Bitch 3

34 3 0
                                    

Maaga akong nagising kinabukasan. Sabado ngayon kaya walang pasok. Gaya ng dating gawi ay tambak ako ng labahan dito sa labas. Wala naman akong magawa kundi ang labhan nalang lahat ng toh. Saka ayoko na ring marinig ang sermon ni mama kaya sinunod ko nalang.

"Ayusin mo ang paglaba nitong uniform ko, Samantha. Noong huli ay may mantsa pa!" Inis na sabi ni ate saakin at tinapon lang sa mukha ko ang uniform niya.

"Pagkatapos mo dyan, Samantha. Maglinis ka ng bahay wag kang puro tutunga lang!" Bilin naman saakin ni mama.

Nabaling ang tingin ko kay papa, walang emosyon lang siyang nakatingin saakin. Napangiti nalang ako ng mapait. May lakad silang tatlo ngayon, ang sabi pa ni ate family bonding pero hindi ako kasama kase hindi daw ako kapamilya nila. Masakit pero tanggap ko na naman. Nang maka alis na sila sa bakuran namin ay nagsimula na akong maglaba. Ganito naman ang routine ko every Saturday, imbes na pagpahinga eh naglalaba ako, naglilinis ng bahay, nag luluto. Tapos sa sunday naman ay nasa bahay lang din ako. Nagtutupi ng mga damit habang sila nagsisimba. Gusto ko ngang sumama kaso ayaw nilang magpasama eh. Naalala ko tuloy yung panahong bata palang ako at nagpumilit na sumama.

"Pa! San kayo?" Tanong ko kay papa nang makasalubong ko siya sa hagdanan. Mukhang may lakad sila kase nakabihis pormal sila.

"Sa simbahan kami, maiwan kana rito, Samantha." Malamig na sagot ni papa sakin.

Bumaba si papa sa hagdanan kaya kaagad ko siyang sinundan. Nandun na sina mama at ate na gaya kay papa naka bihis pormal din.

"Ma, magbibihis din ba ako?" Inosenteng tanong ko.

Nakita kong sumama ang mukha ni mama. "Anong bihis pinagsasabi? Maiwan ka dito at maglinis ka ng bahay!"

"Pero ma, gusto ko pong sumama sa simbahan."

"Manahimik ka, Samantha! Anong susuotin mo sa simbahan? Yung dress mong butas butas?!"

"M-manghihiram nalang po ako kay ate, ma"

"Wag na wag mong gagalawin ang mga gamit ko, Samantha. Kundi malilintikan ka talaga sakin!" Si ate na ang sumagot.

Sobrang sakit. Bakit ayaw nila akong isama? Anak din naman nila ako! Saka gusto ko lang naman magsimba! Bakit ang hirap nilang pumayag?

"Anong iniiyak mo? Gusto mong umiyak ng may rason, Samantha?!" Inis na tanong ni papa saakin at hinugot ang sintuturon niya.

Huli na para makagalaw kase nagsimula na akong paluin ni papa. Pero sa mga oras na to, wala akong naramdamang sakit, kundi galit lang.

Kaagad kong pinahid ang luha ko na bigla nalang tumulo. Tumingala ako para hindi na masundan ang luha ko nang biglang magtama ang mga mata namin ni Caleb. I didn't notice him! Ni hindi ko nga napansin na nasa harapan ko na pala siya.

"T-tulungan na kita" mahinang usal niya. Alam kong alam niya ang rason kung bakit ako umiiyak ngayon. Para san ba't naging kaibigan ko siya kung hindi niya alam. "Nakita ko sina tita... ayos ka lang?"

"Wala namang rason para hindi maging maayos, Cali" sagot ko at mapait na ngumiti sa kawalan.

Yumuko nalang ako para hindi niya makita ang luha kong muli na namang tutulo. Pag nasa tabi ko siya nagiging emotional ako bigla. I think it's normal lalo na kung siya ang comfort zone mo.

Nang maramdaman kong niyakap niya ako ay bumuhos nalang ng basta ang mga luha ko. Tahimik lang siyang nakayakap saakin habang ako ay panay ang hikbi. Iiyak ko nalang to ngayon, at bukas magiging okay na ako. Ganun naman talaga kapag wala ka ng magawa. Iiyak mo nalang ang problema ket alam mo namang hindi na yun maglalaho pa.

Ilang minuto din ang ginugol ko sa pag iyak. Nang maramdamang okay na ako ay lumayo na ako sa yakap niya. Muntik ko ng makalimutan na nagtatampo ako sakaniya.

"Feel better?" Malambing niyang tanong saakin. Tumango lang ako at hindi siya nilingon. Pinagpatuloy ko na rin ang pag lalaba ko, baka maabutan pa ako nina mama na hindi pa natapos paniguradong bugbog na naman ang aabutin ko pag nagkataon.

"Gusto mo bang kumain na muna, Sam? I cooked your favorite." Maya maya ay sabi niya.

"Hindi na. Kailangan ko muna tong tapusin."

"Ganun? Sige tulungan nalang kita."

Tumulong nga siya saakin. Hindi ko na siya pinigilan dahil alam ko naman na hindi siya makikinig saakin. Kapag ganitong naglalaba ako ay minsan tinutulungan niya ako hanggang sa pagsampay. Ayaw ngang paawat kahit sabihin kong wag na. Minsan tuloy nakikita kami ng mommy niya pero hindi naman magagalit. Bagkus matutuwa pa nga si tita dahil marunong ng maglaba si Caleb.

Alas kwatro na ng matapos kami sa paglalaba. Tapos na rin kami sa pagsampay kaya naman nagliligpit na ako sa mga pinagkagamitan ko. Nasa likod ko lang si Caleb, tahimik na pinagmamasdan ang bawat galaw. Sanay na naman ako, pero ngayon parang kakaiba ang titig niya. Tuloy, nailang akong gumalaw masyado.

"Umuwi kana, Cali. Ako ng bahala dito" sabi ko.

Kakaibang titig ang ginawad niya saakin. Na para bang may gusto siyang sabihin. "Uhm... kain... kain tayo sa bahay"

Kumunot ang noo. And why on earth did you shutter? Gusto kong itanong yun sakanya pero di ko nalang tinuloy. "Ligo lang ako tapos pupunta na ako sainyo."

"I'll wait in here. I know you, hindi ka pupunta." Sabi nito at na upo sa upuan malapit sa pintuan ng bahay.

I sigh. Talagang hindi ako pupunta pero pota, bat ayaw niyang umalis? Gusto niya talagang dun ako kakain sakanila? Alam naman niyang nahihiya ako kay tita tapos pipilitin pa niya akong makikain sakanila.

" Please? " Naagaw niya ang atensyon ko nang mag please siya. Bigla akong nanibago, he never pleased people. Kahit na ako, ngayon lang.

" O-okay" hindi siguradong sagot ko at pumasok na sa loob ng bahay.

Mukhang may sasabihin saakin si Caleb. Shuta! Bat bigla akong kinabahan? Pero kase, hindi siya nag p-please ng tao. Ngayon ko lang siyang narinig ng ganun. May rason ba siya kaya niya ako papuntahin sakanila?

Nagtalo na sa isip ko ang mga good effects at bad effects, tuloy, hindi ko alam kung anong gagawin.

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now