Yuri
Nagising ako mga bandang alas nuebe na ng gabi kaya naman humihikab akong napabangon mula sa kama at nakita ang dalawang brown na supot sa center table. Sumilay kaagad ang munting ngiti sa mga labi ko.
Tumayo ako at kinuha ang mga iyon upang initin sa microwave oven. Iniwan ko muna saglit ang pagkain at kinuha ang cellphone ko sa kama para i-text si Gio.
Me:
Ty for the food, pres :)
After I hit the send button ay bumalik ako sa microwave oven para kunin ang ngayo'y mainit na pagkain. I prepared a plate for myself and sat on the cold floor in front of the center table. Susubo na sana ako ng pagkain nang biglang tumunog ang cellphone.
Gio:
To the old library in Laterria. Tomorrow, 9am.
Nangunot kaagad ang noo ko sa naging reply ni Gio sa'kin. Anong meron? Kahit text lang ang nababasa ko ngayon but I can hear his authoritative voice in my mind.
Kaagad akong nag-type ng reply sa kanya.
Me:
Care to tell me why?
Wala pang ilang segundo ay nagreply na siya.
Gio:
I have something important to tell you.
Hindi ko mapigilang ipilig ang ulo ko dahil sa pagtataka. Gio sounds so serious. Malayong-malayo sa manyak at loko-lokong nakilala ko from the very start. Nagtataka man, ipinagpatuloy ko na lamang ang pagkain. Whatever it is that he wants to tell me, I must know.
-
Kinabukasan, maaga akong pumasok sa klase ayon na rin sa schedule ko at ang malaking bunganga ulit ni Nicola ang sumalubong sa'kin. Niyakap naman ako ni Patrick na kaagad hinila ni Nicola dahilan para mapaupo ulit ito sa kanyang upuan.
I can sense some fishy jealous here.
Kahit nagkaklase at nagsasalita si Miss Rivera sa harap ay hindi pa rin napigilan nito ang pagdadaldal ni Nicola sa pamamagitan ng pagbulong sa'kin. Kinukuwento niya kung gaano ka-boring at strikto si Bill bilang tutor niya pero wala na raw siyang pake kasi guwapo naman at macho, plus moreno. Hindi tuloy ako makapag-focus sa lesson.
Pagsapit ng alas nuebe which is dismissal namin ay dali-dali na akong pumunta sa lumang library na sinabi ni Gio sa text niya kagabi. Inaya pa ako nila Patrick at Nicola na pumunta sa Cafeteria para sa break time pero tumanggi kaagad ako. Sinabi ko na lang na may pupuntahan pa ako sandali at susunod na lang.
Pagdating doon ay huminto muna ako sa harap ng double door ng library at tatlong beses na huminga ng malalim. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Para kasing hindi ako handa sa anumang sasabihin ni Gio sa'kin.
Mariin akong pumikit and for the last time, nagpakawala ako ng isang napakalalim na hininga bago lakas-loob na itinulak ang pinto. Pagpasok ko sa loob ay pawang katahimikan ang sumalubong sa'kin at ang lumang amoy ng mga libro at iba pang kagamitan. Inilibot ko rin ang paningin sa paligid ngunit wala si Gio. Siguro nauna lang ako ng konti sa kanya.
Dahan-dahan akong naglakad patungo sa mesang gawa sa narra. Naaalala ko noon, dito kinuha ni Gio ang chocolate na ibinigay niya sa'kin na inakala kong Shadow Treats.
Dito ko rin nakita si Troy na pumasok sa...
Napalingon ako sa bookshelf na nasa kaliwang bahagi. Dyan ko nakita noon si Troy nang buksan niya ang nakatagong pinto sa likod nito.
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?