Chapter 14 - The Wilds

2.3K 75 0
                                    

"N-no, wait!" Binaklas ko ang hawak ni Lyko sa mga braso ko. "I don't want to go back yet!"

Namewang ang kausap kong medyo blurred sa paningin ko, "You are so drunk." At umiling iling.

I sighed and sat on the chair next to me and made a puppy look, "Please? Ang unfair naman kung iuuwi mo ako tapos nagsasaya kayo rito."

"How is it unfair?" Rinig ko ang pagkalibang sa tono niya.

"E kasi! Sobrang lungkot ko na nga nitong mga nakaraang araw." Suminghot ako, "Ngayon nalang ako makakapagsaya tapos tututulan mo pa? Nanay ba kita?"

"No." He chuckled.

Umismid ako, "Right. Because I don't have a mom."

Namayani ang sandaling katahimikan sa'ming dalawa. Malakas parin ang ugong ng musika pero di ko halos marinig sa ginawang pagtitigan namin ni Lyko.

He squatted in front of me and held my hand. His gesture made my heart skip a beat.

"I'll let you stay here but you will behave. Okay? I don't want to see you going around drinking again. Please sober up." Mahinahon niyang sabi at bahagyang pinisil ang kamay ko.

I looked at our hands. Nang mapansin niya ang pagtingin ko ay inalis niya iyon.

"Okay." I whispered.

Tumayo siya at ginulo ang buhok ko tapos ay umalis. I sighed and rested my head on the table. Dahil sa kalasingan ay nakaidlip ako ng tuluyan.

Nagising na lamang ako sa gulat nang makarinig ng malakas na tili. Agad akong napaupo at tumingin sa paligid. Lights and music were turned off. Napuno ng bulungan ang buong venue.

What happened? Power interruption? Pero naayos naman lahat kahapon, a? Anong oras na ba? Baka pinapauwi na kami ng King.

I stood up and scanned the dancefloor to look for familiar faces. Kinakabahan ako sa lamig na dulot ng gabi at sobrang katahimikan. Though, the lights are off, nakakakita parin naman ako kahit konti dahil sa liwanag na dala ng buwan.

Buti nalang ay nawala na ang kalasingan sa sistema ko. I walked around to look for them. Muntik akong mapamura nang may malamig na kamay ang humawak sa hubad kong likod.

"Holy-- Sir Erix!" Bulalas ko.

His face remained serious, "Where are your friends?"

Nilibot ko ang tingin, "I don't know. Hinahanap ko rin sila."

Tumango sya and I noticed how nervous he looks, "Okay. I called a carriage to send you home. If you see it, leave immediately."

"Why? Tapos na ba ang kasiyahan?"

"Yes!" His voice raised a bit. Agad naman siyang nakabawi, "It's the king's order."

Tumango ako kahit na nagtataka. We were told that it's up to us whenever we want the party to end.

Suddenly, a loud bang jolted me in my position. Kumalat ang kaba sistema ko at nilibot ang paningin. The darkness from the riverside not far from us screams danger.

Nagkumapyot ang mga trainees sa braso ng isa't isa lalo pa nang may biglang lumipad na kulay puti sa itaas namin. Some screamed and scramble to hide under the tables.

I gasped when I realized what it was.

"I-it's a person! Erix!" Nanginig ang mga kamay ko sa takot.

I couldn't be mistaken! Sigurado akong tao ang biglang tumilapon!

Biglang nagkagulo sa buong ganapan. People started screaming and running while I remained frozen in my feet. What the hell just happened?

Underworld WarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon