Bitch 7

30 2 1
                                    

Bigla akong na guilty sa ginawa ko kase ilang araw ng hindi nagpapakita si Caleb. I don't know if it's because of me or sadyang busy lang talaga siya kay Mima? And speaking of them, papasok na sila ngayon sa cafeteria. Kaagad na nagtama ang paningin namin ni Caleb kaya tinaasan ko siya ng kilay dahilan para umiwas siya agad ng tingin. Si Mima na pumila at si Caleb ay naupo nalang malapit sa bintana.

Ano kayang iniisip niya? Iniisip niya ba ako? Minsan ba ay sumagi rin ba ako sa isip niya? O ako lang ba ang iniisip niya? O baka naman ang relasyon lang nila Mima ang iniisip niya?

Maayos na sana ang lunch namin kung hindi ko lang sila nakita dito. Yan tuloy, nasira na yung mood ko. Nang makabalik na sina Karylle sa mesa namin ay junkfoods lang yung kinuha ko at agad na nagpaalam.

"Wait, yung chicken curry. Favorite mo yan, diba?" Tanong saakin ni Claine.

Tumango ako. "Pero sainyo na yan. May gagawin lang ako sa room. Eat well luvs!" Sagot ko at nagpaalam na sakanila.

Nagtama pa muli ang mata namin ni Caleb pero inirapan ko lang siya saka lumabas na ng cafeteria. Mabuti pa't sa library nalang ako tatambay. Wala pang Caleb ang makakita ko.

Tinignan ko ang wrist watch ko, may 20 minutes pa bago ang sunod naming subject this afternoon. Kaya naman nagtungo nalang akong library para tumambay nalang muna.

Saglit lang din naman ako dun at nang malapit ng mag bell ay bumalik na ulit ako sa room namin. Kaagad nangunot ang noo ko nang mapansing may malaki na plastik sa mesa ko.

"Nga pala, hindi ka raw kumain kaya pinaldahan ka lunch ng bebe mo" ani Karen nang mapansin ang mukha ko.

Si Caleb lang ang nasa isip ko. Wala naman akong ibang bebe eh.

Kaya naman umupo na ako at tinignan ang laman. Kanin, chicken curry, 1 bucket of chicken mula sa kfc, at isang plastik ng c2.

Balak niya ba akong patabain? Andami nito uy!

May napansin akong papel sa loob kaya naman kinuha ko yun at binuksan.

Eat your lunch, I know hindi kapa kumakain. Also, dinner tayo mamaya sa favorite fast food chain nyo. Maghihintay ako sa labas ng bahay nyo, ket di ka lalabas, maghihintay parin ako.

Im sorry...

- Caleb

Hindi ko nalang muna iyon inisip at binulsa nalang. Saka nilantakan ang pagkain. Inaya ko pa sina Karylle pero sabi nila busog pa raw sila kaya di ko na pinilit. Nanghingi lang sila ng tig iisang c2 saakin. Buti nalang hindi pumasok yung professor namin ngayon kaya nakakain ako ng maayos. Matapos kong kumain ay naramdaman kong nag vibrate ang cellphone ko kaya tinignan ko yun.

Caleb:
Good to know that you're eating well. Expect some foods next time.

Eh? Nakita niya ba akong kumain?

Tumingin ako sa labas ng bintana namin kaso wala akong nakitang tao dun.

"Hey..." Nabaling ang tingin ko sa kaklase kong si Mark nang humarang sya sa harap ko.

"Hmm?"

"Can I ask?" Medyo nahihiya nitong tanong dahilan para mapa irap ako.

"You're already asking" I answered.

Pahiya itong ngumiti at kumamot sa batok niya. "Uhmm... ano kase..."

"Spill it, may gagawin pa ako."

"Anong type mong relationship?" He asked out of nowhere kaya napatitig ako sakanya habang nakataas ang isang kilay.

"Seriously?"

"Alam mo naman... hehe"

Hays, alam ko namang bet ako ni Mark but he's not really my type. Kahit pa sinong lalaking e reto saakin, sakanya parin ang nararamdaman ko.

"Effort, reassurance, updates, loyalty, and faithfulness." Sagot ko nalang sakanya. "Ano, okay na?"

Tumango naman ito saakin. "By the way, naka move on na ako sayo. Inutusan lang ako to asked you that." Sabi nito na nakapatanga saakin.

"Sino?"

"It's confidential, anyways may gagawin rin ako eh." Anito at lumabas na ng classroom.

Hindi ko namalayang ako nalang pala ang nandito. Yung mga kaibigan ko ay hinihintay na ako sa labas ng room.

Pero naiwan parin akong tulala. Sino naman kaya ang magtatanong ng ganun? Sino kayang nag utos kay Mark? At saka, ang assuming ko kanina. Inisip ko pa na gusto ako nung tao ket hindi naman pala, pota buti nalang talaga hindi kayang magbasa ng isip ang mga tao... na curious parin ako kung sinong nag utos sakanya. He's not that kind of man na uutusan lang. Mataas din ang pride ni Mark kaya wala masyadong naglalapit sakanya.

"Sam, let's go!" Sigaw ni Claine mula sa labas.

Hays, wag ko nga lang isipin.

Tumayo na ako at kinuha ang mga gamit ko para sumunod na sakanila sa labas. Si Karylle at Karen ay naabutang kong nag uusap sa gilid habang si Claine ay naglalagay ng lip tint. Nang makita nila ako ay kaagad naman silang lumapit saakin.

"Argentine tayo, since Friday naman na." Sabi ni Karylle. "Dont worry, luvies. Treat ko na kayo basta samahan nyo lang ako."

Wala rin naman akong gagawin sa bahay, at ayaw ko pa rin namang umuwi dun kase masyadong pang maaga baka kung anong sermon na naman ang matatanggap ko.

Sa huli, ay napagdesisyunan naming pumunta sa Argentine at kotse ni Karylle of course ang service namin. But si Claine iyong nagmamaneho. Dumaan narin muna sila sa Jollibee upang mag drive thru. Bumili lang sila ng two bucket of chicken.

Mabilis lang din naman kaming nakarating doon kase hindi naman ma traffic ngayon.

Sa loob ay malakas na tugtog kaagad ang sumalubong saamin. But as usual sanay naman na kami. Hindi na kami nahirapang maghanap ng table kase nagpa reserve na si Karylle kanina.

Nilapag nila yung dalawang bucket at si Karen ay nagsimula ng lumantak sa pagkain. Ganun din ang ginawa ni Claine. Kaya nakikain nalang rin ako. Si Karylle naman ay nag order pa ng drinks namin.

Habang kumakain ay gumala ang paningin ko. Hanggang sa di sinadyang mabaling ang tingin ko sa sulok ng bar. Madilim ang loob pero dahil sa ilaw ng flashlight na gawa sa mga kasamahan nito ay nakita ko ang ginagawa nila.

Mima... she's sitting on Caleb's lap while they were kissing!

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now