So, it was true? She is really dating him? Gusto kong matawa kase ginawa niya kaming tanga! Akala namin kung ano na ang nanyare sakanya tapos eto pala? Nakipaglandian kay Caleb? Bakit? Gusto niya ba si Caleb? Pero alam naman niyang gusto ko si Caleb, at bakit niya gagawin toh? She's my best friend. But it turned out that she's a traitor.
"Sam, kumain ka muna. Walang laman ang tyan mo kaya ka nahimatay dala narin sa mataas mong lagnat. After mong kumain, inumin mo tong gamot para mabawasan ang init mo." She reminded me.
"Wow, thank you. " I sarcastically answered. Kahit na nanghihina ako ay nagawa ko paring sagutin siya ng ganun.
" Sammy—"
" I-i don't want to see you. " Putol ko sakanya at tumingin saibang direksyon.
Narinig ko ang buntong hininga niya bago lumabas ng kwarto. Naiwan ulit kami ni Caleb dito. Sinubukan niyang hawakan ang kamay ko pero inilayo ko sakanya yun.
Saka galit siyang tinignan. " Pwede ba, e uwi mo nalang ako!"
" No. Mataas pa ang lagnat mo. Magpa galing ka muna—"
" Paano ako gagaling, aber? Paano ako gagaling kung alam kung nasa iisang bubong ko lang ang traydor kong mga kaibigan, ha?! "
" H-hindi. Mali ang iniisip mo—"
" Anong gusto mong isipin ko, Caleb?! Na nandito si Claine, nakitira sayo kase wala na siyang bahay?! P*tang*na! Ginawa niya kaming tanga eh! Ginawa niya kaming tanga kakahanap sakanya tapos... tapos malaman ko lang na may relasyon kayo?! "
" Hear me out—"
" Nagpakatanga ako sayong g*go ka! Para masagot ang tanong mo kanina kung bakit ako ganito, well, sinisi ko lang naman ang sarili ko dahil sa nangyare sayo! Guilty na kong guilty! Nawalan ako ng lakas na loob ng dahil sa nangyare sayo, Caleb! N-nung umalis kayo, a-akala ko may hihintayin pa ako. Tapos malalaman ko lang na engaged kana? Tapos eto na naman? May relasyon kayo ni Claine? Ano pa? Gusto nyo ba talaga na sinasaktan ako? Kase kung oo, panalo na kayo. Kase sobrang sakit na Caleb. Ang sakit... " I rant. Yung kaninang luha kong pinigilan ngayon nagsibagsakan na.
" Wala kaming relasyon ni Mima. We're not engaged. She's just obsessed with me kaya niya nagawa yun. At si Claine... " Sabi niya pero parang nahihirapan siyang magsabi tungkol kay Claine.
" Tama na. Wag mo ng e deny eh. Totoo naman eh, diba? Nandito si Claine eh, nakatira kayo sa iisang bubong, sobra na ito sa may relasyon pa. "
" Sam... "
" Lumabas ka na muna, Caleb. Gusto kong mapag isa." Utos ko at tinignan siya ng deritso sa mata.
" P-pero—"
" Please... "
Wala na siyang nagawa kundi ang lumabas nalang. Pero nasa pintuan pa siya nang magsalita siya.
" Sam, I know I hurt you. But I want you to trust me. I will fix this mess. " Huling sabi niya bago tuluyang isara ang pinto.
He did hurt me. Tapos gusto niyang pagkatiwalaan ko siya? Ano ako tanga?
Buong gabi ako umiyak, ibinuhos ko lahat. Ni hindi ako kumain kase iyak lang ang ginawa ko. Nang maramdaman kong mabigat na ang talukip ng mata ko ay hinayaan ko nalang ang sarili kong pagpahinga. Kahit sandali.
Nang magising ulit ako, hapon na. Kumakalam na rin ang sikmura ko kaya napabangon ako. Pagka upo ko sa kama ko ay agad akong napatigil nang makita si Caleb na naka upo sa tapat ko habang tulog. Nakasandal ang likod niya sa sandalan at nakatulog.
Anong ginagawa niya dito? Binabantayan niya ba ako? Teka, nakabantay siya saakin habang tulog ako? Gagu! Baka kung ano ng itsura ko!
Hindi ko nalang siya pinansin at dahan-dahan na lumabas ng kwarto. Ngayon ko lang namalaman na second floor pala ito at condominium. Kase nakita ko sa bintana na nasa mataas kaming parte at may building rin katapat nito. Bumaba ako at hinanap ang kusina, hindi rin naman ako natagalan sa paghanap dahil pagkababa ko pa lang ay kita na agad ang kitchen counter.
Lumapit ako sa refrigerator at tinignan kung ano ang pwedeng makakain doon. Mango float lang ang nakita kong pwede ng makain kase yung ibang nandito sa loob ay karne, manok na hilaw pa. Kaya kinuha ko nalang ang mango float at kumuha narin ng gatas at kutsara. Saka ako naupo sa upuan.
Nakahalahati ko na yung mango float nang biglang lumitaw si Caleb sa harap ko na puno ng pag alala ang mukha. Nang makita niya ako ay saka lang siya nakampante. But he didn't say anything. Naglakad lang siya papuntang refrigerator at kumuha ng pwedeng lutuin.
Tahimik lang kami sa kusina niya. Kilala niya talaga ako, pag kase alam niyang sobrang galit ako ay hindi na muna niya ako kakausapin dahil baka kung ano ang masabi ko.
Couple of minutes have passed. Naamoy ko na ang niluluto nya at gosh! Amoy palang mukhang masarap na. Mas lalo tuloy akong nagutom.
Buti nalang hindi ko na kailangan magsalita dahil kaagad niya akong hinandaan ng kanin at inilapag sa harap ko pati yung niluluto niya. He even get a pitcher of water for me saka baso at nilapag sa harap ko. After that, umalis na siya sa kusina.
Nakita ko namang humiga siya sa couch niya sa living room at panay ang buntong hininga.
May kunting guilt akong naramdaman pero kaagad kong winaksi yun dahil may mali siyang ginawa saakin.
He lied to me. He hurt me.
Claine and Caleb are both a traitor. They betray me. And I shouldn't let my guilt eat me up.
Kahit ito lang, gusto kong maging matigas na muna. Alam ko kung paano ako ka soft sa mga kaibigan ko kahit na anong gagawin nila saakin ayos lang. Mapapatawad ko parin sila. Alam kong kaya kung patawarin si Claine pero... sinaktan niya rin ako.
I think they deserve this.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!