Bitch 13

32 3 0
                                    

I lost count of the days. Pero matagal-tagal narin simula nung mangyare ang aksidente. I wonder how was Caleb right now. Nung maayos na ang pakiramdam ko ay kaagad ko siyang binisita sa ospital. Pero ganun nalang ang panlumo ko nang malamang wala na si Caleb doon. I even contact his friends pero hindi din nila alam kung nasaan na si Caleb. Sinubukan kong puntahan ang bahay nila, pero bagsak balikat parin ako dahil wala ng tao doon. Even their things, wala na.

"Gaga, ano to? Bakit ganito ang ulam natin?" Bungad kaagad ni Karylle kinaumagahan nang lumabas siya sa kwarto niya.

"Bat ba? Kung ayaw mong kumain edi wag!" Sagot naman ni Karen. Mukhang mainit ang ulo ng dalawa parang may dalaw ata ang utak ng mga toh.

We both know na mayaman si Karylle kaya naninibago siya sa ulam namin which is tortang talong. Ako kase ang nag request nito, at bahala na sila kung ayaw nilang kumain.

"Marami pa naman tayong stocks ah." Nakangusong saad niya.

Tumawa ako ng mahina dahilan para mapatingin saakin si Karylle. "Try mo, masarap yan. Ako pa naman nag request niyan."

Tuluyan na nga siyang napabuntong hininga at walang nagawa kundi ang maupo nalang.

"Hindi pa umuwi si Claine?" Tanong niya.

"Hindi pa eh. I tried to reach out of her pero unattended." Sagot ni Karen.

" Baka kung ano ng nangyare kay Claine. " Si Karylle.

I agree with her. Ngayon lang ito nangyare na hindi namin ma contact si Claine. Tapos hindi manlang nag chat sa gc namin na hindi siya makaka uwi. Nakakapanibago lang kase ngayon lang hindi nag open up saamin si Claine. Sa tagal na naming nanirahan dito sa condo ni Karylle, ngayon pa sya hindi nag chat? Maybe something's going on with her.

"I'll try to contact her again." Sabi ko.

Tumango nalang sila saakin at nagsimula ng kumain. Tahimik lang kaming tatlo na kumain at walang balak magsalita.

Nang matapos ang umagahan namin ay umalis na sina Karylle at Karen dahil may trabaho pa sila. Ako naman, fresh graduate at wala pang balak na magtrabaho. Pero tapos na naman akong nag take ng bar exam kaya resulta nalang ang hinihintay ko.

Naligo lang ako saglit bago naisipang lumabas ng condo unit. Pitaka lang ang dala ko at lumabas. Sa Argentine ako pupunta ngayon dahil wala naman akong magawa sa condo. Ayokong mabagot dun noh kaya gora na me.

Nag grab nalang ako dahil wala naman akong sasakyan. Nang makarating ako nagbayad na ako ng pamasahe saka pumasok sa bar. Suki na ako dito kaya kilala na ako ni kuya bouncer.

Kaagad akong na upo sa counter at nag order na ka agad. Pinili ko yung pang malakasang inumin nila dito to challenge myself. Matagal-tagal narin simula nung huli kong inom, let's see kung mababa naba ang alcohol tolerance ko.

"Isa pa, kuya." Inisang lagok ko lang lahat ng bote ko.

Umilaw ang phone ko kaya napatingin ako dun. Nag chat si Karen sa gc namin. Dinampot ko naman yun ka agad at tinignan yun. Meron siyang sinend na link kaya agaran kong binuksan yun.

Mima Rodriguez
It's nice to be back to our homeland. Together with my fiance.

Basa ko sa caption at yung photos ay si Mima at... Caleb. Together with my fiance? Engaged na pala siya? Hindi man lang ako na update. Kaibigan ko ba talaga yan? Pero may part rin saakin na wala akong karapatang ma update kase ako ang may kasalanan kung bakit na aksidente siya. Kung sana sinabayan ko nalang siyang mag lunch hindi sana aabot sa ganito ang lahat. Kung sana pinili ko sya over my activity edi sana okay pa kami ngayon. If I could only turn back time.

Too late. Akala ko pa naman maayos ko pa ang lahat. Akala ko pa naman makaka usap ko pa siya. Im too late. Engaged na sya at wala akong karapatang lapitan na siya.

Hindi ko namalayang madami na pala akong nainom. Umikot na ang paningin ko pero wala na akong pake alam. Umorder pa ako ng umorder. I want to get wasted!

Ano ba yan, Samantha! Crush mo lang naman ang kaibigan mo bakit ka nasaktan ng ganyan?

Puta! Hindi ko lang siya crush! Mahal ko yung tao! Mahal na mahal!

Pero tangina may mahal na siyang iba. Ang hirap magmahal ng taong may mahal ng iba. Masakit. Oo, sobrang sakit. Ayokong mag risk kase alam kong luha lang ang makukuha ko sa huli.

Napatigil ako dahil sa naisip ko. Bakit ganyan ang iniisip ko? Bakit naman ako mag ri-risk? Eh hindi ko nga alam kung sang lupalop na sila ng mundo nakatira. Saka, years have passed! Naka move on na ako sakanya. Iiwan ko nalang sa past iyong puppy love ko. Tangina. Wala na dapat akong pake kung engaged na siya. I should be happy for him kase finally nahanap na niya ang gusto niyang pakasalan.

Iinomin ko na sana ang pang huling baso ko nang biglang may umagaw nito saakin.

"Enough." A manly voice in my back.

Kahit na lasing na ako ay nagawa ko paring matigilan. It's been years since I heard this voice. It's been years pero kilala ko parin ang boses niya. It's been years pero siya parin ang hinahanap ko. Parang kanina lang iniisip ko pa sya tapos ngayon. I must be hallucinating kase miss ko na siya. Puta! Kaya ayokong maglasing eh kase siya lang ang naiisip ko. Siya lang ang laman ng utak at puso ko. Gagi, masyado kong minahal yung tao. Ito tuloy napala ko, umaasang babalikan ako.

Wala na akong naramdaman kaya tinungga ko ulit ang huling shot ko. Laking pasalamat ko nang wala ng umagaw nito saakin. Tama nga, nag iilusyon na naman ako ng mga bagay na hindi na pwedeng mangyare.

Matapos kong bayad sa counter ay tumayo na ako. Nahilo pa nga ako pero nagawa ko pa namang ibalanse ang katawan ko. Napa igtad pa ako nang mag ring ang cellphone ko. Kahit blurry na ang paningin ko ay nagawa ko parin itong sagutin.

"Hello?"

[Overtime ako ngayon, si Karylle naman umuwi sa mansion nila kase pinapa uwi siya ng daddy niya. Ikaw na muna bahala sa condo ha? Si Claine wala parin, I'm still contacting her but gaya ng dati unattended parin]

"Sige"

Sagot ko. Si Karen na ang nag end ng tawag. Naglakad na ako palabas ng bar at merong sinabi saakin yung bouncer pero hindi ko marinig ng maayos pero narinig ko lang na may lalaking sumagot sakanya.

"Sam?" Napatigil ako sa paglalakad nang marinig ko na naman ang boses niya. Im hallucinating, again. "I'll take you home." It was like dejavu. Parang nangyare na to saakin, same place, same situation, same person. Pero kathang isip ko lamang.

I tried to walk again but before I could took another step. Someone grabbed my arms and forced me to face him.

Nanlake ang mata ko. "C-caleb?"

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now