Chapter 8

11 2 0
                                    


The box of chocolate is still a mystery to me. I didn't open it yesterday because I was afraid that it has poison but I didn't throw it on the garbage anyway. Nilagay ko lang siya sa mini-ref ko para hindi matunaw.

May naiisip kasi akong gawin. Hindi ko puwedeng basta nalang itapon iyon nang walang nalalaman.

Tumunog ang wall clock na nakasabit sa ding-ding ng kuwarto ko, hudyat na 7:30 na ng umaga. Tuwing 7:30 AM iyan tumutunog dahil 8:00 AM ang first subject ko. Lumabas na ako at ni-lock ang pinto.

And to my surprise, kalalabas lang din ni Gio sa kuwarto niya. Tiningnan ko siya ngunit nag-iwas lang siya ng tingin. Magsasalita na sana ako ngunit nauna na siyang maglakad sa'kin patungo sa elevator kaya nagkibit-balikat na lamang ako.

Pumasok na din ako sa elevator at sa totoo lang, napaka-awkward ng atmosphere. Hinayaan ko ang katahimikang namamagitan sa aming dalawa at humalukipkip sa gilid.

Pakialam ko ba sa cold treatment ng Gio na 'yan. Close ba kami? Araw-araw naman 'yang ganyan. Akala mo kung sino, eh siya nga itong may kasalanan sa'kin. Kung hindi dahil sa kanya hindi ako mapupuyat at hindi mati-trigger ang NDS ko. Edi sana hindi ako nahimatay kahapon.

Palihim akong napairap sa ere.

Wala man lang balak mag-sorry.

Kahit pekeng sorry lang tatanggapin ko at least nag-sorry siya, eh wala nga. Hanggang sa makarating kami sa ground floor, walang imik si Gio.

Kung kapatid ko lang ang kupal na 'to matagal ko ng binangasan. Masyadong high.

Dumiretso na ako sa classroom. As usual, bunganga na naman ni Nicola ang sumalubong sa'kin, katabi niya si Patrick. Hindi na din bago sa'kin yun dahil araw-araw ng ganyan si Nicola. Match na match talaga sila ni Patrick eh. Feeling ko nga may namumuo nang love story sa dalawang 'to hindi lang sila aware.

Dumating na si Miss Rivera, ang teacher namin sa Human Resource Management. Sa lahat ng subject teachers namin, itong si Miss Rivera lang yata ang kalmado magturo. Hindi ko pa nakitang nagalit siya sa'min kahit minsan may mga classmates akong late pumasok, late mag-submit ng projects, hindi natatapos ang mga PowerPoint presentations, at marami pang iba. But I've never seen her nagged about anything, not even once. She's always composed and relaxed when it comes to lecturing her students.

And that's what I love about her including that she's really beautiful, inside and out.

Our class started with a pop quiz. And when I say pop, that means everyone is surprised. Marami ring nagrereklamo kesyo hindi raw sila nakapag-review at iyong iba naman ay wala talagang natutunan.

Nakapasok na sa Wormwood at lahat-lahat, nagrereklamo pa rin.

Paano ba nakakapasok dito yang mga studyanteng may ganyang klase ng pag-iisip? Pera? That's so pathetic.

Miss Rivera handed over the quiz papers from front to back.

"Oh my gosh. Sana naman pagpalain ako ngayong araw." sabi ni Nicola habang nakatingin sa itaas at magkadikit ang dalawang palad.

"Bessy, tulungan mo akong magdasal." dugtong niya habang nakapikit.

"Good luck to us, guys." I said.

Nakarating sa amin ang papel na sasagutan. Napakunot kaagad ang noo ni Miss Rivera nang makita niya ang ginagawa ni Nicola.

"I hope your prayers will be answered, Miss Villarin."

Tumawa ang mga classmates namin kaya napamulat ng mata si Nicola. Lumipat naman ang tingin ni Miss Rivera sa katabi namin. Si Patrick.

Panay ang hilik nito at rinig na rinig iyon ng guro. Kung ako siguro ang teacher mag-uusok na ang ilong ko sa galit at palalabasin ko ang isang 'to pero ibahin niyo ang teacher namin, sobrang bait.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now