"Sam! Fuck! Anong ginagawa mo?!" Galit na tanong ni Caleb saakin habang galit na tinanggal ang ginawa kong lubid.
Nakatingin lang ako sakanya at sinusundan ang bawat galaw niya. In the middle of my plan, he come and save me. He's not just my best friend but also my savior.
Nang matapos na siya ginagawa niya ay humarap siya saakin. Puno ng luha ang mukha niya at galit na galit. Umiigting pa ang panga niya. Sa mga oras nato, hindi takot ang naramdaman ko kundi saya. Kase nag aalala siya saakin.
"K-kung may problema ka sabihin mo sakin! Hindi yung ganito, Sam!" Galit nitong saad at napahilamos ng sariling kamay. "Pwedeng pag usapan naman, Sam. Please, wag ganito..."
"Caleb." I call him. Hindi niya ako tinignan at patuloy lang sa pag agos ang luha niya habang panay ang buntong hininga.
Kaya lumapit na ako sakanya at niyakap siya.
Siguro, hindi ko pa oras. Siguro ito yung sign na kailangan kong harapin ang bukas ko na wala ng pamilya sa bahay. Siguro isa ito sa plano ng panginoon saakin. Im sorry, for attempting suicide. I swore to You, sobrang nasaktan lang ako kaya yun nagawa.
Niyakap din ako ni Caleb. Tumingala ako at tinignan siya. Napangiti nalang ako at pinahid ang luha niya.
"Sorry." That's all I can say.
Sobrang nahirapan pa ako sa pagpapatahan sakanya kaya ilang oras din ang tinagal namin sa ganung posisyon. Nang ayos na siya ay binalik niya ang upuan sa kusina at naghanda ng hapunan namin.
"Bakit ka nga pala nandito?" Tanong ko sakanya.
Saglit siyang bumaling saakin. "Sabi ni mommy ba umalis na ang magulang mo. Im here to check on you."
Tumango ako sakanya. Alam na niya na wala na akong pamilya ngayon. Siguro pagtatawanan niya ako kase ako nalang mag isa. Pero hindi naman siguro niya magagawa yun dahil hindi naman siya ganung tao.
"G-ginawa mo yung k-kanina dahil sakanila?" He asked me.
Ayoko mang aminin pero oo. I'm jealous kase si ate Sunny kompleto ang pamilya. Hindi ko alam kung bakit nagawa nila akong i-abanduna ng ganun na lang. Anak din naman nila ako. Ginawa nila ako gamit ang pawis, lakas, at dugo nila. Pero bakit parang pagkakamali lang ako? May mali ba talaga saakin?
"Oum." Yun lng ang tanging nasagot ko.
Hindi na siya nagsalita hanggang sa matapos siyang magluto. Inihanda niya ang pagkain naming dalawa at tahimik parin. Parang ayaw niyang basagin ang katahimikan, kaya ako na ang gumawa.
" Salamat pala... "
Dahil dun ay umangat ang tingin niya saakin. " Anything for you " sagot niya na ikinasikdo ng puso ko. Simpleng salita lang yun pero kung makapag rambulan ang puso ko ay wagas.
Nag-init bigla ang pisngi ko kaya yumuko nalang ako at tinuloy ang pagkain.
Nang matapos ay nag volunteer siya na siya ang maghuhugas ng pinggan kaya hinayaan ko nalang siya. Tumulak nalang ako papuntang kwarto ko at pumasok agad ng banyo upang maligo.
Nang matapos ay nagulat ako nang makita si Caleb sa higaan ko, naka upo. Pota, naka tuwalya lang ako!
Nakita kong hindi siya mapakali at ganun din ako! Oo, magkaibigan kami pero never pa kaming tumungtong sa ganitong sitwasyon!
"A-ah—s-sinundan lang k-kita—oo! B-baka anong gagawin m-mo. " Kanda utal niyang saad at biglang lumabas ng kwarto ko.
Naiwan akong tulala.
Si Caleb, nauutal? Is this his weakness? Ang makitang naka tuwalya ako? Pilyo akong napangisi at napailing na kumuha ng pantulog na damit. Nang maayos na ako ay lumabas ako para tignan siya.
Nasa sala siya ngayon, nakahiga sa couch habang ang isang braso ay nakapatong sa mukha niya. Lumapit ako sakanya at tinapik ang braso niya. Bahagya naman siyang sumilip.
"What?"
"Tutulog na ako. Pwede ka ng umuwi." Pagkasabi ko nun ay kaagad siyang umupo at matalim akong tinignan. Salubong na salubong pa ang makapal nitong kilay.
"I can't leave you here, Samantha. I will stay here whether you like it or not." Anas nito
"Huh?" Napamaang ako. Anong sabi niya? Dito siya tutulog? As in sa bahay namin? Is he kidding me?
"Goodnight. Umakyat kana sa kwarto, susunod ako may kukunin muna ako sa bahay."
Hindi na ako naka angal pa dahil umalis na agad siya sa harapan ko. Umakyat nalang ako sa kwarto ko at humiga sa kama. Madali lang akong dinalaw ng antok dala na siguro sa pag iyak ko kanina. Pero bago paman ako mahimbing na nakatulog ay naramdaman kong binalot ako at may malamig na bagay na dumampi sa noo ko.
"Good morning." Kaagad na bumungad saakin ang boses na yun. Nakahiga pa man ako.
Napatingin ako sa pinanggalingan ng boses. Caleb, standing at my door naturally. Tapos na syang maligo at naka uniform na, handa na syang umalis.
"Anong oras na?"
"6 in the morning. Bangon kana para makapag breakfast kana" sagot niya.
"Aga mo naman yatang gumising." Puna ko
He looked away. "I didn't sleep."
"Bakit?!" Grabe ang gulat ko. "Sabi naman sayo eh wag kana dito matulog, alam ko namang hindi ka komportable kase malamang malambot yung higaan mo. Ayan tuloy napala mo, Cali!"
To my surprise, he just plastered a smile on his face. "I didn't sleep dahil binantayan kita. Im scared you might woke in the middle of the night and do that thing... again."
My heart filled with warmth. Hindi siya natulog dahil baka gawin ko ulit ang bagay na yun. Hindi ko pa naranasan yun kina mama pero si Caleb, he always does the things that supposed to be my parents role. Swerte ko dahil naging kaibigan ko siya. Dahil tuloy sa pinaggagawa niya ay hindi mapigilan ng puso kong umasa. Baka ginawa niya ito dahil sa ibang dahilan.
"Thank you for staying with me, Cali. You're always there for me even at my worst. You always make it up to me when I felt so down. You don't know how lucky I am to have you as my best friend. And I treasure our... f-friendship... so much." Ewan pero biglang pumiyok ang boses ko.
Even in the second life, I'll kept this love for you.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!