Safe
I can fix myself. Alam ko kaya ko iyon. Hindi na kailangang si Rin ang umayos sa akin pag naging kami na. Hindi ko siya hahayaang buohin ako habang nasusugatan ko siya dahil lang basag pa ako.
Malinaw sa kanya ang gusto ko. I want to know him. Kung...hanggang kaibigan muna...tanggap ko ito sa ngayon. I will settle. Pero gusto kong paunti-unti naming kilalanin ang isa't isa, hanggang sa kusa siyang magdesisyon kung...karapat dapat na ba ako sa kanya.
Siguro nga, marami pa akong kailangan ayusin sa sarili ko. Marami pa akong kailangang patunayan. Marami pa akong hindi naiintindihan sa kanila.
But I am willing to take a step now. I am willing to move forward just to join him and to walk with him. I don't care if it will be that slow; I just want to be beside him so he won't feel alone anymore because he has me.
Natulala ako sa loob ng kotse habang ilang minutong pinag-iisipan ang lahat lahat. Nagpaalam na siya, ngunit talagang ang raming bumagabag sa isip ko.
Noong mahimasmasan, pinaandar ko ulit ang kotse ni Tyler. Palingon lingon ako sa front seat, nakikita siya roon sa isip ko at naalala ang pagtawa niya nang magbiruan kami tungkol sa nakita namin kanina—
Tang inang Mavric. Naalala ko tuloy. Kailan pa? Matagal na ba? Baka naunahan pa nito si Brent ah? Talagang sasabitan ko siya ng medalya.
Bumalik ako sa party. Ilang oras din pala akong nawala. Buti naman at hindi ko na nadaanan sa daan ang Land Cruiser at baka talaga magkalakas loob na akong businahan sila.
Marami pa ring tao lalo na sa pool area at meron na ring naliligo. May iilan naman na kaswal lang na nag-iinuman at nagtatawanan. Nakita ko pa si Shiloh na naka squat sa gilid kasama ang pumpkin basket niya at tutok na tutok sa chocolate na pinagbabalatan niya.
Lumapit ako lalo na't may mga inaabutan siya ng chocolate pag lumalapit sa kanya. His one leg was folded, while the other was resting straight. At katulad ng ginawa niya sa iba, nang tumigil ako sa harap, nag-abot agad siya ng chocolate.
"Rick," agap niya nang mapagtantong ako iyon. "Gusto mo?"
Umiling ako at yumuko para makalebel siya. Tiningnan ko ang laman ng basket niya. May mga perang papel nga at may five hundred pa kasama ng ibang chocolates.
Nag-amba kong ipasok ang kamay ko at gusto sanang tingnan ang limang daan nang mabilis niya ring ipinasok ang kamay niya, agad na dinakma ang imported na chocolate sa tabi ng pera.
"Paborito ko 'yan. Toblerone nalang sa'yo na maliit?" he bargained, which made me laugh.
"Ah hindi. 'Yung pera sana..."
Kumalma siya at tumango. "Gusto mo? Kunin mo. Bigay lang din 'yan ni Tyler eh." At talagang mas importante sa kanya ang mga chocolates, huh?
Tingnan mo nga 'yon. Inutus-utusan niya pa si Shiloh pero isa rin pala siyang mabibiktima. Tumikhim ako lalo na't iba rin naman ang sadya ko.
"May...nasasabi ba si Rin sa'yo?" tanong ko.
"Rin?" medyo lito siya habang binubuksan ulit ang chocolate.
Kinuha ko iyon sa kamay niya para buksan iyon. Tumunganga siya, nakatingin sa pagbubukas ko.
"Si Denver," ulit ko.
Kumurap siya at tumingin sa akin. "Bakit Rin?"
I shrugged. "Nickname..."
Itinagilid niya ang ulo niya. "Ah...kaya pala nagtatanong siya tungkol sa nickname. Kung...gumagawa ka ba ng nicknames sa friends mo. Sabi ko oo."