Friends
As usual, matao ang bahay nila Angela noong Halloween Party na. Maraming students ang pumunta at sa iba't ibang universities din galing 'yung iba. Ganoon ka kilala ang mga parties namin na talagang dinadayo.
Sinunod namin ang baduy na suggestion ni Tyler, iyong ghost. Nakabalot kaming boys sa kumot at may kanya kanyang shades. Sobrang childish pero kung kabilang ka sa grupo ni Brent, talagang masasanay ka nalang sa ganitong bagay.
Mabuti nalang, may inner costumes kami. Si Angela ang nag lagay ng paint sa mukha ko para magaya iyong gusto ko. I just paired it with an all black clothes so it would complement my chosen look too.
"Shi maglibot libot ka mamaya. Hingan mo lahat ng mga bisita para makabawi naman tayo sa gastusin. Manghingi ka ng treats. Pero pera dapat. Huwag chocolates," ani Tyler na ikinatawa namin at binatukan pa siya ni Brent.
"Itigil mo 'yang kalokohan mo," saway ni Brent.
"What? It makes sense! Marketing strategy, dude!" pagmamalaki ni Tyler.
Si Shiloh lang ang may pumpkin baskets sa amin. Hindi pa nga nagsisimula, puno na agad ang basket niya ng chocolates. At sino pa bang may gawa?
Noong dumarami na ang bisita, kanya-kanyang pasiklaban sa mga costumes nila na puro superheroes din, naging distracted na rin ako sa phone ko lalo na't hinihintay ko ang reply ni Rin.
Ang sabi niya, pupunta naman siya. O baka nagbago ang isip niya? Hindi pa naman 'yon mahilig sa party. Hindi yata mahilig sa masyadong matao na lugar. Introvert ba 'yon? Instead of overthinking about it, I typed a text for him.
Reagan:
Pupunta ka? Pwede kitang sunduin.
Hinubad din naman kami ang ghost costume namin lalo na't dumadami na rin ang mga bisita para iyong inner costumes nalang namin ang maiwan.
I joined the boys fun for a while since the familiar music 'Bow Chika Wow Wow by Mike Posner and Lil Wayne is already booming. Madalas itong pinapatugtog ni Con eh.
"Once I throw on this bow chika wow wow, whatchu gonna say? You act like you gon' leave, but I know that you gon' stay... Break it down dicky down, down...girl don't even play...Once I set the mood right I'ma make you sound like..." kanta naming boys habang swabeng nagv-vibe sa kanta.
We did a slow body roll after the chorus to match the beat, which made the girls giggle who were watching us while Angela recorded us.
Tumawa ako at tumigil na kakasayaw para tingnan ang phone ko, at nang makita ang reply ni Rin, talagang lumabas ako para tawagan siya pagkatapos mabasa ang reply niya.
"Hi Reagan..." bati ng mga girls na naka costume rin at hindi ko man lang kilala kung sino ang mga 'yon nang daanan ko sila.
I only nodded, smiled a little, then headed to the other side so I could hear him better. Ang ingay din kasi. Ang lakas lakas ng tugtog.
"Susunduin kita?" I asked as soon as he answered it, since he said he'd come.
"Papunta na ako. Nagtaxi lang ako," si Rin sa kabilang linya.
Tumingin ako sa may pool area. Wala pang gaanong naliligo. Siguro rin nasasayangan sa mga costumes nila eh may prize rin kasi.
"Hihintayin nalang kita sa labas. Sabihin mo sa akin para mabayaran ko ang taxi," sabi ko at itinuon ang tingin sa parking space, mas nakita ang pagdating ng iba pa habang nagpapark na rin ang isang itim Land Cruiser na agaw pansin.
"Huwag na—"
"Hi Reagan," ang panibagong bati ng grupo ng mga girls na humahagikhik nang makita akong nakatayo sa gilid ng hardin. Ngumiti ako ng kaonti ngunit ibinalik agad ang atensyon sa call.