Chapter 4

12 2 0
                                    


Start na ng klase namin ngayong araw kaya naman inagahan ko talaga ng gising. Parang time-lapse lang 'yong mga nakaraang araw sa sobrang bilis. Ni hindi ko na nalibot ang buong school. But it's okay, I have lots of time to spend here.

Sinipat ko ang aking sarili nang maisuot ko na ang uniform ko. Maganda. Dark green ang kulay ng coat na may puting polo na panloob. Ganoon din ang kulay ng palda na hindi lalagpas sa tuhod ang haba na may dalawang puting lining sa baba kaya kinailangan ko tuloy magsuot ng cycling shorts sa ilalim. Nagsuot din ako ng mahabang itim na medyas upag itago ang aking mga binti at black shoes.

Inilugay ko lamang ang itim at mahaba kong buhok na umaabot sa'king bewang saka nagsuot ng puting garter headband na may cute ribbon sa aking ulo. All in all, bagay na bagay siya sa'kin. Para akong anime.

Nag-spray na ako ng perfume bago isinukbit ang mamahaling puting shoulder bag sa balikat saka lumabas ng kuwarto. Matapos kong i-lock ang pinto ay nagpakawala muna ako ng isang malalim na hininga habang mahigpit na nakakapit ang isang kamay sa shoulder bag.

I held my head high.

Wooh! Alright, Yuri. First day of school, first day of mission. Step #1: Befriends with everyone.

Ngumiti muna ako at akmang magmamartsa na sana paalis nang biglang may narinig akong sumipol.

"Napaka-GANDA naman ng morning ko." sabi ng boses sa likod ko saka ko naman narinig ang pagsarado ng pinto.

Paglingon ko ay nakita ko na naman ang pinaka-guwapong peste na sisira ng umaga ko. Mukhang imposible talagang maging kaibigan ko ang kumag na 'to.

"Good morning, Gio."

Saglit siyang natigilan sa naging pagbati ko. Syempre naman isang malaking himala 'yon 'no! Kung wala lang akong misyon 'who you'  'to sa'kin ang manyak na 'to.

Mukhang natulala na si Gio dahil hindi siya kumukurap habang nakatitig sa'kin at nakaawang pa ang bibig kaya lumapit ako sa kanya. Tumingkayad ako upang maabot ng aking bibig ang kanyang tainga saka bumulong, "Pretty, right?"

Nagpakawala ako ng isang mapaglarong ngiti.

Saka lang siya natauhan dahilan upang siya'y mapakurap ng ilang beses. I heard him cursed but it wasn't clear because he almost whispered.

"G-Good morning uhmm--" napakamot siya saglit sa kanyang ulo.

"Yuri. Yuri Gustavo." Ako na ang tumapos sa kanyang sasabihin.

"By the way, I have to go. Ayokong ma-late sa first class ko. See you around." Paalam ko sa kanya bago nagtungo sa elevator.

Hindi naman siguro ako  masyadong feeling close sa kanya 'no? Feeling ko naman ay nakabawi rin ako sa pambubuwisit niya sa'kin sa elevator.
-

Paglabas ko ng elevator ay agad kong hinanap ang classroom ko. Napapatingin ako sa taas na bahagi ng mga pinto habang naglalakad. Nagulat na lamang ako nang mabunggo ko ang isang babae. Nalaglag ang bitbit niyang dalawang libro.

"Oh my gosh! Miss, I'm so sorry. Hindi ko po sinasadya, sorry talaga." paumanhin ko habang tinutulungan ko siyang pulutin ang mga libro niya ngunit agad niyang tinabig ang kamay ko.

"Don't you ever lay your filthy fingers on my things." mataray niyang sabi saka tumayo.

"I'm terribly sorry." paumanhin ko ulit.

Ngunit sadyang mataray talaga ang babaeng 'to dahil tinaasan niya lang ako ng kilay. "Are you a newbie here?"

"Y-Yes."

"Kaya pala tatanga-tanga." Inirapan niya ako.

"Tabi! Huwag kang haharang-harang sa dinadaanan ko." naglakad siya at tinunggo ang balikat ko.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now