NANG MARINIG ang mga putukan ay mabilis na kumilos ang mga pulis na kanina pa pala nakapaligid sa abandonadong paaralan. Hinihintay lamang nila ang go-signal ni Arthur.
Pinalibutan kaagad nila ang lugar na kinalalagyan nina Arthur at Regor kasama ng mga tauhan niyang may hawak na baril.
Marami ang bilang ng mga pulis kung ikukumpara sa kanila kaya imbes na lumaban ay pinili na lamang nilang itaas ang mga kamay.
Sobrang sama ng tingin ni Regor kay Arthur habang hawak ang kanang braso na natamaan.
"Ibaba nyo ang mga baril ninyo at huwag kayong kikilos ng masama!" sigaw ni Officer Morata na siyang nangunguna sa kanila.
Nakipagsukatan ng tingin si Regor at ang kanyang mga tauhan sa mga pulis ngunit makalipas ang ilang segundo ay sumenyas na siya sa kanyang mga tauhan na ibaba ang kanilang mga baril. Dahan-dahan naman silang nagtaas ng mga kamay at gano'n din ang ginawa ni Regor.
"Mr. Gregorio Dirham, kailangan nyo pong sumama sa'min sa presinto."
Hindi umimik si Regor kaya sumenyas na lamang si Officer Morata sa kanyang mga kasama na i-posas ito. Hindi nanlaban o nagpumiglas si Regor ngunit masama at mariin siyang nakatingin kay Arthur na para bang sinasabi nito sa kanya na 'hindi pa ito ang katapusan, may araw ka rin sa'kin'.
Ipinasok na si Regor sa loob ng patrol car at bago umalis, sumaludo muna kay Arthur si Officer Morata. Isang tipid na ngiti ang iginanti ni Arthur dahil kasalukuyan niya pa ring iniinda ang tama sa kanyang tagiliran ngunit bigla siyang napatayo nang maalala ang nangyaring pagsabog kanina.
Paika-ikang naglakad si Arthur palabas ng abandonadong paaralan upang hanapin kung saan sumabog kanina ngunit hindi pa man siya nangangalahati sa dinadaanan ay kagaad na sumalubong sa kanya ang isang pulis. May dalawa pa itong kasama na kalalabas lang din galing sa isang maliit na bodega hindi kalayuan mula sa kanila.
Hinihingal ang mga ito na humarap sa kanya.
"Sir Arthur, wala po ang anak ninyo sa loob."
Kaagad nangunot ang noo ni Arthur. "Anong wala? Anong ibig nyong sabihin? Nandoon ang anak ko!" pakiramdam niya'y sasabog na ang puso niya sa sobrang pag-aalala.
"Sir, hinalughog na po namin ang buong bodega pero wala po talagang bangkay ng anak ninyo o kahit trace man lang po na nandoon siya. Limang kalalakihan lang po ang nandoon sa loob at patay na po sila." hinihingal na sagot ng isa.
Parang binuhusan ng isang balde ng malamig na tubig si Arthur sa narinig. Hindi niya alam kung ano ang gagawin.
Ang anak ko...
"B-Baka naman nakatakas siya! Hanapin nyo siya! Hanapin ninyo ang anak ko!" maluha-luhang sambit niya.
Tumalima naman kaagad ang tatlong pulis at muling naghanap sa buong paligid ngunit nang bumalik sila kay Arthur ay gano'n pa rin ang naging sagot nila.
Tuluyan nang bumagsak ang mga balikat ni Arthur at tila ba nawalan na siya ng lakas.
Hurricane...
"Sir Arthur, pinapangako ko ho na hahanapin namin ang anak ninyo. Hindi po kami titigil sa pag-iimbestiga. Sa ngayon po, kailangan nyo na munang umuwi. Babalitaan ho namin kayo kaagad kapag may nahanap kaming impormasyon tungkol dito." paninigurado ng isang pulis upang kahit papaano ay maibsan ang pag-aalala ni Arthur pero kabaliktaran iyon sa nararamdaman niya ngayon.
He just can't help but worry about her only daughter. He has many questions in mind but he just can't voice it out because of too much emotion.
-
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomansaGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?