Bitch 18

28 2 0
                                    

I woke up that morning with my head throbbing in pain. I want to shout but I dont want to see Easton. Ang gulo-gulo na ng isip ko!

Im just only here para lumayo sakanila pero putangina bakit problema ang lumalapit saakin?

Bumangon ako sa kama at lalabas na sana nang may marinig akong nag uusap sa salas.

At sino na naman ang bisita ni Easton?

Kumuha nalang ako ng tuwalya at pampalit na damit saka lumabas ng kwarto.

Pero sana pala hindi ko nalang ginawa. Kase ang kausap ni Easton ay walang iba kundi si Caleb! Papanong nakarating agad siya dito.

"Samantha." Tawag niya agad saakin nang makita ako.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko.

"Iuuwi na kita." Sagot nito na ikinataas ng kilay ko.

Nakita kong lumabas ng bahay si Easton kaya naman lumapit nalang ako kay Caleb.

"Hindi na ako uuwi" asik ko.

"Claine and I hasn't been in a relationship. It was just a contract. My parents and hers arrange us for marriage. Ayaw namin, kaya kinausap ko si Claine na hindi kami pwedeng matuloy sa kasalanan. Sabi niya tutulungan niya ako. Yes we acted like were really have a thing. But all of it is just an act. Ginawa rin namin yun para malayo kay Mima. Mima is so obsessed with me to the point na kung ano-ano na ang ginawa niya. Sorry kung hindi ko agad nasabi sayo, Sam. Kase kapag sinabi ko sayo, alam kong mapapahamak ka. You know how cruel my parents are, right? Ayokong idamay ka sa problema ko. Pero ngayon, tapos na Sam. We can be together na. Kinausap ni Claine ang parents niya na mag back out sila sa kontrata. "

Hindi ko magawang magsalita. Parang ayaw mag sink in saakin ang lahat.

" Nung nakita mong nasa condo ko si Claine, trust me it's just an act. Bumisita kase sina mommy sa condo at nung inihatid na namin sila pauwi ay ihahatid ko na sana si Claine nang bigla ka naming masagasaan. So we decided to take you in my condo. Samantha, hinding hindi kita magawang ipagpalit saiba. Kahit na sa mga kaibigan mo. Ikaw ang mahal ko, at maniwala ka man o sa hindi, hindi ko hinahawakan ang kamay ni Claine, we even haven't slept in one bed, and she haven't slept in my condo too."

" Sorry. Im so sorry, Samantha. "

" H-hey, say something. " Kinakabahan niyang ani at niyakap ako. Naramdaman kong yumugyog ang balikat niya. He's crying.

" C-caleb..."

Nang tinawag ko siya ay tinignan niya ako. Pula ang mata niya at basa ang mukha. Minsan ko na siyang nakitang umiiyak noon, pero ngayon ko lang siya nakitang ganito ka nasaktan.

" Uwi na tayo? Hmm? Hindi ko kayang malayo sayo, Sam. Hindi ko kaya... "

" Hush. Tahan na" pag aalo ko sakanya pero mas lalo lang siyang umiiyak. At panay ang iling niya.

" I love you so much. Please, wag ka ng magtago sakin. "

" Ayos lang naman eh. Tanggap ko naman kung ano ang rason nyo ni Claine. Nasaktan lang talaga ako kase wala akong ka alam-alam. "

" I know and I'm sorry"

Matapos ang ilang oras ay napatahan ko na rin siya. Kaya ang ending pinagpahinga ko na muna siya sa kwarto. Nang okay na ang lahat ay tinuloy ko na rin ang naudlot kong pagliligo.

Matapos kong magbihis ay kaagad kong hinanap si Easton. Only to find out that he's sitting in bench near the tree. Nakasubsob ang mukha niya sa mesa.

I urge myself to come near him. Kaagad niyang naramdaman ang presensya ko dahil nag angat siya ng mukha nang nasa malapit na ako.

" How was it? " Tanong niya.

" He apologize, bakla" sagot ko.

Napangiti naman siya kaya napangiti rin ako.

" To be honest, Im not gay. And Caleb is my second cousin. Hindi lang kami magka level dahil mayaman ang lolo niya kesa lolo ko. Hindi rin kami naging kaibigan dahil malayo sila saamin. Nagkakilala lang kami nung magkasintahan kami ni Claine. He told me about the arrange marriage. Oo, alam ko. It's just that, I can't accept the fact. Kaya nagalit ako sakanya."

" Ex mo talaga si Claine? Wala na bang pag asa? I'll arrange a date for the both of you. "

" Nah, I'm okay with my life now. Saka masaya narin naman si Claine kung nasaan siya. "

" Masakit? "

" Sobra, but we have to let go the things that doesn't belong to us in the first place. Nung makipag hiwalay si Claine saakin, na realize kung nahanap ko na ang tamang tao, kaso maling panahon kami nagtagpo. "

Ngumiti ako sakanya at niyakap siya. Niyakap naman niya ako pabalik.

" Don't mind me. Ayos na naman ako, as long as Claine and I are still friends. "

"Makakahanap karin ng tamang tao para sayo. Not now pero malay mo diba? "

Lumayo ako sakanya tinignan siya. May ngiti ng naka plastar sa mukha niya. " Yeah"

" Nga pala, bakit mo sinabi kay Caleb kung nasaan ako? "

Napakamot naman siya sa batok niya. " I didn't. Nung una ka palang nandito, tinawagan agad ako ni Caleb to take care of you while he fixed everything. At nalaman ko rin na alam pala ni Caleb kung saan ka magpunta kase may tracking device siyang ikinabit sa phone mo. "

" Ano?! "

" Hey, don't be mad at him. He's just madly in love with you. "

" Pero mali parin yun! "

" Aawayin mo siya dahil dyan? Sige ka, pag kayo hindi na nagkabalikan sinasabi ko sayo? "

" Ano, aber? "

" Aagawin kita sakanya-"

" Tanga!"

"Syempre joke lang. Nakikita lang kita bilang kaibigan ko, noh."

"Same here."

Matapos naming mag usap ni Easton ay naisipan na naming pumasok sa loob. Kaagad naman siyang pumunta ng kusina at sinabing magluluto raw siya ng pagkain para pagkagising ni Caleb ay makakain na raw agad ito.

"Alagang-alaga, ah?"

"Syempre, minsan lang yan bumisita sakin eh"

"Hmm."

"Dun ka nga sakanya, tawagan nalang kita pag tapos na"

"Oo na." Natatawa king sagot bago umalis doon. Kaagad naman akong pumasok sa kwarto at tinabihan si Caleb sa higaan.

Pagkahiga ko palang ay kaagad niya akong hinila para yakapin.

My man, being a clingy as ever.

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now