Trigger Warning: Violence, sexual harassment, homophobia, and foul words.
No Trace
"Para 'yun lang?!" agresibong tulak sa akin ni Roger nang magkainitan din.
I pushed him back intensely and pointed at him. Humarang agad ang dalawa pa naming kaibigang kabilang sa grupo, pinapagitnaan kami dahil ramdam nilang nasagad ang pasensya ko.
"Ayus-ayusin mo ang biro mo!" I shouted angrily.
Natawa si Roger at nailing. "Babae ka ba, Rick? Para sa simpleng biruan nagagalit ka?"
I glared at him and tried to go to him closely, but my friends were eager to control the tension.
"Biro lang naman 'yon, Rick. Huwag nang seryosohin," si Sotto.
"Bading kasi 'yan kaya mabilis mapikon!" halakhak ni Roger.
Sa galit ko, gusto ko na siyang upakan. Hinila ni Rodney ang dulo ng t-shirt ko, si Sotto naman ang humawak sa akin sa braso.
"Halika dito, Roger! Ano? Sinong bading ngayon kung umiiwas ka?" ngisi ko at mayabang siyang tinanguan.
"Suntukan nalang! Ano? Halika!" I rolled each of the sleeves of my black t-shirt till my shoulder to tell him I'm up for a fucking physical fight, lalo na't talagang nahahamon ako.
Inilingan ni Sotto at Rodney si Roger. Humalakhak si Roger.
"Bumalik ka sa saya ng mama mo kung sa simpleng biro, pikon ka agad! Tang ina. Parang di lalaki!"
"Kaya nga lumapit ka dito nang magkasubukan kung sinong mas malambot! Ano? Hindi ka tinuruang sumuntok ng tatay mo? Baka ikaw ang bading dito!" I gritted my teeth and pulled Rodney's hand out of me. Tinapik ni Sotto ang balikat ko na tinabig ko rin.
"Tama na pre," si Rodney na medyo iritado.
Namaywang si Roger, ngumingisi at talagang mas umiinit ang ulo ko. Sa iritasyon, padarag kong kinuha ang bag sa upuan at isinuot iyon sa balikat.
"Ang init ng ulo," rinig ko si Roger, natatawa. "Anong nakakagalit sa sinabi ko?"
He's really asking that question? Motherfucker! Ayusin niya kamo ang biro niya. Tang inang bobo. Ang sabi ko, naranasan ko 'yang kabastusan ng mga bading at sasabihin ba namang tinira ko sana sa pwet bilang ganti? Gago siya!
Pagkalabas sa madalas naming tambayan, hinubad ko ang ID para makahithit ng sigarilyo. I needed to release my stress. Kung pwede ko lang balikan at wasakin ang mukha ni Roger, gagawin ko sa sobrang init ng ulo ko sa kanya.
Kinapa ko ang bulsa para hanapin ang lighter ko kaso tang inang kamalasan at hindi ko mahanap. I groaned unbelievably.
Rodney:
Tol, hayaan mo na si Roger. Sasama ka mamaya? Inuman! Ambagan tayo.
I scoffed at Rodney's text. Mukha niyo! Mga gago. Uminom kayo mag-isa. Hindi ko na nireply-an at nagtungo sa malapit na cafe sa labas ng school para makapagpalamig man lang.
I ordered my usual drink, which is cookies and cream. Ito ang takbuhan ko pag galit ako dahil matamis at nakakadistract.
"Anong pangalan, sir?" the girl at the front asked.
"Aldric," I said my usual name I'd use since Reagan is too intimidating. Bad boy looking at maangas na na nga umasta, Reagan pa.
Nangingiting tumango ang babae saka ako namulsang naghanap ng bakanteng upuan habang nagce-cellphone. I opened my Facebook app and noticed a new friend request coming from that newly accepted varsity player. 'Yung kulot din tulad ni Mavric.