"Abi, na-inform mo na ba?" tanong ko sa kanya."Oo."
Napabuntong-hininga ako bago sumandal sa headboard ng kama.
"Kelangan ko ng lumang newspaper." sabi ko na ipinagtaka niya.
"Para saan?"
"Naaalala mo ba dati yung nangyari dito sa Santa Rosa, three years ago? Wala ka bang nabasa sa mga newspapers or napanood sa tv?" tanong ko na mas lalong nagpakunot sa noo niya.
Saglit siyang nag-isip. "Ah! Yung sinasabi nilang maraming namatay na mga bata dahil nalason raw? Tapos may iba namang kabataan na naging agresibo at parang nabaliw sa hindi malamang dahilan."
Tumango ako. "Oo, tapos base sa mga ina na in-interview dati, may Feeding Program daw na naganap noon sa gymnasium malapit sa Santa Rosa Elementary School at sa naalala nila, ang huling kinain ng mga bata ay ang mga chocolates na bigay mula sa isang company na nag-sponsor noon sa paaralan. Balita ko'y naging masama ang reputasyon ng kompanyang yun dahil sa nangyari at pina-imbestigahan ng mga pulisya at ibang media ngunit bigla na lamang nahinto ang imbestigasyon at ibinaon sa limot ang nangyari matapos ang isang buwan. Sa tingin mo, bakit kaya gano'n nalang kadaling ipasara at kalimutan ang kaso sa kabila ng napakaraming buhay na nawala at nasira?"
Mas lalong napaisip si Abigail sa sinabi ko.
"Hindi ko rin alam. Baka binayaran ng may-ari ang mga pulis kapalit ng pananahimik nila. Gano'n naman palagi, eh." kunot-noo niyang sagot. "Pero anong konek no'n sa misyon natin ngayon?"
Ngumiti ako sa kanya at umiling. "Maghanap muna tayo ng newspaper bago ka magtanong."
Nauna akong lumabas ng kuwarto at hinanap si Tita Rosette. Kaagad ko siyang nilapitan.
"Uhm, Tita Rosette. May mga lumang newspaper po ba kayo na hindi na ginagamit?" Napalingon ito sa akin habang naghuhugas ng mga pinggan.
"Bakit mo naman naitanong, hija?" tanong nito at muling ibinalik ang atensiyon sa ginagawa.
"Gusto ko lang po sanang hingiin kasi may school project po kami. Kelangan naming mag-conduct ng research at gumawa ng report tungkol sa mga incidents or any health tragedies na nangyari three years ago." pagdadahilan ko at bahagyang ngumiti. The smile that never failed to fool anyone, I say.
"Ay, mukhang meron ako niyan. Teka, kukunin ko lang sa kuwarto ko sandali." Nagpunas siya ng mga kamay gamit ang suot na apron saka nagtungo sa kuwarto niya.
Pagbalik niya ay marami na siyang dalang newspapers.
"Heto, hija. Tingnan mo lang ang mga ito at baka may mahanap ka dyan. Naghalo-halo na ang mga iyan kasi matagal na rin yang nakatambak sa kuwarto ko. Sa pag-iisa ko ba naman ng tatlong taon, eh yan na lang ang naging isa sa mga naging libangan ko, ang magbasa ng dyaryo." kuwento nito.
"Maraming salamat po dito, Tita Rosette. Malaking tulong po ito sa'kin." Nagpaalam ako sa kanya na babalik na sa kuwarto upang masimulan ang idinahilan kong research.
Namamanghang nakatingin sa'kin si Abigail pagpasok ko sa kuwarto. "Ibang klase."
Tumawa ako. "Hindi naman gano'n kahirap maghanap, Abi lalo na't medyo close ko na si Tita Rosette." pagyayabang ko.
"Bakit hindi ko man lang naisip na may mga newspapers pala si Tita?!" bulyaw niya sa sarili kaya lalo akong natawa.
"Tulungan mo nalang akong hanapin ang balita tungkol sa nangyari dati. Malaki ang maitutulong no'n sa gagawin natin bukas."
Ilang minuto kaming nagtiyaga na isa-isang basahin ang mga dyaryo. Inabot na kami ng hapon hanggang sa may mabasa ako na talagang kumuha ng atensiyon ko.
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?