Bitch 5

23 3 0
                                    

Ilang beses na akong sinubukang kausapin ni Caleb pero tanging sabi ko lang sakanya ay busy ako, marami akong ginagawa, may ipapasa akong projects. Lahat nalang yata ng rason nagamit ko na para lang hindi ko maka usap si Caleb. After nung araw na yun, ay hindi na ako nagpakita sakaniya. Pero palage ko rin siyang nakikita sa labas ng building namin na nag aabang. Pero dahil maganda ako at nasaktan ang ganda ko kaya deadma lang sakin ang papi nyo.

Lumabas akong kwarto ko para kumain. Pero nang nasa hagdanan na ako kay kaagad kong narinig ang ingay nina mama. Sabado ngayon, bakit wala silang lakad?

"Alam mo iho, bagay na bagay kayo ni Summer!" Rinig kong sabi ni mama.

Iho? May kasama silang lalaki? At kailan pa nagpapasok ng lalaki si mama dito? Siguro nanligaw kay ate kaya nakapasok. Nasa sala na ako at akmang lalabas na sana ng bahay nang marinig kong magsalita ang lalaki.

"Im here for Samantha po..." It's Caleb's voice. What rhe hell is he doing in here?

"Samantha ba hanap mo? Wala dito. Umalis siya. Saka wag mong gustuhin ang batang yun. Wala kang mapapala doon, tamad yun, saka bobo anong aasahan mo? Mabuti pa itong si Summer may kinabukasan kayo." Rinig kong paninira ni mama saakin.

Nagpabuntong hininga nalang ako at lumabas ng bahay. Nagpunta akong 7/11 para doon nalang kumain. Medyo na guilty rin ako kay Caleb kaya itinext ko nalang siya na nasa 7/11 ako. Bumili narin ako ng makain ko kase ito naman talaga ang nilabas ko.

Minuto lang ang hinintay ko nang makarating na siya. Kaagad naman itong umupo sa katapat kong upuan. At seryosong titig ang binigay saakin. Pero hindi ko nalang siya pinansin at nagpatuloy lang ako sa pagkain ko.

Hope he knows that I rejected every guy who badly wants me because I only want him. But he also wants somebody else.

"How are you?" Panimula niya. Pero hindi ako sumagot. Hinipan ko lng ang noodles. Nag cup noodles lang ako ngayon kase nag titipid ako. Wala naman kase akong natatanggap na allowance kina mama kaya umaasa lang ako sa allowance na matatanggap ko sa scholarship.

"Sorry pala kung hindi ako nakabawi sayo noong nakaraang araw. I was really busy."

Oo busy ka nga, busy sa babae. Kita ko nga kung gaano ka ka busy. "I understand." I replied.

"M-may bago kaming kaklase. Babae, pinakiusapan ako ng director na pakisamahan si Mima dahil anak niya yun. Im sorry you have to witnessed that Im always with her."

"Naiintindihan ko, anak yan ng director eh." Mahinang sabi ko.

Pero hindi yun sapat para mabawasan ang sakit na pinaramdam niya sakin. Kahit anong explanation pa ang gawin niya ay ayaw ko ng marinig. Para san pa? Nasaktan na ako eh!

" I've hurt you. " Tatlong salita lang yun pero nagawa parin nung patigilin ako.

" Ano? "

" Kahit hindi mo aminin, alam kong nasasaktan kita." He said.

Tumawa ako ng peke para hindi niya malaman ang totoong naramdaman ko. " Pinagsasabi mo? Alam mo, Cali, kahit ilang babae pa ang kasama mo walang akong pake alam. "

" You're my best friend, kaya kilala kita. Alam kong nasasaktan ka sakin... bilang kaibigan. "

Nakahinga ako ng maluwag dahil sa sinabi niya. Muntikan na yun. Akala ko alam na niyang plastik ako. Kunwari kaibigan ko siya pero gusto ko pala siya.

"I admit, nasaktan ako kase hindi mo sinabi saakin. But don't worry about me, Im okay naman na." Sabi ko nalang at bumaling nalang sa cup noodles ko.

Kung kakainin ko to, mababawasan kaya ang nararamdaman ko para sakanya? Ayoko mang umamin pero shuta! Gusto ko talaga ang best friend. Kahit alam kong masakit siyang magustuhan pero pinilit ko parin. Wala eh, tinamaan na yata ako ni kupido.

Kinabukasan ko ay muntik pa akong madapa nang bumungad saakin ang mukha ni Caleb sa pintuan namin. Tulog pa sina mama kase ala singko palang naman ng umaga. Maaga kase talaga akong gumigising para hindi ko sila makita. At talagang sinadya ko ring agahan para hindi ko makita si Caleb pero ang loko nandito na sa tapat ng pintuan namin.

"Good morning, Sam. Sabay na tayong pumasok." Nakangiting aniya.

Hindi pa na proseso sa utak ko ang nangyare nang hawakan niya ang kamay at hinila na ako palabas. Wala sa sariling napatingin ako sa kamay namin. He's holding my hand. Anong kinain nito at bakit ito nagkaganito?

Tuloy, hanggang sa nakarating kaming school ay magkahawak kamay kami. Ilang beses ko pa yung sapilitang kinuha sakanya pero mas lalo lang niyang hinigpitan ang kapit.

"Sa cafeteria na muna tayo. I know you haven't yet eaten your breakfast. "

" A-ano kase—"

" No buts, come on. " Putol niya saakin kaya wala na akong nagawa.

Natagpuan ko nalang ang sarili ko na kasama siya sa isang mesa habang kumakain. Nasa kalagitnaan na kami ng pagkain nang biglang may tumili papalapit saamin.

" Oh my gosh!! " Tili palang kilala ko na. Si Karen.

" What is the meaning of this? " Tanong naman ni Karylle.

" Can't you see? Wala ng LQ ang manok natin! " Sagot pa ni Claine kay Karylle.

Silang tatlo ay naki upo na sa amin at pinagkatitignan kami. " Ano?" Tanong ko.

Pero hindi sila sumagot, bagkus ay binaling nila ang tingin nila kay Caleb. " Anong nakain nyo? " Tanong ni Claine kay Caleb.

" Breakfast? " Hindi siguradong sagot ni Caleb kaya natawa silang tatlo.

"Anyways, bat nandito ka Caleb? Why are you with our friend? Hindi ba magagalit girlfriend mo?" Maya-maya'y sunod-sunod na tanong ni Karen. Bakas na mukha niya ang seryoso.

"Mima is not my girlfriend."

"Gross. Don't ever mention her name cause it's so nakakadiri!" Sabi ni Claine.

"Pardon." Si Caleb.

Umalis si Karylle para mag order ng breakfast nilang tatlo. Kaya naiwan sina Karen at Claine na puro nagtatanong kay Caleb.

"So bakit nga kayo laging nagkasama ng babaeng yun?" Inis na tanong ni Karen.

Walang nagawa si Caleb kundi ang sabihin nalang ang lahat. Pwede naman siyang manahimik nalang pero mas pinili niyang sabihin nalang. Mula sa nung nag transfer si Mima, hanngang sa yung pag utos sakaniya ng director of school.

"Aware kabang nilalandi ka ng babaeng yun?" Si Claine.

Umiling si Caleb. "Im too focused on my study to even notice that."

Sana nga. Be a man in your own words, Caleb. Not a man in every words.

The Jerk Who Stole Her First Kiss (Bitches Series 1) COMPLETEDWhere stories live. Discover now