After that conversation with Mrs. Wormwood in her office, she immediately gave me the key of my room. Kasama na doon ang aking school ID at isang handbook ng school.
Mag-isa kong binabagtas ang daan patungo sa aking kuwarto sa fifth floor. I just asked one of the guards for directions.
Bumukas ang elevator kaya lumabas na ako at naglakad sa tahimik na corridor. Magkakaharap lang ang mga kwarto kaya medyo nalito ako kung saang kuwarto ko ba dapat ipapasok itong susi.
May sinabing direksiyon sa akin ang headmistress kanina.
Nagliwanag ang mukha ko nang makita ko na ang aking hinahanap.
I was about to insert the key in the keyhole when the door next to mine suddenly open. Kaya napaigtad ako sa gulat and unfortunately, the key slipped out from my hand.
So clumsy!
Napatingin ako sa sahig upang hanapin iyon ngunit hindi ko makita.
Where the fuck did that go?!
Ipinadyak ko ang isang paa sa inis.
"It fell under the flower pot holder." sabi ng malalim na boses ng lalaki sa aking likod.
Humarap ako sa pinanggalingan ng boses ngunit nagsisi din ng mauntog ako sa pader.
"Ouch." napahawak ako sa aking noo. "Bakit ba ang lapit ng pader sa---," napahinto ako at kinapa ang nasa aking harapan.
My eyes went wide when I realized that it wasn't a wall in front of me. It was the guy who came out from the other room! Hindi pader ang nakapa ko kundi ang malapad niyang dibdib!
Shit. Bakit ang tigas?
Minura ko ang aking sarili at napaatras dahil sa kahihiyan ngunit domoble ang pagsisisi ko nang mabangga ko sa likod ang flower pot malapit sa pinto.
Alam kong matutumba na ako kaya ipinikit ko na lamang ang aking mga mata at tinanggap ang kapalaran ko.
Anong kamalasan ba ang sumama sa'kin ngayong araw?
Ilang segundo na ang lumipas ngunit wala akong maramdamang masakit sa likod ko. Hindi ko din naramdamang bumagsak ako kaya dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata.
Nakita ko ang isang pares ng kulay abong mga mata at ang nakakunot nitong noo ay nagdagdag sa kanyang kaguwapuhan.
"Enjoying the view?" He smirked.
"Kapal."
Our face is just one inch away and I can smell his breath.
My cheeks heated kaya umayos ako ng tayo. Naaalala kong nasa ilalim pa ng flower pot holder ang susi ko kaya akmang kukuhain ko na sana ito nang magsalita ulit ang lalaki.
"You're so clumsy, miss. And if it wasn't because of me, your pretty ass might be hurting so bad right now. You should thank me." preskong sabi ng lalaki.
"Yeah, thank you." I answered, not minding his presence.
Ibinaba ko ang sarili ng konti upang kuhanin ang susi. Natuwa naman ako nang makuha ko na ito.
"Gotcha!"
Bubuksan ko na sana ang pinto nang marinig ko na naman ang kaniyang boses.
"That's it? Just a simple thank you? Parang hindi ko dama."
Napalingon ako dahil sa sinabi niya. "What? Damahin mo mukha mo."
Napataas ang isa niyang kilay.
"You know what, miss? I don't accept a simple 'thank you' from the people I just helped. Pili lang din ang mga taong tinutulungan ko."
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomanceGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?