Years have passed. Madami ng nagbago saakin. I even pursue my dreams to become a doctor. Kaya ngayon, isa na akong ganap na doktor.
Si Caleb naman ay naging abogado na. Kaya ginamit namin yun para mapakulong ang asawa ni Caleb. Oo, si ate ang una niyang kliyente.
Nakatira na kami sa iisang bahay, kasama si papa, ate, ang cute niyang kambal na sina Lea at Leo. Habang si Caleb ay nakatira sa sarili nitong condo. Wala narin siyang connection sa pamilya niya kase ayaw na nitong kontrolin pa siya.
Pagkatapos ng shift ko ay pumunta ako office ko para hubarin ang coat ko. Naghugas narin ako ng kamay bago kinuha ang mga gamit ko para umalis ng hospital.
"Goodnight, doc. Take care."
"Ingat sa byahe, doc"Iilan kong narinig na bati nila saakin na sinuklian ko ng matatamis na ngiti.
Nang nasa parking lot na ako ay sumakay na ako sa kotse ko at pinaandar na agad yun papuntang bahay.
Namiss ko ng sobrang yung mga kambal kaya ako nagmamadaling umuwi. Pero pagkarating ko ng bahay ay parang walang tao kase sobrang dilim. Nakapatay lahat ng ilaw.
Umalis ba sila? Pati si papa? Pero kung aalis mn sila, magpapaalam naman sila saakin eh.
Kinuha ko ang phone ko at sinubukang tawagan sila ate pero nakapatay ang phone nila.
Napailing nalang ako at napagpasyahang hihintayin nalang sila sa loob kung sakaling umalis nga sila. Kinuha ko ang susi ng bahay at binuksan ang pinto.
In-on ko ang ilaw at kasabay nun ang pagsabog ng confetti sa may ulo ko.
Muntik kopang mabitawan ang dala ko nang makita ang mga tao sa loob.
"A-anong meron?" Napalunok ako.
Tumawa naman si ate lumapit saakin na may dalang cake. Sinindihan iyon ni Caleb bago inilapit saakin.
"Sobrang busy naman ng doktor namin. Nakalimutan mo ng birthday mo ngayon? Ganun ba talaga kapag malapit ng lumampas sa kalendaryo naging makakalimutin na?"
"Ha?" Shit? Birthday ko pala? Napatingin ako phone ko.
Shuta oo nga! May 2, 2024. At 30 years old na ako?
"Happy birthday, doc." Bati ni ate saakin. "Make a wish, doc"
Nahihiya akong ngumiti sakanila bago pumikit at naghiling. Iisa lang naman ang tanging hiling ko. Ang magkakasama tayong lahat sa hirap ng ginhawa. Then, I blow the candle.
"Yey! Happy birthday, tita" sabay na bati ng kambal saakin at niyakap ako.
Matapos ay lumapit si papa saakin at binati rin ako. "Happy birthday, anak."
"Thank you papa."
"Nakahanda lahat ng gusto mo sa kusina."
"Talaga?" Tumango si papa.
Tapos lumapit naman si Caleb saakin. Pero huminto siya ng ilang distansya saakin kaya napanguso ako.
"Bakit? Amoy pawis naba ako?"
"No. Even if you are. I'm still gona hug you."
"Eh bakit ka nandyan?"
"Para magawa ko to." Sagot niya at dahan-dahang lumuhod at may inilabas na maliit na velvet box at binuksan yun.
"C-cali..." Halos hindi ko na mahanap ang boses ko nang mapagtanto ang ginawa niya.
He's gonna proposed to me?
"To my friend, to best of friends, to lover, to one and only, to my girl. This ring will symbolize my love for you, and I will take care of you as long as Im breathing. Samantha Gretchen Navarro, will you take this ring to be my lovely bride? Will you marry me? "
" Yes na yan! " Rinig ko pang tili ng mga kaibigan ko.
Hindi ko namalayang naging emosyonal pala ako kase naramdaman kong may tumulong luha sa mga mata ko.
This is it. The love of my life has been proposing to me now.
" Yes, Cali. Yes!" Umiiyak kong sagot at kaagad naman niyang sinoot ang singsing saakin.
Tapos kaagad niya akong niyakap. Narinig ko naman ang hiyawan ng mga tao sa loob.
" Mauna na tayong kumain mga apo. " Rinig kong natatawang sabi ni papa.
" I swear, susunod na si Claine kay Sam. "
" Bat ako? Baka ikaw. Lord, isunod nyo na po si Karylle. "
" My gosh, I'm too young for that. "
" Tara na nga sa kusina. "
Nang wala ng tao sa salas ay kaagad akong siniil ng halik ni Caleb na kaagad kong tinugon.
Nasa park kami ngayon ni Caleb, nag pi-picnic date. Naka upo siya habang nakaunan ako sa hita niya.
"Kailan mo pa ako minahal, Cali?"
"Do I really need to answer that, babe? Hmm?" Tanob nito kaya napatingin ako sakanya. Pero yung mapulang tenga niya ang nakakuha ng atensyon ko.
"You're blushing. Masyado ka naman yatang inlove saakin, Cali."
"Y-yeah. I loved you since the day I first laid my eyes on you."
"Huy, kailan yun?"
"Hindi mo alam kase nagnanakaw lang ako ng tingin sayo noon. Sobrang maldita mo kase kaya natatakot akong lumapit sayo."
"Lah. Mabait kaya ako!"
"Nah. Halos sinisigawan mo na nga noon ang mga nakakalaro mo. Kase gusto mo ikaw yung batas. How's that?"
"Geez. Hindi ako yan!"
"Yeah? You know, nakuha mo atensyon ko noon. Tingin ko sayo noon sobrang cool mo kase takot ang mga kalaro natin sayo. And i liked you for that."
"Yan lang?"
"Syempre, mahal na mahal kita."
"I love you too, Cali"
"And I will always love you." Dadag niya.
- THE END-
A/N: Thankyouuuu so much reading po.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!