Chapter 10

14 2 0
                                    


Nakaraming lagok na ako ng tubig dahil binabagabag ako sa aking mga nalaman kanina. Hindi ko magawang mapakali dahil sa maraming katanungan na umiikot ngayon sa utak ko.

Kailan pa ako nagawang ipagkasundong ipakasal ng mga magulang ko? Bakit wala man lang silang sinabi sa'kin? At bakit sa isang anak pa ng sindikato?

Kung sa isang desenteng mayaman naman nila ako ipapakasal ay maiintindihan ko dahil baka gusto nilang i-expand ang business namin but I can't really get the point here.

Ngayong alam ko nang may kinalaman sina Gio at Troy sa illegal business na iyon at alam nila kung nasaan nakatago ang libro, sisikapin kong mapalapit sa kanila dahil malaki ang magiging papel nila sa misyon ko.

Naaalala ko dati ang pag-uusap nilang dalawa sa fountain na kung kinakailangang paibigin ni Gio ang babaeng iyon ay gagawin niya para lang hindi mawala sa kanila ang iniingatang libro. I am sure that the girl they talked about was me. It was fully confirmed earlier. Pwede ko rin gamitin ang paraan na 'yon sa kanya ngunit mahirap kunin ang tiwala ng isang Gio Lancelot.

Napabuga ako ng hangin at uminom ng tubig.

Pagsisikapan ko.

Tumayo ako at napatingin sa orasan. 6:35 na ng gabi at sobrang dilim na sa labas. Banayad lang ang hangin na pumapasok sa kuwarto ko habang isinasayaw no'n ang mga dahon ng mga halaman. Kahit papaano ay nababawasan nito ang bigat na nararamdaman ko.

Naglakad ako patungo sa terrace upang damhin ang hangin kasabay ng pagkapit ko sa railings ay ang dahan-dahang pagpikit ng aking mga mata. Ilang segundo akong nanatiling ganon nang bigla na lamang akong nakarinig ng ingay mula sa ibaba. Kaagad kong naimulat ang aking mga mata dahil sa pagtataka at napatingin kung saan nanggagaling ang ingay.

Nakita ko ang ilang mga studyanteng nagsisigawan na parang may nakita silang katakot-takot na bagay at ang iba naman ay hindi magkamayaw sa pag-iyak habang may binabanggit na pangalan.

Hanggang ngayon ay nagtataka pa din ako sa sarili ko. Simula kasi noong kainin ko yung tsokolateng ipinadala sa akin ay mayroon nang nagbago sa'kin. My senses got sharp. Kahit nasa fifth floor ay naririnig ko sila.

"Si Taffy! Hindi namin alam kung anong nangyari sa kanya!" rinig kong sigaw ng isang babae.

"Taffy! Taffy! No please!" iyak naman ng isa pang babae.

Para akong nabuhayan ng dugo nang marinig ko ang pamilyar na pangalang binanggit nila kaya dali-dali akong kumuha ng makapal na hoodie sa closet at patakbong lumabas ng kuwarto dala ang susi. Ilang beses kong pinindot ang button ng elevator at wala akong sinayang na segundo nang magbukas ito.

Hindi ko alam kung bakit ganito na lamang ang reaksiyon ko gayong hindi ko naman kilala ang sinasabi nila. Hindi ko mapigilan ang labis na pagtahip ng dibdib ko.

Nang makarating sa ground floor ay tumakbo ulit ako patungo sa labas ng building kung saan nagaganap ang komosiyon. Huminto ako saglit upang habulin ang aking paghinga. Nakita ko sa di kalayuan si Nicola na nakatayo lang at parang wala sa sarili habang kinakausap ni Patrick ngunit parang hindi niya naman naririnig ang mga sinasabi nito. Nilapitan ko silang dalawa.

"Yuri!" tawag sa akin ni Patrick nang makita niya ako.

"Anong nangyayari?" usisa ko.

Tumingin muna si Patrick kay Nicola bago bumaling sa akin. Nagpakawala siya ng isang buntong-hininga.

"Wala na si Taffy."

Para akong binuhusan ng isang baldeng malamig na tubig nang maalala ko kung sino si Taffy. Siya iyong babae na nakabangga ko noong mga nakaraang araw na may dalang mga tsokolate.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now