Chapter 24 ( Part 1 of 2)

1 1 0
                                    

Gio

I immediately stormed out of the house. Gamit ko ngayon ang kotse ko. Yes, I have my own car. I earn money on my own.

Papunta ako ngayon kay Yuri. I have to talk to her. Hindi kasama sa plano ko ang saktan siya. Kinuha ko siya para tulungan si daddy na makaharap ang daddy niya, yun lang.

Noon pa ma'y plano na ni Dad na makuha ang kompanya ng mga Cromwell at ubusin ang yaman nila bilang ganti sa sinapit ng mga magulang at kapatid niya noon. Lahat ng utos niya sinunod ko dahil naaawa ako sa kanya na hanggang ngayon nasasaktan pa rin siya sa pagkawala ng pamilya niya pero hindi ko hahayaang umabot siya sa puntong papatayin niya ang taong mahalaga sa'kin. Ayokong mawalan ulit ng kaibigan.

13 years ago...

I was seven years old that time at dahil nga bata, gustong-gusto kong maglaro noon sa park malapit lang sa subdivision na tinitirhan namin.

Nakakalabas lang ako ng bahay kapag wala si daddy kaya noong time na nagpaalam siya sa'kin na aalis siya at mawawala siya ng isang buwan labis akong natuwa kasi ibig sabihin no'n palagi akong makakalabas ng bahay. But at the same time, nalulungkot ako kasi wala na naman ulit siya. Palaging busy sa work si dad mula pa man noon. Ni halos wala na siyang oras para sa'kin. Kahit nga um-attend sa mismong parent's day namin sa school at sa graduation ko hindi niya nagawa.

"Gio, aalis lang muna si daddy, ha?" he lowered himself para pantayan ako.

"Saan po kayo pupunta, daddy?"

"Pupunta lang ng Canada si daddy para sa business trip niya."

"Kailan po kayo babalik?"

"Siguro mga isang buwan pa bago ako makauwi kasi malayo yun."

"That long?" malungkot kong saad pero tipid siyang ngumiti sa'kin at marahang hinaplos ang aking buhok.

"Don't be sad, Gio. Promise, pag-uwi ko bibili ako ng pasalubong para sa'yo. Naaalala mo ba yung malaking car na gusto mong ipabili sa'kin?"

Tumango ako ng ilang beses bilang sagot.

"Bibilhin ko yun para sa'yo."

My face lit up when I heard what he said.

"Talaga po?"

He nodded. I jumped in joy and excitement.

"O siya, sige na. Aalis na ako. Magpapakabait ka kina manang, ha?"

"Opo!"

Pag-alis ni daddy, kaagad kong sinabi kay yaya na pupunta kami sa park at wala siyang nagawa kundi pumayag dahil mapilit ako. Yun din ang araw na nakilala ko si Riri.

Pagdating namin doon ay nakita ko siyang nakaupo at nakasandal sa ilalim ng malaking puno kung saan din ang favorite spot ko habang nagbabasa ng libro. Naging favorite ko yun kasi may buhangin at nakakapagsulat ako ng kung ano-ano kaya naman kaagad ko siyang nilapitan.

"Bata, Anong ginagawa mo?" tanong ko ngunit hindi siya sumagot sa'kin o lumingon man lang kaya mas lumapit pa ako at tumayo sa harap niya.

"Bata bingi ka ba?" Hindi pa rin siya sumagot kaya nainis ako at kinuha ko ang librong binabasa niya. Doon siya nag-angat ng tingin sa'kin at nakita kong namumula ang kanyang mga mata. Napagtanto ko rin na basa ang mga pahina ng libro.

"Umiiyak ka ba?" Yumuko lang siya at hindi ako sinagot.

"Bakit ayaw mong magsalita?"

Dahil sa inis, aalis na sana ako do'n nang biglang sumigaw yung isang batang lalaki na nagba-bike.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now