A big credit to Rodel Jammang, a licensed nurse and BL author, who provided me with the right information about HIV. Thank you so much!
WP account: JomGamerland
———Affection
Hindi lang ata ako ang masaya kinabukasan, dahil kahit si Mommy, tuwang tuwa at nagtatalon pa akong niyakap. At ang magaling kong ina, itinawid agad ang balita sa buong Vallejo kaya ang Facebook account ni Rin, dinumog nila.
I even posted a picture on that day too. My family members were all tagged, including Rin and Rio, and I made a simple 'Happy Birthday, Rin' as a caption. Everyone greeted him on the comment section. Naka custom din kasi ang post ko at puro lang friends ang nakakacomment, pero ang likes at share, marami.
Kahit ang cover photo ko, pinalitan ko ng picture naming dalawa ni Rin. Ang profile ko, kami rin dalawa. Ni hindi ko pinalampas na wala siya sa story at t-in-ag ko siya sa isang picture na si Rio ang may kuha, s'yempre kasali pa rin ako.
It was bombarded with lots of reaction not just from my friends. Alam ko namang dudumugin agad iyon, at s'yempre, hindi naman talaga magpapahuli ang mga hayop na kaibigan ko. Nangunguna pa nga ang pinakahayop.
Tyler Coast Cervando:
Relatives mong sinabing wala daw handa pero nagpost agad at ayaw ka lang talagang imbitahan be like:
Atty. Alfred Vallejo replied:
Sino ka ba? Vallejo ka ba?
Ronan Slade Veniel:
Takot na takot ka ba sa take-out na hindi ka talaga nang-imbita? Napaghahalataan ang pagiging patay-gutom sa pagkain, Rick.
Atty. Alfred Vallejo replied:
Pumunta ka sana para ikaw ang naibalot ko sa sako.
Conrad Norris:
Mass report niyo 'to. Dapat sa ganitong mga tao tinatanggalan ng karapatang makapag post sa Facebook. Mga makasarili.
Atty. Alfred Vallejo replied:
Sino ka ba para unahin namin kaysa sa sarili namin?
Marcella Angela Mercedes:
Traitor!!!!!!!!! Ang mga ahas akala ko nasa gubat lang, nasa circle mo din pala!!!!!
Atty. Alfred Vallejo replied:
Same feathers flock together.
Ako Si Rio II:
walang kredits! sana binlurd ko nalang pag pic o hindi ko sinali ulo niyo pakyu
Atty. Alfred Vallejo replied:
Rio send mo nga sa akin 'yung picture kong naka pakyu. Ipoprofile ko. Pangit ng naka suit. Parang naghahanda nang humiga sa kabaong.
Atty. Alfred Vallejo replied:
*Credits yon. Sino ba 'yang seatmate mo at parang ang bobo ng kinokopyahan mong bata ka?
Ako Si Rio II replied:
ok po tito hehe gwapo ka don
Ako Si Rio II replied:
nasa gin na po ng pamilya namin
Shiloh Ching Escarra:
Congrats! Hbd Denver. Ano flavor ng cake mo?
Atty. Alfred Vallejo replied:
Lasang nasa tamang tao na raw.
Reagan Aldric Vallejo: