Matapos ang ilang araw na pag iisip ay napagdesisyunan ko na ring puntahan si mama. Hindi para makipag ayos sakanila, kundi bayaran lang ang pang ospital niya. Sa tulong narin ni Caleb kaya may naipon kaming pera.
"Nasaan po ang room ni Mrs. Navarro?" Tanong ni Caleb sa nurse.
Kaagad naman nitong sinabi kung nasaan kaya nagpunta narin kami ni Caleb doon. Sa labas ng room ni mama ay nandun si papa na kausap ang doctor. Bakas sa mukha ni papa ang lungkot.
Hindi namin marinig ang pinag uusapan nila dahil nasa malayo kami. Pero nang maka alis na ang doktor ay dun na kami lumapit ni Caleb.
"Anak..." Gulat na ani ni papa nang makita ako.
"Ano pong sabi ng doktor?" Si Caleb na ang nagtanong.
Nagpabuntong hininga si papa at malungkot na tumingin saamin. "Kinakailangan na niyang magamot. Kung hindi, baka hindi na raw siya magtatagal. Kagabe nga biglang inatake ang mama mo kaya nawalan siya ng malay. Ngayon, tangke nalang muna ang bumubuhay sakanya."
Para akong nanghihina. Grabeng kaparusahan naman ang natanggap ni mama sa pagtakwil sakin.
Gusto kong magalit sakanila pero wala akong galit na naramdaman. Kung meron man, kay ate nalang. Siya ang naging kakampi nila sa lahat tapos iwanan niya lang ganito? Does she even know what's happening to her parents?
"Nandito lang po ako para ibigay ang hiningi nyo." Sabat ko at binigay kay papa ang perang dala namin. Inilagay namin yun sa white envelope.
Nalilito pa si papa kung tatanggapin ba niya pero kinuha ko na ang kamay niya at kusang nilagay doon ang pera.
"Pakatatag lang po kayo." Huling sabi ko bago tuluyang tumalikod sakanila. Hindi ko kayang tignan sila ng walang awa.
Nang nasa condo na ako ay kaagad akong nakatulog.
"Pa! Kamusta po kayo ni mama?"
Napangiti si papa ng makita ako at kaagad akong sinalubong ng yakap. "Ayos lang naman kami anak. Yung mama mo, pinainom ko na ng gamot. Ikaw ba? Kamusta ang trabaho?"
"Medyo nakakapagod ho pa, pero ayos lang din. Nasa tabi ko lang naman si Caleb."
"Mabuti naman kung ganun."
"Nga pala pa, may dala kaming ulam. Mabuti pa pumasok na tayo para makakain na kayo ni mama."
"Ang swerte talaga namin sayo anak. Sobrang pasalamat namin ng mama mo na ikaw ang naging anak namin. Wala na kaming ibang mahihiling pa."
Napangiti ako. "Naku! Sobrang swerte ko nga rin sainyo eh."
Nang dumating na si Caleb ay sabay kaming pumasok sa loob. Tinulungan ko si mama na maghain ng kanin sa mesa. Habang si papa at Caleb ay nag uusap doon sa hapag.
"Anak hindi mo naman kami obligasyon ng papa mo eh. Kung gusto mo ng mag asawa, ituloy mo lang huwag mo na kaming isipin kase kaya naman namin ang sarili namin."
"Ano kaba ma? Saka napag usapan narin ni Caleb yan. Saka na raw kapag maayos na ang lahat."
"Ikaw ba, ayos kalang ba? Alam kong marami akong pagkukulang saiyo anak ko. Pasensya kung napag initan kita dati. Sobrang sama kong ina sayo."
"Ma. Napatawad ko na naman kayo ni papa. Kaya wag mo ng isipin yun. Ang mahalaga, nandito na tayo oh. Kumpleto."
Ngumiti si mama saakin bago kami sabay na umupo sa upuan. Masigla kaming apat na kumakain. Puno ng positive vibes.
Napangiti ako. Kase sa wakas, natupad narin ang pangarap kong makasabay kumain ang magulang ko. Eto yung pinaka tangi-tangi kong hiling. Sobrang na traffic naman yata kase sobrang tagal dumating.
"Sam!" Napabangon ako nang gisingin ako ni Caleb. Gulat ko siyang tinignan.
"A-ano?"
"Shit! Bakit ka umiiyak?" Nag aalalang tanong niya habang pinahiran ang luha ko.
Ngayon ko lang napansin na umiiyak na pala ako. At panaginip lang ang lahat. Paniginip lang na ayos si mama, panaginip lang na magka ayos na kaming magpamilya. Pero bakit parang totoo? Or does it because I am craving for too much family's love?
"G-gusto kong puntahan si mama, Cali. Kakausapin ko siya."
"S-sige pero gabi na."
"Wala akong pake alam. Basta kakausapin ko si mama."
Tumayo na ako at kaagad na nagpalit ng damit panglabas. Nang tumunog ang cellphone ni Caleb.
Nakita ko ang caller, Tito...
"Your dad. Sagutin ko lang." Sabi niya sakin.
Shit! Bakit bigla akong kinabahan?
"Po? Sige po pupunta kami agad diyan!" Kinakabahan na sagot ni Caleb at dali-daling in-off ang tawag at hinanap ang susi ng kotse niya. "Tara na, Sam. Ang mama mo."
"A-anong nangyare?"
"Sa hospital nlang."
Halos takbuhin na namin ang building makarating lang ng mabilis sa parking lot.
Nang makarating kaming hospital ay kaagad kong hinanap ang room ni mama.
Nang nasa malapit na ako ay biglang bumigat ang hakbang ko. Bakit parang may mali? Bakit parang sobrang sakit kung papasok ako sa loob?
Lumunok ako ng ilang beses at kinalma ang sarili ko bago pumasok sa loob.
Na sana pala hindi ko ginawa. Kaso huli narin kung aalis pa ako.
"Ma!"
Mama! Hindi!
Lumapit ako kay mama at niyakap ang malamig niyang bangkay.
Si mama! Tinatakpan na nila ng puting tela.
Hindi to pwede.
"Nasaan ang doktor, pa?! Bakit wala silang ginawa para mabuhay si mama?! Pa!"
"A-anak, ginawa na nila ang lahat. Ang mama mo talaga ang kusang sumuko."
"Hindi. Mama!"
Naramdaman kong niyakap ako ni Caleb sa likod kaya mas lalo akong napaiyak!
Dapat kanina kinausap ko si mama dito! Hindi sana ganito ang aabutan ko!
Ma, sana hinintay mo muna ako. Papatawarin naman kita eh! Kailangan ko lang talaga mag isip muna. Pero bumalik naman ako ah! Nung hindi pa tumawag si papa, napagpasyahan kong balikan ka. Pero sa ganitong sitwasyon, ma! Please, gumising ka dyan. Madami kapang sasabihin saakin. Ma. Nagmamakaawa ako. Please.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!