Days flew by like a wind. Ganun talaga kapag puro positive ang naranasan mo. Ni hindi ko namalayang malapit na pala ang Christmas break namin. Mapapalitan na naman ng negative days ang mga susunod na araw. Pasko. Speaking of pasko, palagi naman akong nagpapaskong mag isa—while staying in my room—pero iba ngayon eh. Alam ko kase sa sarili ko na walang magulang sa baba. Walang pagkaing ihahain sa lamesa, walang ingay, wala lahat.
Kaya ngayon, matamlay akong naglakad papasok sa room namin. Hindi ko kasabay si Caleb ngayon kase maaga siyang umalis dahil may thesis silang tatapusin sa library ngayon.
"Sam!" Napahinto ako sa paglalakad nang may tumawag saakin at bigla nalang itong humarang sa dinadaanan ko.
I looked up and saw Hugo. "Aga-aga!" Inis kong maktol. Kase mukha niya ang una kong nakita. Si Hugo ang kaklase ko, isa sa palaging partner ko gaya nalang ngayon, ka thesis ko siya, matalino rin naman siya pero, and badboy niyang tignan sa earings niya eh kaya medyo inis ako sakanya.
"Oo, aga-aga partner busangot agad mukha mo." Nakangising aniya.
Nginusuan ko lang siya at naglakad na. Pero ang loko sumunod saakin. "Lumayo ka nga saakin, hayup ka!"
"May tatapusin pa tayong by pair activity mamayang lunch kaya sabay na tayong kumain."
"Oh? May choice ba ako?"
"Syempre wala, kaya nga partner tayo eh."
Nang makarating na kaming room ay kaagad na kaming naupo. Wala pa ang mga kaibigan ko kaya si Hugo naupo muna sa upuan ni Karylle. At panay ang daldal saakin.
"Nga pala, anong update sainyo ng bff mo?" Ngayon, biglang sumeryoso ang boses niya.
"Ganun pa din." Sagot ko.
"Nakita ko si Mima kahapon... with him. Pero baka may ginawa lang silang activities." Dahil sa sinabi niyang yun ay napatingin ako sakanya.
"Saan?"
Sasagot na sana si Hugo nang biglang dumating sina Karylle.
"Ano to? Anong meron dito? Bakit may pa eyes to eyes kayong nalalaman diyan?" Si Karen
"Na late lang kami ng dating sa usual na datingan namin, may pa ganito na." Si Claine.
"Sabi sainyo eh! Kaya ship ko talaga ang dalawang toh!" Tili naman ni Karylle.
Nagpabuntong hininga nalang ako at umalis nalang din si Hugo. Nang tignan ko ang mga kaibigan ko ay may nakakalokong tingin sila saakin.
Umiling nalang ako at inabala ang sarili sa pag ce-cellphone. Biglang nag chat si Caleb kaya tinignan ko yun agad.
From Cali:
Sabay na tayong mag lunch, ha? I brought us foods.
Hala, pano yan? Kasabay ko mamaya si Hugo kase may tatapusin kaming activity. Pwede kayang dalhin ko nalang si Caleb?
Napatingin ako kay Hugo, abala siya sa cellphone niya kaya naman chinat ko na siya.
To Hugo:
Sasabay sakin si Cali mamaya, pwede ko ba syang isama?
Pagka send ko nun ay tinignan ko si Hugo. Nabaling naman ang tingin nito sakin ang dumaan ang... hindi ko mawaring emosyon. Para syang nasaktan?
He sigh before typing a message.
From Hugo:
Unahin mo na sya, ako nalang ang bahalang tumapos
Kumunot ang noo ko.
To Hugo:
I'll help you
From Hugo:
Nah. I can manage. Eat with him.
Magtitipa na sana ako ng mensahe nang biglang pumasok ang prof namin kaya binulsa ko nalang muna ang cellphone ko.
Madali lang natapos ang discussion at lunch time na.
"Sa KFC na tayo." Protesta ni Karylle.
"Kayo muna ha? May tatapusin pa kaming activity ni Hugo eh." Sabi ko habang inaayos ang mga gamit ko.
"Wee? Activities lang ba yan? Baka mamaya ano na yan ha!" Si Claine.
"Activities lang nga." Sagot ko.
Umalis na ako dun dahil kung magtatagal pa ako dun ay baka kung anong ship² na naman ang maririnig ko.
"Aalis kana?" Pigil ko kay Hugo nang tumayo siya sa upuan niya.
"Yeah, ikaw? Dapat mag lunch kana kase may naghihintay sayo" walang ganang sagot niya saakin.
" Samahan na kita. May tatapusin pa tayo diba? Sure naman akong maiintindihan ako ni Caleb. "
Hindi na siya sumagot saakin at nauna ng lumabas kaya kaagad ko syang sinundan. Tinext ko rin si Caleb.
To Caleb:
Sorry Cali, may tatapusin kaming activity ngayon ng ka partner ko kaya sabay kaming mag lu-lunch. The lunch you brought for us, save it for yourself nalang. You better eat well, ubusin mo yan, ha?
Nang maisend ko na yun ay binulsa ko na ang cellphone ko at hinabol si Hugo. Tamo tong lalaking toh! Iiwan lang ba naman ako dito? Tama ba yun?
Hinihingal ako nang makarating kami sa cafe na malapit lang sa school namin. Nakita ko si Hugo na ngayo'y naka upo na. Langya talaga. Kaya ayoko sakanya eh. Bat ba kase siya ang pinartner ni prof sakin?
"Bagal." Masungit nitong bungad saakin dahilan para tumaas ang kilay ko.
"Sorry?"
Hindi na sya nagsalita nang dumating na ang order niya—or should I say, order namin? Wala naman akong sinabi but it seemed likes he knows my favorite.
"Kumain kana para makapag simula na tayo."
Hindi na kami umimik at nagsimula nalang kumain. Naging ganado ako sa kinain ko kaya hindi ko napansin na nagsimula na pala si Hugo. Namalayan ko nalang na tapos na siya nung natapos narin akong kumain.
"Bakit hindi mo sinabi sakin?"
"You're eating, ayokong abalahin ka. " He said and gave me a smile.
But before I could speak another words. Nahagip ng mga mata ang bulto ng isang pamilyar na tao. Kaya tinignan ko yun, there, I saw Caleb glaring at Hugo?
Napatayo ako bigla pero nakita ako ni Caleb kaya nagmamadali itong umalis.
" Aalis kana? " Tanong saakin ni Hugo.
" Oo, sorry ha? Babawi ako. "
Hindi ko sya hinintay na sumagot at kaagad na lumabas ng cafe para masundan si Caleb.
"Cali!"
Tawag ako ng tawag sakanya pero hindi niya ako nilingon. Malapit na sya sa stoplight at parang wala syang balak na huminto.
"Caleb—"
My world suddenly stopped. My tears are falling down nonstop. Parang ayaw gumalaw ng mga paa ko. Nakatayo lang ako habang nakatitig kay Caleb, lying down in the road with blood all over his face.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!