Cromwell's Residence
Arthur's POV
Hirap na hirap na ang utak ko kakaisip kung papaano gagawan ng paraan ang problema sa kompanya namin. The three siblings offered me a big amount of money and now I'm having a second thought.
It's really hard to decide kasi naiisip ko palagi ang pangakong binitawan ko noon kay papa, na kahit anong mangyari hinding-hindi ko isusuko ang kompanyang pinaghirapan niya. Alam niya na darating ang araw na gagambalain ako ng magkakapatid na iyan at hindi nga siya nagkamali. Napakapursigido ng tatlo na bilhin ang kompanya namin.
"What now Arthur?" rinig kong sambit ng asawa ko na kasalukuyang nasa aking harapan. "Kinukuha na ng mga investors ang perang in-invest nila at mahihirapan na tayong ibalik iyon. Masyadong malaki ang halaga, nagpull-out na nga tayo ng ibang empleyado."
I heaved a deep sigh. "Mahina na rin ang supply natin. Ewan ko, hindi ko na alam. Sina Mr. Lim at iba pang shareholders, gusto na nilang ipagbili ang kompanya. It's really hard for me to decide lalo na't maraming mawawalan ng trabaho." sabi ko at napahilot ako sa aking sentido.
"But Celestina, I think we have to do this. I think I have."
Napatingin sa'kin ang asawa ko na may pagtataka. "Ang alin, Arthur?" bahagyang nangunot ang noo nito.
Nagpakawala ako ng malalim na hininga. "I know that I made a promise to Papa, but right now I have to make my own decision for the sake of the company,"
Lalong nangunot ang noo ni Celestina. "What do you mean?"
"Tatanggapin ko ang alok nila."
Marahas siyang napatayo sa sinabi ko. "What? Nababaliw ka na ba, Arthur?! You can't do that! Magagawan pa natin iyan ng paraan!"
"But how, Celestina? Papaano natin magagawan ng paraan kung ang mga shareholders na mismo ay gusto nang kunin ang shares nila at pati na rin ang malalaking investors natin? Papaano mo gagawan ng paraan kung sira na ang imahe natin sa mga malalaking stores na sinu-supply-an natin dahil hindi na sila satisfied sa mga produkto natin? Hindi na rin magagawa ng pondo natin na bumili ng mga bagong makina kasi kailangan nating i-prioritize ang utang natin kay Mr. Lim. Alam mo na kung saan ako pupulutin kapag hindi ako nakapagbayad kaagad."
Naihilamos ko ang dalawang palad sa aking mukha. "Hayop talaga iyang kapatid mong si Ralph. Alam kong may kinalaman siya sa pagsira sa kompanya ko. Gaganti ako Celestina." mariin akong tumingin sa asawa ko. "Pero sa ngayon, gagawin ko muna ang unang plano ko."
Tumayo ako at kinuha ang coat na nakapatong sa ibabaw ng kama. Isinuot ko ito saka nagtungo sa pinto.
"Saan ka pupunta? Anong gagawin mo?"
"Just sit and watch, Celestina." I answered without looking back.
Tuluyan na akong lumabas ng kuwarto. Kaagad akong nagtungo sa garahe upang kunin ang kotse ngunit biglang nag-ring ang cellphone ko.
"Mr. Aguilar," bungad ko. Nakarinig ako ng mahinang paghinga mula sa kabilang linya.
"Kumusta Arthur? Napag-isipan mo na ba ang alok ko sa'yo?"
Bahagya akong tumawa. "Of course, Mr. Aguilar. Napag-isipan ko ng tanggapin ang inaalok mo."
I heard him chuckle. "You're so brilliant, Arthur. You really made a great choice. I'm so happy."
Tss. Sa ngayon, ikaw muna ang wagi, Aguilar.
"Don't say too much, Mr. Aguilar. I know you're a busy person so let's not make this too long. Magkita nalang tayo sa opisina ko."
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?