"Dito nalang tayo" sabi ni Caleb kinagabihan. Nasa labas kami naka upo habang naka akbay siya saakin.
"Ayaw mo ng umuwi?"
"Palayo sa gulo. Daming gulo doon eh."
"Sabay nating harapin ang gulong pinasok mo, Cali"
"Cali, why does it sound so sweet?"
"Dahil ako ang nagbigay?"
"Yeah, and you're my love."
Napangiti nalang ako sakanya. Lalo na nung sinuksok niya ang mukha niya sa leeg ko.
Kinabukasan ay natuloy na ang alis namin. Bumalik na kami sa dati naming buhay. Ang mas nakakagulat pa ay kaagad akong niyakap ni Claine nang makita na niya ako.
"Oh my gosh, Samantha. Im so sorry!" Bungad nya saakin habang umiiyak. "Sorry talaga, Sam. I swear, hindi ko inagaw si Caleb sayo at never ko siyang aagawin. Sorry talaga"
"Hush." Niyakap ko rin siya pabalik habang inaalo. "Caleb explained to me naman. Don't worry, naiintindihan ko kayo."
Humahagulhol ng iyak si Claine kaya natawa nalang ako. Maya-maya ay lumapit samin sina Karylle at Karen at nakiyakap narin.
" Gosh, I miss you much guys! " Si Karylle.
" Sobrang na miss kita, Sam. " Sabi naman ni Karen.
" Miss ko na rin kayo, sobra" sagot ko naman.
Maya-maya ay naisipan narin naming bumitaw at pumasok sa condo ni Karylle. Nandun din si Caleb nagluluto ng pagkain kaya naupo nalang kami sa mesa habang naghihintay.
Maya-maya ay may nag doorbell, tatayo na sana ako para pagbuksan nang pigilan ako ni Karylle.
"Ako na, umupo ka na muna dyan." Sabi niya at nagpunta na ron sa pintuan.
Maya-maya ay bumalik na si Karylle tapos may kasama. Na hindi ko lubos maisip na makikita ko pa ulit.
"Samantha, anak."
"P-pa..."
Anong ginagawa niya dito? Nasan sina mama? Bakit niya iniwan? Hiwalay naba sila? Baka may problema sila?
"Kamusta kana, Samantha? Anlaki mo na." Hindi ko namalayan na lumabas na pala ng kusina ang tatlo.
Lumapit si Caleb kay Papa saka nagmano bago sumunod rin palabas.
"Anong kailangan mo sakin?" Alam ko naman eh! Naiisip lang nila ako kapag may kailangan sila. Hindi nila ako maiisip bilang anak nila kundi bilang taga tulong lang.
"Yung mama nasa hospital. Wala kaming perang pambayad ng hospital bills-"
"Wala akong pera. Kung yan lang ang pinunta nyo rito. Wala kayong makukuha sakin." Sagot ko sakanya.
Nagulat ako nang biglang lumuhod si Papa sa harap ko.
"N-nagmamakaawa ako sayo, Sam. Ikaw lang ang tangi naming pag asa."
"Bakit ako ang nilapitan nyo? Nasan ba ang anak nyo?"
" Umalis siya. Matapos niyang mapakasal sa mayamang kano, bigla nalang niya kami iniwan. Ni hindi na siya nagparamdam ulit, at di na nakayanan ng mama mo kaya inatake siya. "
Pero nung ako ang wala, nakayanan lang niya na hindi ako makita? Tapos ang kapal pa ng mukha na saakin lumapit. Anong tingin nila saakin?
" Mawalang galang na po, pero mas buti kung umalis nalang kayo. Wala rin naman kayong mapapala kase wala akong trabaho, kaya wala akong pera. "
" Nagmamakaawa ako sayo anak, patawarin mo na kami ng mama mo. "
" Umalis na po kayo habang may pasensya pa ako. Kase kung hindi, kakalimutan kong ama ko ang nasa harapan ko ngayon. "
Tumalikod ako sakanya kasabay ang sunod-sunod na pagtulo ng luha ko. Naramdaman kong niyakap ako papa mula sa likuran habang umiiyak rin siya.
Eto yung pangarap ko noon, ang mayakap ako ng magulang ko. Pero hindi sa ganitong sitwasyon. Hindi sa ganitong paraan.
" Umalis napo kayo, pa" mahinang sabi ko. Wala ng nagawa si papa kundi ang umalis nalang.
Maya-maya ay naramdaman kong pumasok si Caleb at niyakap ako kaya doon ko na binuhos lahat ng hinanakit ko.
"Bakit ganun, Cali? Naiisip lang nila ako kapag may kailangan sila. S-sabi ni papa i-inatake si m-mama dahil hindi nya kinayang hindi magparamdam si ate. Haha? Ang saya diba? Bakit nung ako ang hindi nagparamdam ayos lang sakanila? Putangina naman eh! Kung kailan maayos na buhay ko saka ulit sila magparamdam saakin!"
"Iyak mo lang lahat yan." Pag aalo niya sakin.
Hindi ko namalayan kung ilang oras na akong umiyak doon hanggang sa bumigat ang talukip ng mata ko at nakatulog ako sa bisig niya.
Nang magising ulit ako ay nasa bisig parin ako ni Caleb pero ngayon nasa kama na kami. Sinamahan niya pala akong matulog.
Dahan-dahan akong gumalaw pero mas lalo lang hinigpitan ni Caleb ang hawak niya sakin at siniksik pa ako lalo sakanya.
"Cali..."
"You're awake. Gutom kana? Want me to get you some foods?"
"Pwede?"
"Oo naman, dadalhin ko dito."
Ngumiti lang ako sakanya. Tapos nun ay lumabas na si Caleb. Kasabay naman nun ang pagpasok ni Karen.
"Sam." She wore her worried face kaya nagtaka na ako.
"May problema ba?"
"Your parents tried to contact me. Tinawagan pa ako kagabi ng mama mo, unknown number nakalagay nun kaya nasagot ko. Kapag hindi siya na operahan ng maaga baka..."
"Anong operahan? Sabi ni papa inatake lang si mama."
"May cancer ang mama mo, stage 4"
Para akong nanlumo sa sinabi ni Karen. Parang ayaw mag sink in sa utak ko ang sinabi niya.
Hanggang sa lumabas na ulit si Karen at hanggang sa pagpasok ulit ni Caleb ay para akong wala sa sarili.
Pero paano kung nagsinungaling lang si mama? Ganun naman siya palage eh. Magsisinungaling siya saakin para mahiram niya pera ko noon.
"A-ayokong paniwalaan ang sinabi ni Karen. Caleb, you know my mother is a liar, diba?"
" Oo pero, hays" nakita kong tumingin sa ibang direksyon si Caleb kaya mas lalo akong nagtaka.
" B-bakit? "
" Bago kita puntahan sa probinsya. Kinontak rin ako ng tatay mo. Kaya pinuntahan ko siya. Noon, binayaran ko narin ang bills nila pero ilang araw lang din ay sinugod ulit sa hospital ang mama mo. Sabi ng doctor saakin, may cancer siya at kinakailabgan ng maoperahan. The worst part is, bilang nalang ang araw niya, Sam. Im sorry. "
Tuluyan na ngang tumulo ang luha ko sa sinabi niya. Even though my family is so cruel to me, I'm still willing to come back to them kase pamilya ko sila eh.
YOU ARE READING
The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETED
RomanceGusto lang nyang maki inoman hindi para makilandi. Pero putcha! Hinila lang siya ng isang shoti at kusa naman siyang sumama. Putcha lang! Kase ninakaw nito ang firstkiss nya!