Chapter 21

8 2 0
                                    

Nararamdaman ko na ang mainit na hininga ni Gio kaya naman hindi ko napigilan ang sarili ko. Tumili ako nang napakalakas dahilan para magising siya at napabalikwas kaagad ng bangon.

"Magnanakaw! Nasaan ang sunog?!" sigaw niya at natatarantang inilibot ang tingin sa paligid. Gulat siyang napatingin sa'kin nang makita ako.

"Yuri? What are you doing here?" nalilitong tanong niya. "Ikaw ba yung sumigaw?"

"Sino pa ba? Tsaka, anong 'what are you doing here' ang pinagsasabi mo dyan? Eh ikaw nga itong nagpapunta sa'kin dito!"

"I did? As in ako talaga?" kunot-noo niyang itinuro ang sarili dahilan para dumako ulit ang mga mata ko sa katawan niya.

Inirapan ko siya. "Bago ka magtanong, magbihis ka nga muna. Ano ba! Amoy alak ka pa, ang bantot mo!" tinakpan ko ang aking ilong gamit ang isang kamay.

Totoo namang amoy alak siya pero biro lang yung mabantot. Ayoko lang makipag-usap siya sa'kin na ganyan ang hitsura niya kaya mas mabuting maligo muna siya.

"Don't talk to me like that, Gustavo. Baka nakakalimutan mong President mo'ko." paalala niya.

Lumingon ako sa kanya at tiningnan siya mula ulo hanggang paa.

"Look at yourself. Tingin mo maituturing ka pang President niyan kapag nakita ka ng ibang studyante na ganyan ka lala ang hitsura mo? Siguro sa ibang babae at sa fan girls mo, oo, pero ako? Hindi. Kaya puwede ba 'Pres' maligo ka muna?" pinatigas ko ang mukha ko at mariin siyang tinitigan kahit ang totoo gusto ko nang tumawa.

Sino ba namang hindi matatawa sa isang lalaking kaharap mo na mukhang ginahasa imbes na siya dapat ang may nagahasa. So epic.

"Fix yourself, then I'll talk to you like you are the most respected and honorable Student Council President in Wormwood Academy." sabi ko saka tumayo at nagtungo sa kusina.

"Fine." matigas niyang sabi.

Nakita ko siyang pumasok na sa banyo kaya nama'y naghanap ako sa refrigerator ng maaaring kainin o lutuin.

"Talagang rich kid eh, 'no. Kahit tree house my ref, hanep." sabi ko sa sarili at kumuha ng mga gulay. May naiisip na akong lutuin para sa almusal.

Habang ihinahanda ko ang mga ingredients ay bigla nalang kumalam ang sikmura ko kaya naman mas binilisan ko pa ang paghihiwa ng mga gulay. Sanay na sanay akong lutuin ang recipe na 'to kasi ito yung pinakaunang itinuro sa'kin ni Mama na lutuin when I was 15.

15 minutes had passed and it was already cooked. Sakto naman at lumabas na si Gio mula sa banyo kaya mabilis ko iyong isinalin sa bowl at nagsandok ng kanin. Nilagay ko ang mga iyon sa mesa pati na rin ang mga pinggan na pagkakainan namin kaya lang nang humarap ako ay muntik ko ng mabitawan ang mga plato.

"What the f--"

"Oh, do you really curse?" putol ni Gio sa sasabihin ko.

Tinaasan ko siya ng kilay saka taas noong naglakad patungo sa mesa.

"What the fresh veggies. I was about to say that, epal." inirapan ko muna siya bago umupo.

"And yet you're still talking shits to me." suminghal siya bago naupo sa kaharap kong silya.

Muli na namang akong napatingin sa kanya at napairap. "Wearing nothing but slocks and towel with a dripping wet hair? Wow, very respectable." I said sarcastically.

Imbes na magalit o mainis ay nakita ko ang nakakalokong ngisi ni Gio habang sumusubo ng pagkain.

"Bakit? Nadi-distract ka ba? I can wear a shirt if you want pero ayoko eh. Wala naman tayo sa labas, ikaw lang naman ang makakakita sa'kin. So, get a full glance for yourself." pagmamayabang niya.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now