Someone's POV
"Boss Junjun, pahingi naman ako ng sabaw dyan puro buto na lang ng manok yung nandito sa'kin, eh." reklamo ni Nognog.
"Nagrereklamo ka, Nognog? Palibhasa kasi puro ulam lang kinain mo, hindi ka na kumain ng kanin." pabalang naman na sagot ni Junjun.
"Mag-kanin ka, Nognog. May uod ka siguro sa tiyan kaya ka ganyan." dugtong ng isa nilang kasama.
"Paano nga ako kakain ng kanin eh naubos nyo na tapos wala pa akong plato. Ano ba naman yan!"
"Aba, sumasagot-sagot na ang batang ito ah!"
"Hindi ako bata. Yan ang hirap sa inyo eh, porket ang liit-liit ko kung ikukumpara sa inyo tinuturing nyo na akong parang bata."
"Hoy Nognog, huwag kang magdrama dyan. Ito may sampung piso ako, bumili ka doon ng kanin kay Aleng Puring tapos hingi ka ng sabaw. Diba may crush sa'yo yung anak niyang dalaga? Sigurado akong ililibre ka ng ulam non kaya sige na, punta ka na do'n."
Inilapag ni Junjun ang sampung piso sa mesa at padabog naman iyong kinuha ni Nognog at inis na nagmartsa palabas. Sa loob ng limang buwan na kasama niya sa trabaho sina Junjun at ang iba pa nilang kasama ay wala itong ginawa kundi puro pangmamaliit sa kanya. Gustong-gusto na niyang umalis sa trabaho ngunit hindi pwede dahil kailangan niya ng pera para sa pagpapagamot sa nanay niyang may sakit. Ito na lang ang pinakamabilis na paraan para makaipon kaagad siya ng pera.
Samantala, si Yuri naman ay unti-unti ng nagkakaroon ng malay.
-
Yuri
Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata ngunit muli rin akong napapikit dahil sa hilo. Mas lalo yatang sumakit ang katawan ko dahil sa pagbugbog sa'kin ng ama ni Gio.
Tsk. Wala siyang ginawa kundi panuorin ako kung paano saktan ng tatay niya. Ano pa nga ba? Eh peke lang naman talaga ang pakikipagkaibigan niya sa'kin. At ako naman itong si Tanga, naniwala agad kasi akala ko totoo na yung mga pinapakita niyang concern sa'kin. Parang nag-back fire lahat ng mga plano ko.
Mapait akong napangiti.
Sinubukan kong muli na imulat ng dahan-dahan ang aking mga mata. Nahihilo pa rin ako ngunit pinilit kong aninagin ang nasa paligid at nakita ko ang mga pangit na alagad ni Lucifer na kumakain sa maliit na mesa. Panay ang tawanan nila at napansin kong wala ang isa nilang kasama na si Nognog.
Biglang kumalam ang sikmura ko at gumawa ito ng tunog kaya naman mariin akong napapikit. Gutom na gutom na ako. Talagang balak na nila akong patayin.
Ilang minuto lang ang lumipas ay nakarinig ako ng paghinto ng isang sasakyan mula sa labas kaya awtomatiko kong naimulat ang aking mga mata.
Nandito na ulit si Lucifer.
At hindi nga ako nagkamali dahil biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang mag-ama. Unang dumako ang tingin nito sa mga tauhan niyang kumakain sa tabi at sinamaan ito ng tingin kaya naman nagkandaugaga sila na ligpitin ang kanilang mga pinagkainan kahit hindi pa sila tapos kumain. Nang makalabas ang mga tauhan nila Gio ay kaagad na lumapit ang kanyang ama sa'kin.
"Gising na ulit ang mahal na prinsesa. Talagang matibay ang sikmura mo, ano?" panunuya nito sa'kin ngunit kitang-kita ko ang nangangalit niyang titig na para bang gigil na gigil na siya at nagpipigil lang.
Tss. Bakit hindi niya na lang kaya ako patayin kaagad para matapos na 'to?
Hindi ko pinansin ang ama ni Gio. Bagkus ay tumingin ako ng diretso sa pader ngunit bigla niya na lamang hinawakan ng mahigpit ang buhok ko at pilit na inangat ang aking mukha.
![](https://img.wattpad.com/cover/362905888-288-k138937.jpg)
YOU ARE READING
Wormwood Academy: The Lost Forbidden Book
RomansaGiven a mission to find a stolen forbidden book, Yuri would meet her very opposite being, Gio. What would be their life along the journey?