Natapos na ang weekend pero hindi ko pa ulit nakikita si Gio. Hindi rin ako bumaba kahapon para tulungan silang mag-ayos sa ground para sa RPF. Nagdahilan lang ako na masama ang pakiramdam dahil kinukulit ako ni Vanessa sa text.Parang ayoko pang makita si Gio. Mula kasi no'ng tanggapin ko ang chocolate na binigay niya ay hindi ko na maintindihan ang sarili ko. Nalaman ko kasing hindi pala Shadow Treats ang mga 'yon kundi isang mamahalin at imported na chocolate. Hindi ko alam pero natutuwa ako at nahihiya din sa sarili dahil nararamdaman ko ito.
First time kong makaramdam ng kaba habang nag-aayos sa harap ng salamin. Bakit ba?
Hindi ko maintindihan kung bakit labis-labis ang pagtahip ng dibdib ko gayong hindi naman na ako umiinom ng kape.
Tumayo ako ng maayos sa harap ng salamin at tinitigang mabuti ang sarili bago nagpakawala ng malalim na hininga.
Kalma. Tsokolate lang 'yon.
Nagtungo ako sa mini ref at binuksan iyon. Kinuha ko ang box ng chocolate na bigay ni Gio saka pumutol at mabilis na isinubo. Mariin ko itong nginunguya na para bang doon ko binubuhos ang lahat ng nararamdaman ko na hindi ko naman alam kung ano. Pagkatapos ay uminom na ako ng tubig at sinukbit ang bag sa balikat.
Ilang segundo akong nakatitig sa pinto, iniisip kung lalabas na ba ako o hindi. Paulit-ulit akong huminga ng malalim at mariing ipinikit ang mga mata.
Napaigtad ako sa gulat nang makarinig ng tatlong katok mula sa labas kaya lumapit ako sa pinto para buksan ito.
"Pakshi--- Gio!" nanlaki ang mga mata kong napatingin sa kanya dahil sa gulat.
Nakita ko siyang ngumiti. "Good morning. Nagulat yata kita." pakamot-kamot niyang sabi.
"Kapag ako nachugi, mumultuhin kita!" sabi ko sabay sara ng pinto.
Narinig ko siyang tumawa habang nakasunod sa likod ko.
"Sorry." labas sa ilong niyang sabi.
Lumingon ako sa kanya at masama siyang tiningnan.
"Bakit ka tumatawa?"
"W-Wala. Sasabihin ko lang naman sanang sabay na tayong bumaba." tumatawa pa rin siya.
"Tss." inis akong tumalikod at nagmartsa patungo sa elevator.
Marahas kong pinindot ang open button habang nakakunot ang noo. Pagbukas ng elevator ay iniwan ko siya sa labas at dali-daling pumasok sa loob.
"Uy teka lang!" hinarang niya ang kaliwang braso kaya bumukas ulit ang pinto.
Hindi ko siya tiningnan at nanatiling nakakunot ang aking noo. Ang saya niya ah.
Pumasok na siya sa loob at tumabi sa'kin.
"Akala ko ba friends na tayo. Bakit parang galit ka yata sa'kin?" tanong niya ngunit hindi ko pinansin. Nanatili akong tahimik sa gilid.
"Yuri." naramdaman ko ang pagsundot niya sa pisngi ko. Aba't chumachansing na rin.
"Huwag kang magulo."
Narinig ko ang pagbuntong-hininga niya. "Alam mo bang excuse tayong mga officers ngayong araw dahil sa RPF?"
"And?" tanong ko na mas lalong nagpakunot sa aking noo.
"Ibig sabihin pareho tayong libre." walang kuwenta niyang sabi.
"Anong connect no'n?"
"Sasabayan mo akong kumain! Don't worry, libre ko."
Ngayon ko lang nakitang ganito ka-energetic si Gio. Baka mahilig din 'to sa chocolates.
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
Storie d'amoreGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?