Gregorio Dirham
"Dad, nagawa ko na po."
"Good job, son."
Hindi ko mapigilang mapangiti dahil sa magandang balita na aking narinig.
"Time really flies. Hindi ko akalaing mapapaaga ang pagkuha natin sa kanya."
Lumingon sa akin ang anak ko. "So, what's the next plan?"
Napangiti ulit ako. "Just wait and see. Alam kong sa mga oras na ito makakarating na kay Arthur ang balita na nawawala ang anak niya at sigurado akong magkukumahog iyon para maghanap."
Ininom ko ang konting alak na natira sa baso bago muling tumingin kay Gio. "Nagkamali siya sa ginawa niyang desisyon. Niloko niya ako. Niloko niya tayo. Akala ko papayag na siya na ibenta sa'tin ang kompanya pero hindi. Hindi!"
Hindi ko napigilan ang aking mga kamay at marahas na ibinato ang hawak na baso sa dingding dahilan para mabasag ito.
"Dad, calm down."
"No, Gio! How can I calm down kung ang Arthur na iyan ang sumisira sa lahat ng mga plano ko?!"
"Dad, just relax. Okay? We have her daughter now. At gagamitin natin siyang alas laban kay Mr. Cromwell. Makakapaghiganti rin tayo sa kanya."
Sinubukan kong pakalmahin ang sarili. Tama. Hindi dapat ako magpadala sa galit ko. I can do whatever I want with Arthur's daughter kapalit ng kompanya niya.
"I need that company. Malaking pera yun kapag napasa-akin ang kompanya niya. And I will make sure na kukunin ko ang lahat sa kanya. Pahihirapan ko siya gaya ng kung paano kami pahirapan ng ama niya noon. Uunahin ko ang anak niya at pagkatapos ay ang asawa niya, ang pera niya hanggang sa magmakaawa siya sa'kin na ibalik ko ang pamilya niya kapalit ng kompanya nila."
Nanlilisik ang mga mata ko habang madiin na binibitawan ang mga salitang iyon. Hindi ko mapigilan ang namumuong galit ngayon sa dibdib ko. All I want is revenge. Maagang nawala sa'kin ang mga magulang at kaisa-isa kong kapatid ng dahil lang sa ganid na pamilya ng mga Cromwell.
Pinahirapan nila kami kahit wala kaming kasalanan sa kanila.
"Parang awa niyo na ho, Don Feliciano. Nagmamakaawa po ako sa inyo... Huwag niyo pong kunin sa amin ang lupa namin.. Iyon nalang po ang natitira sa amin at hindi po namin alam kung saan kami pupunta kapag nawala iyon sa amin... Parang awa niyo na po..."
Nakadungaw sa bintana mula sa labas ang batang si Regor habang pinagmamasdan ang lumuluhang ina na nagmamakaawa sa harap ni Don Feliciano Cromwell.
Nakaluhod ang ina sa sahig na magkadaop ang dalawang palad habang ang Don ay nakatayo lamang. Hawak ang kanyang tungkod.
"Ano nga ulit ang pangalan mo?" tanong ng Don.
"S-Sonya ho... " humihikbing sagot nito.
"Ang asawa mo ba'y isa sa mga magsasaka ko?"
"O-Opo. Si Delio ho... "
Saglit na natahimik si Don Feliciano.
"Bibilhin ko ang lupa ninyo at babayaran ko kayo ng sapat na pera upang makapag-simula muli. Kailangan ko ang lupa ninyo para sa bagong negosyong itatayo ko."
"Pero Don Feliciano, dito na ho kami lumaki at tumanda kasama ng dalawa naming anak. Hindi ron ho namin kayang iwan ang buhay namin dito. Masaya po kami dito sa Santo Tomas.."
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?