Chapter 18

8 2 0
                                    

Kasalukuyan akong nasa harap ng pinto ng malaking opisina ni Mrs. Wormwood. Tatlong beses akong huminga ng malalim bago kumatok.

"Come in."

Pumasok ako at bumati sa headmistress.

"What brings you here, Ms. Gustavo?" she asked with a gentle smile. "Halika, maupo ka."

Ngumiti ako at sinunod ang sinabi niya. "Ma'am, magpapaalam po sana ako sa inyo."

"Ano yun?"

"Uhm, kung pwede po sana uuwi muna ako sa amin kahit three days lang po, ma'am."

Saglit na nagsalubong ang kilay niya. "Give me a valid reason why should I let you."

"Bibisitahin ko lang po ang parents ko. Please ma'am, kahit three days lang po." pagmamakaawa ko sabay pinagdaop ang dalawang palad.

Saglit siyang nag-isip at kalaunan ay bumuntong-hininga. "Since you are quite good in class and you have good grades, fine, I'll let you leave for three days." sabi niya na labis kong ikinatuwa. Malawak ang ngiti kong nagpasalamat sa kanya.

"Thank you very much, ma'am." nag-bow pa ako sa kanya dahil sa tuwa. "Sige po, mauna na ako."

Isang ngiti ang ibinigay sa'kin ni Mrs. Wormwood bago ako tuluyang lumabas ng kanyang opisina. Kaagad kong tinext si Abigail na success ang pagpapaalam ko. Masaya akong bumalik sa dorm para mag-impake ng ilang gamit.

Matapos maayos ang lahat ng mga gamit na dadalhin ko ay tinawagan ko si mama para kumustahin silang dalawa ni papa at masaya akong malaman na okay lang sila. Sa totoo lang, gustong-gusto ko ng umuwi sa'min pero sa ngayon, kailangan ko munang gawin ang dapat kong gawin.

Naging sandali lamang ang pag-uusap namin ni mama kasi tumawag raw si papa sa telephone kaya nangako na lang ako na uuwi sa bahay kapag maluwag na ang schedule ko. Hindi ko sinabi sa kanya ang tungkol sa plano ko sa misyon dahil ayokong dagdagan ang mga problema nila ni papa. Hindi man halata, pero alam kong hindi maganda ang takbo ng kompanya namin ngayon. Kung ano man ang maging desisyon ni papa, susuportahan ko siya. Pero tutulungan ko sila.

Napaigtad ako nang biglang mag-ring ang cellphone at nakitang tumatawag si Abigail. Sinagot ko ito kaagad.

"Hello, Abi."

"Yuri, okay ka na ba dyan?"

"Oo, pababa na ako."

"Sige, hintayin kita rito sa entrance."

Pinatay ko ang tawag at kinuha ang maleta na dadalhin ko. Nandito na lahat ng kailangan namin ni Abigail, handa na rin ako. Kinuha ko ang susi mula sa center table at lumabas na ng kuwarto. Maigi ko itong ini-lock pagkatapos ay nagtungo sa elevator. Nang makarating sa ground floor ay nakita ko kaagad si Abi sa entrance. Sinalubong niya ako ng ngiti.

"Handa ka na?" tanong niya.

"Handa na." lakas-loob kong sagot sa kanya saka huminga ng malalim.

"Tara na. Nandiyan na ang maghahatid sa'tin."

Nakita ko sa hindi kalayuan ang isang itim na kotse at ang naka-unipormeng driver nito. Ito na siguro yung sinasabi ni Abigail na driver nila. 

"Manong tara na ho." sabi ni Abi nang makalapit kami. Kaagad na tumalima si manong at kinuha ang mga bagahe namin upang ilagay sa likurang bahagi ng kotse. Matapos ay pinagbuksan niya kami ng pinto para makapasok.

Nagsimula nang umandar ang kotse. Sumaludo pa ang dalawang guwardia sa gate bago namin sila lagpasan.

Nakaramdam kaagad ako ng kakaibang ginhawa nang makita mula sa bintana ang mga punong kahoy at damo na isinasayaw ng hangin sa ilalim ng sumisinag na araw. Isa ito sa pinaka-paborito kong pagmasdan tuwing nasa labas o kaya nama'y nasa terrace ako ng kuwarto ko.

Wormwood Academy: The Lost Forbidden BookWhere stories live. Discover now