Fight
Nagsisimula na ang concert. Dumarami na rin ang tao. Sa row namin, puno na. Kanya kanyang picture na ang iilan kaya kunot-noo ko ring tiningnan ang phone ko.
I glanced at him to see if he's having fun. Hawak niya ang phone niya at abala ring magpicture.
"Gusto mo picture-an kita? Whole body," I suggested. S'yempre sipsip.
"Huh? Wag na..." medyo natawa siya.
Hindi Rin. Ang gusto ko talaga tayo ang may picture. Kaso ayoko iyong isaboses. Baka sabihin niya masyado akong uhaw sa atensyon. Uhaw nga. Pero nakakapagpigil pa naman.
"Sige na. Pang story mo. Tapos i credit mo sa akin. Pwede mo akong imention..." pasimple kong suhestyon.
Humalakhak siya at umiling. Natatawa rin ako sa kalokohan ko pero seryoso talaga ako. Ilang buwan kong pinagseselosan 'yung picture nilang dalawa kahit dito man lang makabawi ako, 'di ba?
"Ah...sabagay... Useless din. Hindi tayo friends sa Facebook eh." Angat ng kilay ko ngunit marahan lang iyong sinabi.
"Mamaya nalang. I-aaccept ko," aniya.
Napabalik tuloy agad ang tingin ko sa kanya sa halip na ibabalik ko na sa harap.
"Talaga?"
He nodded. "Oo. Pa tag lang din ng pictures mo. Mas high quality yata ang sa phone mo."
Fuck. Happy Valentine's Day agad sa akin. Gusto yata ako nito eh. Napatingin tuloy ako sa phone ko. 'Yung latest kasi ng iPhone ang gamit ko. Binuksan ko agad ang camera at inilahad sa kanya.
"Ikaw na gumamit. Hindi ako masyadong nagvivideo pag concert talaga."
Tumingin siya sa phone ko. Kabado pa ako at baka mali na itong ginagawa ko, o sumosobra na ang kakapalan ng mukha ko, pero nang inilapag niya ang kanya at tinanggap iyon, parang aahon ako sa pagkakaluhod dahil sa ginawa niya. Hindi ko alam kung nakadapa ba ako sa isang 'to o lumilipad na sa sobrang gaan ng pakiramdam ko.
"Ayos lang?" tanong niya.
"Oo naman. Kahit ibato mo 'yan mamaya sa stage. Ayos lang."
Tumawa siya kaya ngiting ngiti ako. Naroon na agad ang atensyon niya sa phone ko, ginamit iyong pang video sa paligid. Inayos ko pa ang sarili ko at baka mahagip. Baka lang naman...
Noong lumabas na ang banda, hindi na yata siya lumingon sa akin. Ang lakas lakas ng tilian na kahit si Rin, ngumingiti na, manghang mangha.
Pansin ko sa kanya, kalmado siya. Pero may kakaiba sa titig niya na masasabi mong nag-eenjoy siya. Gusto ko sanang disturbohin pero baka maudlot kaya sinikap ko nalang na hayaan siyang ganoon.
"Mga pogi ba?" singit ko at talagang hindi ko mapigilang kausapin siya.
Lumingon siya saglit sa akin, natawa ulit at ibinalik ang tingin sa harap. Bakit pa ba ako nagtanong? Sana nanahimik nalang ako?
Tiningnan ko tuloy isa-isa sa malaking screen. Masyado naman silang malapit pero gusto kong makita ng detalyado lalo na't sabi ni Rio may crush daw siya sa isa diyan. Ewan ko lang talaga kung sino.
"Fan na fan ako ng music nila," aniya.
Tumango ako. "Ako rin."
Lumingon siya muli sa akin, nakavideo pa rin at steady ang hawak sa phone ko.
"Akala ko si Avril Lavigne?"
Kumurap ako. "Ah oo. Dream girl ko noon. Ganda niya eh."
Titig na titig siya sa akin. At anong sinabi ni Rio?