Chapter 13

15 2 0
                                    


"Bessy, wala ka talagang sasabihin sa'kin?" narito ngayon sa harap ko si Nicola, kasalukuyan akong ginigisa tungkol sa nangyari noong RPF.

Pang-limang beses ko na itong buntong-hininga dahil ayaw niya akong paniwalaan.

"Wala nga 'yon. Nagkataon lang na hindi kita agad nakita sa field kaya siya nalang yung hinila ko." walang gana kong sagot. Limang beses ko na ring sinagot ang tanong niyang paulit-ulit lang.

"Alangan naman si Samantha ang hilahin ko."

Pakiramdam ko'y mga magulang ko ang kaharap ko ngayon at nahuli nila akong may jowa. Dinaig niya pa si papa.

Bumuntong-hininga siya saka nangalumbaba.

"Sa bagay."

Ilang sandali lang ay tinitigan niya ulit ako.

"Pero bakit ang tagal na nakatitig ni Gio sa'yo?!" nagulat ako sa biglaan niyang pagtaas ng boses.

"Hindi ko alam! Jusko, Nicola! Dinaig mo pa ang tatay ko!"

Nangalumbaba siyang muli sa mesa at ngayo'y nilalaro ang kanyang dalawang hintuturo.

Mukhang may kailangan na akong ipa-admit sa mental.

"Huwag mo na ngang isipin yun. Parang mas bothered ka pa kesa sa'kin." sabi ko.

Tumingin siya sa'kin, nilalaro pa din ang mga daliri.

"Hindi naman sa gano'n. Ngayon lang kasi namin nakitang ganyan si Pres."

"What?" ang tanging nasabi ko dahil wala akong maintindihan.

Tumuwid si Nicola at umayos sa pagkakaupo.

"Noong mga freshmen pa lang kami dito, mailap si Pres sa mga tao maliban sa nag-iisang kaibigan niya. Si Troy. Pero simula noong dumating ka, nakikita naming unti-unti na siyang nagiging colorful."

"Colorful?" natawa ako sa term na ginamit niya.

"Yes, colorful! I mean, paminsan-minsan na siyang ngumingiti, nakikipag-usap na din sa iba at alam mo ba? Ikaw lang ang babaeng malayang nakakahawak at kumakaladkad kay Pres." sabi niya.

Bahagyang nangunot ang aking noo. "Wala ba siyang girlfriend dati?"

Nagulat ako nang bigla niyang hampasin ang mesa. "Naku! Mukhang ikaw pa yata ang magiging una!"

"Ha? Ang assumera mo naman." napangiwi ako sa sinabi niya.

Tumingin ako sa wristwatch na nasa kamay ko at tumayo.

"O, saan ka pupunta?" tanong ni Nicola.

Isinukbit ko muna ang bag sa balikat bago sumagot. "Punta na ako sa dorm. Magre-review pa ako para sa prelim."

Marahan kong tinapik ang balikat niya saka umalis.

Habang naglalakad patungo sa elevator, bigla akong nakatanggap ng text mula kay Gio.

SSC PRES:

Come to the office immediately.

Awtomatikong kumunot ang noo ko. Nagtataka man ay sinunod ko na lamang ang kanyang utos. Ako rin naman ang malalagot kapag hindi ako pumunta.

Pagkarating ko sa opisina ay nakita ko ang nagkalat na mga papel sa ibabaw ng mesa ni Gio. Nakahiwalay na sa folder.

"Ano yan?" tanong ko at agad na lumapit upang matingnan ng maigi ang mga papel.

"Diba ito yung mga documents na pina-organize mo sa'kin noon?" kunot-noo kong kinuha ang isang papel na naglalaman ng mga litrato noong nakaraang RPF.

Nakita kong tumango si Gio.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now