Chapter 25

2 0 0
                                    

ARTHUR already received the papers sent by Jack at alam niya na ngayon ang lahat. All he need to do is to find evidence and save his daughter.

This is the mission he gave to Yuri before, to find evidence, which is the forbidden book. But everything messed up.

Siguro ito na ang tamang oras para siya naman ang kumilos. Hurricane already did her part.

And it's time to do mine.

Kumuha ng coat si Arthur mula sa closet niya at isinuot ito. Ngunit bago pa man lumabas ng silid ay saglit siyang napalingon sa drawer malapit sa kama. Lumapit siya rito. Binuksan niya iyon at kinuha ang baril na matagal na niyang itinago.

Saglit niya itong pinasadahan ng tingin saka inilagay ng mabuti sa loob ng kanyang coat. Lumabas na ng silid si Arthur at nagtungo sa garahe. Binuksan niya ang kotse at pumasok ngunit bago niya ito paandarin ay mayroon siyang tinawagan.

"Get ready." He said to the other line. Matapos no'n ay pinaharurot niya ang kotse at nagtungo sa lugar na napag-usapan nila ni Regor.

SA BODEGA na kinalalagyan ni Yuri kung saan nandoon din si Gio ay kasalukuyan itong nasa labas, may kausap sa telepono.

"Hello Mike, can you do me a favor?" mahinang boses ni Gio.

Nakarinig siya ng pag-ungol mula sa kabilang linya. "Dude, kakagising ko lang. Puwede bang mamaya na lang? Maliligo pa ako, eh."

"This is urgent."

"Hindi talaga ako puwedeng maligo?"

Hindi mapigilan ni Gio ang mapapikit ng mariin. Hindi ito ang unang beses na humingi siya ng pabor kay Mike ngunit masasabi niyang ito ang unang beses na hihingi siya ng napakalaking pabor.

"I really need your favor right now, Mike. Promise, babawi ako ng double pa sa hinihingi ko kapag natapos na ang lahat ng 'to."

Narinig ni Gio ang pagbuntong-hininga ni Mike.

"Alright. Mukhang mas seryoso 'to kesa noon. So, how may I help you this time?" seryosong tanong nito.

"We both know you're a handsome, skilled pilot." panimula ni Gio.

"Oh, nambola pa. Kelangan mo ng serbisyo ko?"

"Uhuh. I'll send you the address and the exact time kung saan mo kami hihintayin."

"Kami? May kasama ka?" nagtatakang tanong ni Mike.

"I'll explain it to you later. For now, we have to hurry because we're running out of time."

"As in right now?!" hindi makapaniwalang sambit nito.

"Oo naman. Is there any problem? Babayaran kita."

"Hindi pa nga ako naliligo! Putcha--" hindi na natapos pa ni Mike ang sasabihin nang putulin iyon ni Gio.

"In 30 minutes. I'll send you the address." And after that, he ended the call kaya naman hindi na nagkaroon pa ng pagkakataon si Mike na pumalag.

He feels sorry for his friend na bagong gising lang at hindi pa nakakakain at nakakaligo but what really matters to him most right now is to escape Yuri from his ferocious father.

Ito ang unang beses na susuwayin niya ang kanyang ama at handa siyang tanggapin ang galit nito kapag nalaman nito ang kanyang pagtataksil.

Bumalik si Gio sa loob ng bodega at nadatnan ang mga tauhan ng kanyang ama na lasing na lasing.

Si Nognog ay kasalukuyan ng nakayuko sa mesa katabi ng isa nilang kasama na nakaakbay sa kanya. Yung dalawa pa nilang kasama ay nakahandusay na sa sahig at humihilik. Tanging si Junjun nalang ang natitirang gising ngunit alam niyang hindi magtatagal ay babagsak na rin ito dahil kung ano-ano na ang pinagsasabi at unti-unti nang humihina ang boses.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now