineering department. I need to see him. Mag uusap kami. Sana talaga nandun pa siya. Kanina pa kase ang dismissal.
Hindi nga ako nagkamali dahil nandun pa si Caleb. Pero wala siya sa room nila kundi nasa oval, naka upo habang may binabasa. Hinanda ko ang sarili ko at lalapit na sana sakanya nang biglang may babaeng nauna.
Is she Mima?
Nag angat ng tingin si Caleb at tinignan ang babae. I saw how he smile at her. It was sincere and gosh, it hurts me. Bakit ba ako nasasaktan? Is it because he's my best friend? Or is it because he doesn't tell me about his new classmate?
Nasa malayo lang ako nakatingin sa bawat galaw na gagawin nila. Hindi ko alam kung bakit hindi pa ako umalis, parang pinako ang paa. Nakita kong na upo ang babae sa gilid ni Caleb at may pinag uusapan silang... masaya. Kase bakas sa mukha nila ang saya. Mukhang may nahanap na siyang bagong kaibigan. Hindi naman kase sinabi ni Caleb na gusto niya palang maging kaibigan yung ka-course niya. Edi sana nag adjust na ako! Edi sana wala ako sa tourism!
Hindi ko na alam kung paano ako naka alis doon. Kase natagpuan ko nalang ang sarili ko na nasa harap na ng bahay namin. Mas lalo akong nasaktan nang marinig sila mama, papa, at ate na masayang nag uusap sa loob.
"Sa unang sahod ko ma, pupunta tayong boracay tatlo.
Para makapag relax din kayo ni papa" rinig kong sabi ni ate.Napatawa nalang ako ng mahina. Im not even consider in their plans. Deserve ko ba talaga ang pamilyang toh? Deserve ko ba ng ganitong treatment? Pero mas deserve ko bang mabuhay?
Tumingala ako para pigilan ang luhang nagbabadya sa mata ko. Naka ilang hingang malalim ako bago napagdesisyunang pumasok sa loob.
"Ma, pa" ani ko nang makapasok at nagmano kina mama. Nakita ko ang pag irap ni mama at ang hindi maipintang mukha ni papa. I smiled bitterly.
Hindi na rin ako nagtagal doon pumasok na ako sa loob ng kwarto ko at kaagad iyong ni lock. Kinuha ko ang Bluetooth speaker ko at pina tugtog yun. Matapos ay saka nalang bumuhos ang luha ko. Sunod-sunod ito sa pagtulo at parang ayaw ng tumigil.
Gosh, ang malas ko.
![](https://img.wattpad.com/cover/319002743-288-k641419.jpg)
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!