Nagdadalawang-isip pa ako kung kakainin ko ba itong mga pagkaing nakalagay sa mesa o hindi. Baka kasi mamaya may lason pa yan edi mababawasan na ang magaganda sa mundo.
Charot.
Hindi lang kasi ako sure kung sino talaga ang nagbigay nito eh. Though my ultra instinct is saying na posibleng kay Gio ito galing kasi nagso-sorry siya sa ginawa niya kagabi pero mukhang imposible din manghingi ng sorry yun. Halimaw yun eh.
But anyways, these are my favorite foods and I can't help but starve. At isa pa, napaka-thoughtful naman ng nagbigay. Paano niya nalamang ito ang mga paborito ko eh wala naman akong sinabihan kahit sila Nicola at Pat nga.
Aww.
Since excused naman ako sa first class, enjoy ko na lang 'to. Nag-umpisa na akong kumain. Napakasarap talaga! These are also my comfort foods when I am mad or sad. Fortunately, wala naman akong nalasahang masama o kahit na anong lason. So, this is safe.
While chewing, the door suddenly open. Pumasok si Gio sa loob at nagtungo sa kanyang mesa katabi ng akin. Hindi niya ako pinansin at nakasimangot lang niyang binuksan ang laptop niya.
Tumikhim ako.
"Uhm.. Gio, sa'yo ba galing 'to?" I was preferring to the food.
Napahinto siya sandali sa pagta-type at tumingin sa pagkaing hawak ko. Hindi man lang ako tiningnan. Ano bang problema ng lalaking 'to at napakabugnutin?
Ibinalik niya ang kaniyang tingin sa laptop. "Why would I do such effort? Girlfriend ba kita?" He said coldly.
Ouch. Ang sama talaga ng ugali nito kahit kailan. Sinabi ko bang jowa niya ako? Tinatanong ko lang naman bakit ba ikinagagalit niya?
"Just asking. I thought you were sorry of what you did last night but it seems that you're not. Hindi mo naman kailangang magalit." napairap ako sa ere.
"I didn't do anything to you last night. It's not my fault if you were nearly caught by the security." he said while his eyes is still on his laptop.
Napaharap ako sa gawi niya. Nakakainis. Talagang walang ka-amor-amor ang lalaking 'to kahit mag sorry hindi pa magawa. Tang ina talaga.
"I wasn't blaming you, Gio. Pero sana naman naisip mo yung hassle na naidulot mo sa'kin pagkatapos no'n. Palibhasa kasi wala kang paki sa mga tao sa paligid mo kaya ka ganyan!"
Humarap din siya sa'kin. His stares are getting colder.
"Why would I care? I have my own business."
"Hindi mo ako naiintindihan at hinding-hindi mo rin maiintindihan!" I'm totally pissed.
Sumasakit ang ulo ko sa hinayupak na 'to. There's no point on arguing with him. He can't even understand small things like this. He's so heartless.
Marahas akong tumayo para umalis ngunit bigla ko nalang naramdaman ang pagkahilo at pagkirot ng ulo ko.
"Shit." I muttered.
Napawak ang isa kong kamay sa mesa at isang kamay ko naman sa ulo ko. Bakit ganito? Huwag naman ngayon.
Pasakit ng pasakit ang pagkirot ng ulo ko at hindi pa rin nawawala ang pagkahilo ko kaya pinili ko nalang umupo ulit sa upuan ngunit dahil sa nanlalabo kong paningin ay hindi ko nagawang umupo ng maayos kaya nalaglag ako sa sahig at nauntog sa dulo ng matigas na mesa.
Mabilis na kumilos si Gio upang tulungan akong makatayo ngunit hindi ko magawa dahil sobrang nahihilo ako.
"Yuri, what's happening? Are you okay? Yuri!" Gio asked in concern but I can't see his face because my eyes were shut. I tried to open them but I feel nauseous because everything I see is spinning.
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?