Puti. Puting sasakyan. Puting mga bulaklak. Puting mga damit. Puting mga lobo.
Ano bang ibig sabihin ng puti? Pinapalaya na ang mahal sa buhay?
Eh yung itim? Hindi parin ba matanggap na wala na ang mahal sa buhay?
Kaya pala nakaitim ako ngayon.
Tapos na ang seremonya ng libing ni mama. Ngayon, naglalagay na sila ng mga bulaklak sa kabaong ni mama habang ako nakatingin lang sa malaking picture niya habang panay parin ang tulo ng luha. Gustuhin ko mang tumahan pero yung luha ko ayaw parin paawat.
Nakita ko ang mga kaibigan ko na nasa harapan ng kabaong ni mama habang may sinasabi. Pero hindi ko na pinakinggan. Nanatili lang akong nakatingin sa picture niya.
Nang may matanaw akong nakaitim na babaeng tumatakbo papunta sa direksyon namin.
Ate...
"Pa?" Kaagad niyang tawag kay papa at niyakap ito.
Bigla akong napatayo at nilapitan siya. Hinila palayo kay papa. "Anong ginagawa mo dito?"
"Sam, wag ngayon."
"Putangina! Anong ginagawa mo dito?! Alam mo bang ikaw ang dahilan kaya inatake si mama?! Kung hindi ka sumama sa asawa mo, hindi sana umabot sa ganito ang lahat! "
" W-wala kang alam. "
" Samantha, anak. Hayaan mo muna ang ate. Pagkatapos nito mag uusap tayong tatlo? "
" Yan tayo pa eh! Kahit kailan si ate lang palage niyong kinakampihan! Paano naman ako?! Anak nyo rin naman ako ah! "
" Samantha-"
Hindi ko na pintapos si ate na magsalita at umalis nalang sa lugar na yun.
Sorry ma, pero hindi ko kayang masikmura ang mukha ni ate.
Nanatili lang ako sa loob ng sasakyan ni Caleb habang hinihintay na mawala ang mga tao. Maya-maya ay pumasok si Caleb sa loob.
"Sam, pwede kabang bumalik muna dun?"
Umiling ako.
"Please? Pakinggan mo lang ang ate mo. Pagkatapos, kung ayaw mo talagang matanggap ang rason niya pwede na tayong umalis."
"Cali kase..."
"I know. I know. Pwede ba? Kahit isang beses lang?"
Nagpabuntong hininga ako. Natanaw ko si ate at papa na naka upo habang nakatingin sa kabaong ni mama.
Matapos ang ilang ulit na pangungulit ni Caleb ay tuluyan na akong lumabas. Kahit na galit ako ay isinantabi ko nalang muna. Pakikinggan ko lang ang rason niya tapos aalis na ako.
"Sam..." Tawag saakin ni ate nang makita ako.
Tumango lang ako at naupo sa tabi ni papa.
"Pasensya sa lahat ng nagawa namin sayo, Sam. Labis naming pinagsisihan yun." Panimula niya.
"Sa totoo niyan, anak. Kaya ganun ang trato ng mama sayo dahil hindi niya matanggap na nagka anak ako sa ibang babae. Oo, anak ka saiba at ako ang ama mo. Namatay ang tunay mong ina kaya kinuha kita. Pero nung malaman ng mama mo yun, nagalit siya saakin. At sinabing hihiwalayan niya ako kapag hindi kita ibinigay sa bahay ampunan. Kaya ginawa ko ang lahat ng gusto niya para lang hindi ka malayo saakin. Sobrang mahal ko ang mama mo kaya naging sunod-sunoran ako sakanya. K-kapag sinasaktan ka ng mama mo, nakayuko lang ako kase ayokong makita ang ginagawa niya sayo. Kapag tulog na ang lahat, at tulog kanarin ay pumapasok ako sa kwarto mo para gamutin ka. Kaya ka nagtataka kung bakit kaagad na nawawala ang sugat mo. Pasensya na kung naging duwag ako, ayoko lang talagang iwanan ako ng mama mo. Pero nung umalis kami sa bahay, anak. Na realize ng mama mo kung gaano ka kahalaga saamin. Sinubukan ka naming kontakin pero hindi ka namin makontak. Ganun din ang mga kaibigan mo, maski si Caleb. Kaya nung sumikat ang engagement ni Caleb at Claine, ay sinubukan naming lumapit sakanila. Pero nagkaroon ng problema, hindi totoo na inatake ang mama dahil sa ate mo. Inatake siya dahil ikakasal na si Caleb sa iba at nag alala siya kase paano kana. Sobrang sinisi niya ang sarili niya kaya umabot sa ganito. Hindi sana ganung sitwasyon ang gusto naming abutan niyo. Pero huli na dahil nalaman na ni Caleb at tinulungan niya kami. "
Ano? Nang dahil saakin kaya inatake si mama? Matagal na pala akong gustong makita ni mama. Bakit hindi ko man lang sila naisip? Sobrang makasarili ko!
" Totoo lahat ng sinabi ni papa. Saka kaya hindi ako nakabisita kina mama dahil hindi pinapayagan ng asawa ko. Sam, sobrang hayup niya. Palage niya akonh sinasaktan. Nung nalaman kong nasa hospital si mama ay gumawa ako ng paraan para makatakas pero nahuli parin niya ako at sinaktan. Kaya ako naka jacket ngayon kase madami akong pasa. Gustohin man naming magsumbong sa pulis, pero hindi namin magawa kase binalaan niya akong papatayin niya kayo kapag nalaman daw ito ng mga pulis. Hindi ko alam kung ano pa ang gagawin ko kaya hinayaan ko nalang ang sarili ko na bugbugin niya. "
" A-ate. Sorry, hindi ko alam. " Umiiyak kong sabi. Tumayo si ate at niyakap ako. Kaagad ko namang niyakap siya pabalik. Nakiyakap narin si papa saamin at tanging iyak lang naming tatlo ang narinig.
Maya-maya ay bigla akong may naramdamang malamig na nakayakap saakin. Mas lalo tuloy akong napaiyak kase sigurado akong si mama ito.
Kompleto na sana tayo dito ma kung hindi ka nagpahinga agad.
Pangarap kong maging kompleto tayo pero hindi sa ganitong sitwasyon.
Kung pwede ko lang ibalik ang mg araw na sinayang ko. Sana hinanap ko nalang kayo kung saan kayo nakatira.
![](https://img.wattpad.com/cover/319002743-288-k641419.jpg)
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!