The other day ay wala si Caleb dahil may pinuntahan ito. Kaya naman pagkakataon ko na para umalis sa bahay nila. Buti nalang wala rin si Claine.
Tagumpay akong nakarating sa condo namin, at sakto naabutan kopa sina Karen at Karylle. May narinig kase akong nag uusap sa kwarto nila kaya naman nagpunta ako dun. Pero nasa pintuan palang ako nang bigla akong mapatigil.
"What? Claine you should explain it to her. Malay mo maiintindihan ka ni Sam." It was Karen and they were talking to Claine over the phone?
Wait, all this time alam lang nila na nasa paligid lang si Claine?
[I know. Pero ayaw niyang makinig sakin.]
"I hate this, girls. Ayokong magtago tayo ng secrets kay Sam. Bat hindi nalang natin sabihin kay Sam ang totoo? Ayokong saktan ang kaibigan natin." Karylle.
"Pero pag sinabi natin kay Sam na alam natin na hindi nawala si Claine, at alam natin ang relasyon nila ni Caleb baka magalit din siya saatin." Karen
P*tcha! Anong ibig sabihin nila?
Ginawa ba nila akong tanga? Pinaniwala na naglayas si Claine?
[Malapit na ang kasal namin ni Caleb, kailangan kong maka-usap si Sam]
Nang dahil sa sinabi ni Claine ay tuluyan na akong umalis sa kwartong yon. Kaagad akong nagpunta sa kwarto ko at niligpit lahat ng gamit ko.
Matapos ay narinig ko parin silang nag uusap kaya mabilis akong lumabas ng condo. Bahala na kung saan ako mapunta basta makalayo lang ako sakanila. Mga traydor silang lahat. Yung kaibigan na pinagkakatiwalaan mo ay nagawa kang traydorin?
Sumakay ako ng bus at bumababa lang ako pag ako nalang mag isa, hindi ko mabilang kung pang ilan bus na yun hanggang sa mapadpad ako sa probinsya. Na hindi ko alam kung ano.
Naglakad ako at sisinunod na lamang ang daanan. Wala akong ideya kung anong lugar na to basta ang nasa isip ko lang ay kailangan kong makahanap ng matutuluyan. Malapit naring mag gagabi, at gutom narin ako.
"Bakit ba hindi ako nagbaon ng pagkain? Daming stock sa ref eh! Sure naman akong makakabili sila ng bagong stocks, yamanin ang yun eh. Hayst, ang tanga ko talaga." Maktol ko sa sarili ko habang palinga-linga sa paligid.
Sakto namang may nakita akong lalaki na naglakad rin sa dinadaanan ko.
"Kuya!" Tawag ko.
Lumingon naman siya saakin na may masungit na itsura. Pero geez! Ang pogi. Jackpot ata toh. "Ano?" Masungit nitong tanong. Eh?
"Ano... hindi ko alam kung anong lugar toh tapos..."
"Pake alam ko?"
Sayang gwapo sana kaso pangit ugali!
"Gutom narin ako, pwedeng makikain—"
"Hindi!" Kaagad nitong putol saakin.
Pero wag ka, Kuya! Si Samantha ako! Ang makulit mong kaibigan—well kung gusto nya lang.
"Sige na" pilit ko at hinawakan ng dahan-dahan ang braso niya.
"Ew yuck!" Napatigil ako dahil sa sinabi niya. "Wag mokong tignan ng ganyan. Saka wag mokong hawakan! Duh! Oo maganda ka pero wag ka gurl, fafa rin ang hanap ko."
Tuluyan na nga akong nagulat dahil sa sinabi niya.
Ang poging lalaking toh, ay bakla? Shuta! Bakit naging bakla kapa? Ang gwapo mo eh! Malas ko talaga! Kahit hanggang dito dala ko parin ang kamalasan. Pwede ba for once, maging ma swerte naman ako?
"Gagi ka gurl! Nakuha mo loob ko kaso baliko ka pala!" Hindi ko namalayang nasabi ko na pala yun.
Nakita ko namang napangisi siya. Hindi ko talaga matanggap na bakla itong kaharap ko eh!
"Anyways, mag isa rin naman ako sa bahay pwedeng dun ka nalang rin tumuloy tutal makapal naman mukha mo eh, makikikain ka pa nga."
"Yiee, thank you so much, pogiiii!" Tili ko at niyakap siya. Pero bakla is bakla, tinulak niya lang ako umakto pang nasusuka. Eh?
So ayun, dinala niya ako sa bahay niya. Hindi naman malaki bahay niya pero sakto lang para sakanya. May mini sala siya, mini kitchen, at may dalawang pintuan rin, kwarto ata yun.
Nilapag ko ang mga gamit ko sa sofa niya at siya naman ay dumiretso sa kusina niya para mag luto ata. Dahil nandun pa siya ay naglakad muna ako at nilapitan yung mga pintuan. Tutal sabi naman niya makapal mukha ko edi itodo ko nalang.
Pag bukas ko sa isang pinto ay cr ang tumambad saakin. Kung ganun, yung isang pintuan kwarto niya? Hindi nga ako nagkakamali.
"Pero kung isa kwarto niya, saan ako matutulog?" Natanong ko nalang sa sarili ko.
Pagpasok ko palang sa kwarto niya ay napapikit agad ko dahil sa sobrang bango. Panlalaki iyong amoy eh kaya hindi ako naniniwala sakanyang bakla siya. Namalayan ko nalang na hinila ako ng mga paa ko papuntang kama niya at kaagad na nahiga. Dala narin ng sobrang pagod kaya nakatulog agad ako.
Maya-maya ay nagising ako dahil may yumugyog saakin. Ayoko pa sanang gumising kaso narinig ko ang boses ni bakla.
"Bumangon ka nga dyan. Dinudumihan mo pa kama ko eh!"
"Eto na! Damot amp!" Sagot ko at bumangon sa kama niya.
Pagka harap ko sakanya ay kaagad ko siyang inirapan at lumabas ng kwarto niya.
Nakaka bad mood talaga pag kulang ka sa tulog eh!
Nang nasa kusina na ako ay narinig ko naman kaagad ang yabag nya na paparating. Kaya naman nauna na akong umupo sa isang upuan at hindi na siya hinintay.
"Hoy" tawag ko sakanya nang maupo siya sa tapat ko.
"May pangalan ako " masungit nitong sabi bago nag sign of the cross saka kumain.
"Ano bang pangalan mo?" Tanong ko.
"Easton" tipid niyang sagot.
Okay, Easton. Pogi ng pangalan mo, pero mas pogi yung nagmamay ari. Kaagad kong winaksi sa isipan ko yun at nagpatuloy nalang sa pagkain. Buong kainan namin ay tahimik lang kami at wala ni isang nagbabalak na magsalita. Hanggang sa matapos na kaming kumain. Ililigpit ko na sana ang pinagkainan ko ng mabilis niya itong nakuha.
Eh?
"May isang cabinet sa kwarto, walang laman yun kaya sayo na muna. Sa kwarto kana rin matulog."
"Paano ka?"
Dahil sa tanong ko ay napalingon siya saakin. "Paano ako? Sana tinanong mo muna sarili mo bago ka lumapit sakin."
"Sungit mo naman! May regla kaba?"
"Just shut up."
I stunned. Bakit parang ang hot niya pakinggan pag nag e-english siya?
Kalma Samantha! Bakla yan!
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!