Habang nasa biyahe pabalik ng Maynila ay bigla kong naisipang buksan ang cellphone ko. It's been days since I used this because I was to focused on our mission.26 messages and 30 missed calls from Papa
30 missed calls from Mama
2 messages from Nicola and...
5 messages from Gio?
Oh. Himala. Ang dami namang message ni Gio sa'kin at umabot pa ng lima. Super himala. Did he missed me that much?
Una kong binasa ang messages ni Papa at puro iyon pangungumusta at pag-aalala. How did he even know that I'm not in Wormwood these past few days?
Oh. He has lots of connections. Nothing to be surprised about, Yuri.
I immediately dialed his number. Unang ring palang nito may sumagot na kaagad.
"Hurricane Cromwell, what in the hell do you think you're doing?" bungad kaagad nito sa'kin. Alam kong nagpipigil na siya ngayon na pagtaasan ako ng boses.
Bumuntong-hininga ako. "Pa, I'm fine, we're fine. Pabalik na po kami sa Wormwood Academy ni Abigail ngayon. There's nothing much to worry about."
Narinig ko ang pagsinghal ni Papa sa kabilang linya. "Dumiretso ka dito sa bahay. We need to talk. No buts, no questions." That was his last words before ending the call.
At kapag ganyan na ang tono ng pananalita niya, wala na akong magagawa kundi sumunod dahil alam ko na ang kasunod na mangyayari. It's either pagagalitan niya ako o mawawala ang allowance ko for the whole month.
Marahas akong napabuga ng hangin dahilan para liparin nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa mukha ko.
"Was that your dad?" tanong ni Abigail na nasa tabi ko.
Tumango ako. "Diretso raw tayo sa bahay." walang gana kong sabi.
"Bakit daw?"
Nagkibit-balikat ako. "Hindi ko rin alam." Narinig ko ang pagbuntong-hininga ni Abigail.
"Manong Edgar, diretso po tayo sa bahay ng mga Cromwell." utos niya sa driver.
"Yes ma'am."
Dahil malayo ang probinsya ng Santa Rosa mula sa Maynila ay inabot kami ng ilang oras sa daan bago makarating sa bahay. Tinatamad akong bumaba ng kotse nang makapasok sa loob dahil sa mahabang oras na pag-upo. Pagbukas ko ng pinto ay kaagad na bumungad sa'kin ang walang ekspresiyong mukha ni Papa. Kaagad naman akong niyakap ng mahigpit ni Mama.
"Oh goodness, you're safe."
Niyakap ko siya pabalik. "We're safe, mama. Pumunta lang talaga kami do'n ni Abi kasi inalam namin ang tungkol sa bahay ampunan na suportado ni Mr. Alvarez. Wala naman po kaming ginawa na ikakapahamak namin." I console as I rub her back gently.
Humiwalay si Mama sa pagkakayakap sa'kin at hinawakan ang magkabilang braso ko.
"Pero sana man lang pinaalam mo sa amin ng Papa mo. Delikado pa rin yung ginawa nyo na basta-basta nalang kayong pupunta do'n."
"Huwag na po kayong mag-alala, 'ma. Can't you see? We're here in front of you, alive and kicking." ngumiti ako.
Bumuntong-hininga si Mama at iginiya kaming maupo sa sofa. Ngayon ay kaharap namin si Papa.
"Kung hindi lang tumawag sa'kin si Benedict, hindi ko pa malalaman na nasa probinsya na pala kayo. Did I forgot to tell you before to stay in touch with me, Hurricane?" naningkit ang mga mata ni Papa.
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?