Trigger Warning: Homophobia, vulgar language, violence, mention of sexual assault, mention of trauma, mention of rape.
—
NeverMommy:
We have dinner tonight with Simon. See you!
I sighed boredly. Wala naman akong magagawa kung may gusto siyang kilalanin. Kung mahal naman siya at hindi siya lolokohin, ayos lang.
Nasa unit ako, tamad na nakahiga at kakagising lang. I pulled myself up and sat at the edge of the bed as I crouched against my parted legs. I bit the pendant of my necklace while typing for a reply in the morning.
Rick:
Okay see you
Hinaplos ko ang buhok at pumikit. I should let her date. Ayos na rin iyong hindi siya naistress sa trabaho niya.
Nagbeep ang phone ko. Noong tiningnan ko, akala ko si Mommy kaso si Tyler pala. Pinindot ko ang text niya para mabasa iyon.
Tyler:
This one?
S-in-end niya sa imessage ko ang picture ng sapatos na gusto ko na Nike. Makulit eh. Gustong bumawi dahil baka na-offend ko daw sa pagtampal niya sa pwet ko kaya sabi ko kahit sapatos lang. Tinotoo ba naman.
Rick:
Oo. Ayos na 'yan. Salamat :)
Tyler:
Let's buy it later. Bibili din ako ng sweatbands sa Nike. I can't find mine.
Nagreply lang ako kung anong oras mamayang hapon saka rin lumabas para makapagjogging. Paglabas ko sa unit suot ang Nike pants at itim na hoodie, nakita ko ang batang lalaki na nakatayo sa pinto noong Aldrin, may dalang paper bag na may tatak na Greenwich.
Lumingon siya sa akin, agad na iritado, at sinamaan pa ako ng tingin. My brow raised while my steps slowed down as I looked at him back intensely and tried to scare the kid with my stare. Mga ganitong bata talaga ang masarap paiyakin.
Kaso maldito at mas sinamaan pa ako ng tingin. And what shocked me was that he raised his hand and showed his middle finger rapidly, while his expression looked more furious.
Aba't...akala siguro ng batang ito hindi ako pumapatol sa katulad niya? Tuli na ba 'to at ang tapang tapang? Baka ako pa ang tumuli sa kanya.
I also showed my middle finger to show him I am competitive. Nga lang, bumukas ang pinto ng unit at tumambad iyong Aldrin na lumipad agad ang tingin sa akin, ang mga mata ay napunta sa kamay kong pinapakyuhan ang batang lalaki na ngayon ay naibaba na agad ang kamay.
Aldrin glared at me with his furrowed brows. Napakurap kurap ako at nabawi ang kamay sabay bulsa noon sa hoodie ko.
"'Yang bubwit ang nagsimula," maangas kong reklamo.
"Ginawa mo 'yon?" Aldrin asked seriously and looked at the kid—probably an elementary student and his younger brother.
Sinamaan ako ulit ng tingin noong batang lalaki. I copied his eyes and glared back, but when Aldrin glanced at me, I calmed a bit.
"Rio," he warned the kid.
"Eh sabi mo...may kapitbahay kang siraulo kaya hindi ka makalabas. Siya ba 'yon? Eh mukha siyang siraulo eh." He glared at me again.
What? Ako...siraulo?
Now, I glared at Aldrin. Kumurap kurap siya at tumikhim, halatang hindi inaasahang sasabihin iyon ng kapatid niya saka niya hinawakan sa balikat at pinatuloy ito.