Kasalukuyang tinatahak ng itim na kotse, kung saan ako nakasakay, ang makitid na kalsada sa ilalim ng mga punong kahoy. Wala akong nakikita kahit isang bahay na nakatayo at wala rin akong naririnig na kahit ano maliban sa ugong ng makina.
Halos dalawang oras na kaming bumabiyahe sa daang hindi namin alam kung may patutunguhan ba dahil sa haba. It's like we're in the middle of nowhere.
"Manong, malayo pa po ba?" medyo naiinip kong tanong habang nakatingin sa labas ng bintana, pinagmamasdan ang dahan-dahang pagpatak ng ulan.
Si manong Edd ay ang family driver namin kaya siya ngayon ang naghahatid sa akin papunta sa Wormwood Academy.
"Hindi ko din po matukoy ma'am. Ang sabi lang ni sir sa akin ay sundan ko lang ang kalsadang ito at may makikita tayong signage sa gilid ng daan na nakasulat ang pangalan ng school niyo. Sundan lang daw po natin iyon at makikita na natin ang malaking gate." mahabang paliwanag ni manong.
"Okay po." tipid kong sagot.
Bumalik ang nakakabinging katahimikan sa loob ng kotse. Naaalala ko na naman ang sinabi sa akin ni papa kanina sa bahay.
"Anak," tawag sa akin ni papa kaya nilingon ko siya. Nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha bago nagpakawala ng buntong-hininga.
"Pagpasok mo sa paaralang 'yon ay mababago ang katauhan mo. Hindi ka mag-aaral doon bilang si Hurricane Cromwell."
Napakunot ang aking noo sa sinabi ni papa.
"Magiging si Yuri Gustavo ka. Mas makakabuti kung papasok kang ordinaryo lamang. At kaya kita ipinasok sa Wormwood Academy dahil meron kang isang napakahalagang misyon, anak."
Mas lalong nangunot ang aking noo sa narinig.
May misyon ako?
"What mission 'pa?" kinakabahan kong tanong sa aking ama. Ito ang unang beses na may misyon akong gagawin at hindi ko alam kung anong magagawa ko. Hindi pa nga ako nagsisimula pero pakiramdam ko'y sobrang mahihirapan ako. Ano nga ba ang kaya kong gawin?
To think that my dad enrolled me to a hidden school for very rich people and knowing that all of the students there are the heirs and heiresses of different businesses and empires, alam kong hindi basta-basta ang misyon na gagawin ko doon.
My heart raced fast at the thought. Napatingin akong muli kay papa.
" Ano pong kailangan kong gawin?"
"You have to find the culprit that stole the book, the forbidden book. You will be a spy there and you have to make sure that no one will know that you are spying and looking for a thief."
Halos hindi pumasok lahat sa utak ko ang mga sinabi ni papa. Ngayon pa lang ay sumasakit na ang ulo ko. Bakit kailangan ko itong gawin? At kung kailangan talaga ay bakit ako ang gagawa?
"Wait dad. I don't understand." naguguluhan kong sambit. "What kind of book are you looking for po ba? And why does it have to be me?"
I heard him sigh. Hinilot ni papa ang kanyang sentido.
"Yuri, anak. Alam kong nahihirapan kang intindihin ang mga bagay-bagay sa ngayon ngunit pagdating mo doon ay unti-unti mo ring makukuha ang ibig kong sabihin. Wala ka pang masyadong alam sa mundo ng business at sa mga anomaliyang nakatago sa ilalim nito kaya ipinapadala kita roon. So you have to be smart and sharp because in the world of business there are bunch of people who will be eager and determined to knock you out and possess your wealth."
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?