Bitch 4

32 1 0
                                    

Kanina pa ako hindi mapakali sa kinauupuan ko. Dagdag mo pa si Caleb na sobrang tahimik lang. Inisip ko pa naman na may sasabihin siya kaya pinilit niya ako dito. Hays, assumera ko talaga kahit kailan! Hanggang sa matapos na akong kumain, wala talaga! Hindi na siya nagsalita! Ang gagu naman ng lalaking toh!

Lumapit nalang ako sa railings at tinignan ang maliit naming bahay. Nasa rooftop kase kami kumain ni Caleb para kaming dalawa lang raw. Ako naman tong si shunga, eh pumayag. Tapos wala rin naman palang napapala. Ang tanga lang.

"Sam..." Halos mapaigtad na ako kase hindi ko inasahang nagsasalita pa pala siya. Kala ko naman kinain na niya pati boses niya. Naramdaman kong tumabi sya saakin ng tayo.

"Hmm?"

"I saw you yesterday... confused lang ako kung bakit ka... nasasaktan?"

Anong sabi niya? Nakita niya akong nakatingin sakanila nung babae kahapon? Tapos nasaktan ako? Gaga!

"Hindi ako nasaktan uy! Masaya lang ako kase finally may makasama ka na rin. Alam ko namang nauumay kana sa pag mumukha ko. Pansin ko naman eh, sino ba namang papansinin ng ilang araw diba? " Peke pa akong tumawa. Shit, kung acting activity lang to siguro nakapasa na ako.

Pero seryoso, hindi ko rin alam kung bakit ako nasasaktan. Siguro kase may bago siyang kaklase tapos hindi niya sinabi? O siguro kase may bago na syang... kaibigan? O baka naman siguro nasaktan ako kase gusto ko si Caleb noon paman pero hindi ko magawang mag confess dahil kaibigan ko siya?

Sa totoo lang, ayokong masira ang pagkakaibigan namin sa rason na gusto ko siya. Kaya habang kaya kong itago, itatago ko.

" Sorry about that. Madami kase kaming activities, at sunod-sunod na quizzes kaya palaging sa library ang tambay ko para mag aral. Sorry if you feel that I ignored you. Don't worry I'll make it up to you." Sa sinabi niyang yun ay napatingin ako sakanya. Na sana pala hindi ko nalang ginawa kase nakatingin rin siya saakin.

" W-wag na! " Kinakabahan kong sagot at napalunok.

Caleb, what the hell did you do to me?!

" Babawi ako, Sam. I assure you that. "

Pero gaya ng nagdaang araw ay hindi kami nagkita ni Caleb. Akala ko ba babawi siya? Gusto ko sanang isipin na busy lang sya sa department nila kaso! Nakita ko sya kasama si Mima sa cafeteria! Nang e text ko sya kanina ang sabi ay busy. Talaga? Busy sa babae niya?!

"Girl, kalma. Malapit ng mabutas ang plato" awat saakin ni Karen at hinawakan ang kamay ko.

"Sabi na eh, masama talaga ang kutob ko diyan sa Mima na yan. Ano sugurin naba natin?" Tanong naman ni Karylle.

"Kailangan nating gumalaw na, Sam. Baka tama ang nasa isip namin na mang aagaw ang babaeng yan." Si Claine.

Kanya-kanya nilang komento. Pero para saan paba ang paggawa ko ng hakbang kung alam kong hindi na naman na kailangan ni Caleb ang presensya ko. I mean, I'm his best friend! But he always makes me feel that I'm just an air when we met in school. Saan ba sya babawi? Sa bahay? Anong gagawin niya? Pota ba sya?

"Yaan nyo na, ayos lang naman saakin na may bago na syang kaibigan."

"Huy, anong ayos? Nag iisip kaba, Sam? Yung kiss nyo? Ano? Wala lang yun? Matapos nating umasa sa part two ganun ganun nalang?" Hindi mapigilang pag rant ni Karylle. Saamin talaga si Karylle ang pinaka maldita. Si Karen naman ang malandi. Si Claine ang papansin, tapos ako? Eto good girl lang.

"Oo nga. Gago pala yan eh. Red flag! Crush ko pa naman yan noon!" Inis na asik naman ni Karen.

"Kakausapin nalang natin si Caleb. Aba dapat niyang malaman tong pinaggagawa niya sa kaibigan natin noh." Mahinahon ngunit may diin ang bawat pagkakasabi nun ni Claine.

" Let him. Im not really looking forward about him on everything. Saka seryoso, ayos lang talaga sakin na may bago siyang kaibigan. Siya nga, ayos lang sakanya na kaibigan ko kayo. "

" Ibang usapan yan eh! " Si Karylle.

" Tapusin nalang natin to para makabalik na tayo sa building natin. " Sabi ko at nginitian sila.

Narinig ko pa ang kanya-kanya nilang buntong hininga. " Pag hindi mo na masikmura ang mga gagong yun, magsabi ka ha. Resbakan agad namin. "

" Yes right. You can always lean on us, Sam. We're best friends, diba?" Masuyong tanong ni Claine saakin.

Tumango ako at pinagpatuloy na namin ang pagkain.

Ayoko mang aminin sakanila, pero atleast sa sarili ko alam kong nasasaktan ako. Hindi dapat ako makaramdam nito kung pinatay ko nalang ang nararamdaman ko para kay Caleb. Edi sana, hindi ako maapektuhan kahit ilang babae paman ang kasama niya.

"Ms. Navarro." Tawag saakin ni Ms kaya pumunta ako sa desk niya. Wala kaming ginagawa ngayon kundi ang magsulat lang. Buti nga eh.

"Po?" Magalang kong tanong nang makalapit na sakaniya.

"Can you bring to this portfolio to engineering department, room a1?"

Engineering department, Room A1. Room ni Caleb. Does it mean makikita ko siya doon?

I gladly accept it. Para narin makatakas ako sa sulatin. At para narin makita ko si Caleb at malaman ko kung anong ginagawa niya ngayon. Bitbit ang maraming portfolio ay naglakad na ako sa gitna ng field papunta sa engineering department. Hindi ko na inalintana ang init at nag focus nalang sa destinasyon ko. Sana walang ginagawa ngayon si Caleb para naman matawag ko sya at makapag usap kami.

"Ate Sam! Sumalo kana sakin kase napakainit." Tawag saakin ng isang freshmen. Kilala ako sa school namin dahil sa angking talino ko. Kaso yun lang, kilala lang nila ako kase ako minsan ang lumalaban sa quiz bee.

Ngumiti ako sakanya at sumalo. Madali lang akong nakarating sa engineering department at nagpasalamat pa ako sakaniya. Nang maka alis na siya ay umakyat na akong second floor. Malapit lang ang room dito na Caleb kaya mabilis lang akong nakarating. Nasa may bintana na ako nang marinig ko ang hiyaw ng mga kaklase niya.

"Oo nga! Bagay talaga si Mima at Caleb!" Rinig kong sigaw ng isang babae.

" Hey... stop that. " Rinig kong boses ng mahinhing babae. Siguro si Mima yun.

" Wala naman kayong shota, bat hindi kayo magligawan? "

" Yup, nagka usap na kami ni Caleb. Right diba? "

" Yeah" rinig kong sagot ni Caleb.

Ibig sabihin, hindi niya lang kaibigan si Mima? Kundi may balak siyang ligawan ito? Kaya ba hindi na sya nagpapansin saakin kase may napupusuan na siya?

Mabigat ang mga naging hakbang ko papasok sa room nila. Kasabay nun ang pagtahimik ng lahat. Kilala nila ako bilang kaibigan ni Caleb kaya siguro. Pero noon pag pumupunta ako rito ay tinutukso kami ni Caleb pero ngayon, mukhang may iba na.

Nilapag ko na ang dala kong portfolio at walang pasabing lumabas ng room.

Wrong choice! Wrong decision na magpunta ako rito! Bwesit, bakit ba kase gusto kong makita ang gagong yun? Ayan tuloy ang napala ko! Ang tanga!

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now